Chapter 24

9 2 0
                                    

flashback chapter.


"Where everything happened."



"Can you take a picture of us?" I pursed both of my lips trying to hold my laughter. Mayroon kasing foreigner na tumawag kay Benjamin para magpakuha ng litrato kasama ata ang nobya noong lalaki. Benjamin gave him a poker face. Kung hindi ko pa ito sisikuhin ay hindi ito matitinag.

We're walking in the brooklyn bridge. Ako ang may suhestyon gusto ko kasing masinagan ng araw kahit papaano. At saka hindi ba sinabi ko na gusto ko ritong sumigaw, that part I'm just kidding. Nakakahiya, baka mapagkamalan akong nasisiraan ng bait. Kagabi kasi umulan na ng nyebe at napaka lamig na simula noon kumpara noong lumapag kami rito sa New York. We only had the weekend, kaya noong he made everything official, apart from the necklace may kasama iyong plane ticket, he said it was supposed to be Japan. Kaya lang nasabi ko raw ang New York kaya nagpabook ulit siya ng iba.

Sa lamig ay puro usok nalang ang lumalabas sa bibig ko. Hanggang ngayon ay kinukuhanan pa rin ni Benjamin ng litrato iyong magkasintahan. Ipinamulsa ko ang dalawa kong kamay at inintay silang matapos. Finally.

Nang humarap sa akin si Benjamin ay nakangiti ito nang nakakaloko. Ngisi ang isinukli ko roon.

"Yes, photographer 'yan?" I joked. Umiling-iling ito at saka tinanaw ang malayo. He then looked at me with furrowed eyebrows.

"Ano?"

"Your nose is red." He said. Agad ko namang hinawakan ang ilong ko dahil doon. I watched him stepped closer to me as he placed both of his palm on my cheeks removing my hand on my nose first.

"I told you, kumain muna tayo eh." He started. Agad naman akong ngumuso at sinalubong ang tingin niya.

"Busog pa nga ako. At saka sayang naman hindi natin masusulit 'tong dalawang araw natin dito sa new york. Come on. Let's have fun! Adventure." Tugon ko naman. Nag angat ito ng kilay. The corner of his lips started to form a smirk.

"Sige, how? how can you enjoy New York in winter, when you're already freezing right now?" He said. Parang nang aasar pa nga ito. Agad ko naman inalis ang kaniyang kamay sa aking pisngi.

"Ang killjoy mo naman Apollo. Sige bumalik ka na ron ako nalang maglalakad." I jokingly said at saka nagsimulang maglakad sa brooklyn bridge. In my surprise I didn't hear anything from him. Bumilang ako ng tatlo pero hindi pa rin niya ako tinatawag ni hinahabol manlang. Siraulo 'yon ah.

I let out a deep sigh and checked my phone. May message si Max pero hindi ko muna iyon binuksan. I then turned around only to see him on his phone. May kausap siya pero ang mga mata ay nakatuon sa akin.

Sumenyas ito na sandali lang habang nakangiti. Pinanuod ko siyang ibaba ang tawag at saka ito tumakbo papalapit sa akin.

"So, lets walk?" He started. I looked at him with furrowed eyebrows.

Sino kaya iyong kausap niya.

It's none of my business.

"What?" He continued. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Baka nga napasukan na ng lamig ang utak ko.

"Nothing. Let's go? Ay teka. Akala ko ba hindi enjoyable ang weather?" I sarcastically said. Ipinamulsa nito ang dalawa niyang kamay at saka tumanaw sa malayo nang may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. He's wearing a brown coat, white turtleneck, and a black pants. While I'm wearing a beige hoodie and a black coat outside it. Actually naka bonnet pa nga ako eh. Handa ako no.

In Apollo's Arms (Sining Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon