Chapter Twelve

5K 79 4
                                    

SHE BIT HER lower lip and keeps smiling while reminiscing what happened in the basketball gym. Fudge! That was freaking unexpected, but she liked it. Hindi niya aakalain na gagawa sila ng kababalaghan sa basketball gym ng school. Nervous but at the same time exciting. Damn that man! Lahat na ata ng first ay nagawa niya dahil kay Vince. 

"Should I call 911," napatingin siya sa ama niya nang bigla itong magsalita. Her dad looks at her while wearing a smile on his face. "You're smiling like an idiot Trix. Who's that guy, sweetheart?" lumaki ang mata niya sa tanong nito. Tumingin siya sa mommy niya na at mukhang naghihintay din ito sa sagot niya.

"W-what do you mean, g-guy?" pagmamaang-maangan niya sabay iwas ng tingin sa mga magulang niya.

Halata ba talaga siya? Una si Jess, ngayon naman ang dad niya? Ang dali lang ata basahin ng mukha niya. I guess.

"Ang saya-saya mo this past few days, at hindi ako tanga para malaman kung anong dahilan ng ngiti mong yan," tumingin siya sa dad niya. "So spill it, sweetheart. Who's that guy? I want to meet him." napalunok siya sa sinabi nito. Tumingin siya sa mommy niya. Hindi niya mabasa ang emosyon ng nasa mukha ng ina niya.

"I don't have a boyfriend if that's what you think. He's just my friend," a friend that I truly love. "We're not a couple." we don't have a label. I like him, he likes me. That's it, no label.

"I don't have a problem if you enter into a relationship Trix. Ang akin lang, wag mong pababayaan ang pag-aaral mo." pino siyang ngumiti sa sinabi ng kaniyang ina. Medyo nakahinga siya nang maluwag, pero agad ding iyung nawala sa sunod nitong sinabi. "I want to meet your friend. Gusto kong malaman kung mapagkakatiwalaan ba yang kaibigan mo." she gulped again. Wrong move ata ang pagde-daydream niya at sa harap pa ng mga magulang niya dahil nagisa siya.

Pano kung umayaw si Vince? Baka isipin ng binata na tinitake-advantage niya ang pagkagusto ng binata sa kaniya. Alam niyang hindi nito magugustuhan ng binata. Wala namang sila para ipakilala niya ito sa mga magulang niya. Yes, he likes her but that's it. Hanggang dun lang yun.

"I'll try to talk to him, mom, dad." tumango lang ang mommy niya at ngumiti naman ang dad niya at pinagpatuloy ang pagkain.

After breakfast, pumunta na agad siya sa school. Ngayon ang laro ng binata at ng mga kaibigan nito na sa school nila mismo gaganapin ang laro. Bumabagabag parin sa isip niya ang pinag-usapan nila ng mga magulang niya na gusto nilang makilala si Vince. Hindi niya alam kung papayag ba ang binata sa imbistasyon niya, baka pag nalaman niya to ay lalayo sa kaniya ang binata dahil nalaman lang niya na gusto siya ni Vince, eh ipapakilala na niya ang binata sa pamilya. Baka iyun ang isipin ng binata. Ipinilig na lamang niya ang ulo at binalewala iyun.

Agad niyang pinarada ang sasakyan sa parking lot ag lumabas sa loob ng kotse nang masalubong niya si Lory na mukhang kararating pa lang. Ngumiti ang kaibigan at nilapitan siya.

"Hey, honey bee. Kararating mo lang?" tanong nito sabay halik sa pisngi niya.

"Yeah. Hindi nako makapaghintay sa game." ngiting sagot niya.

"Me too. Let's go?" pinulupot niya ang braso sa kaibigan at sabay na pumasok sa gate ng school.

Dumiretso ang dalawa sa basketball gym. Grabe rinig na rinig na niya ang mga hiyawan ng mga tao kahit hindi pa sila nakarating sa gym. Nang makapasok na sila sa loob ay mas lalong umingay, agad nilang nakita sila Kate at Jess na nasa unahan nakaupo at malapit ang puwesto nito kina Vince. Nilapitan nilang ang dalawa.

"Hey honey bees!" sigaw ni Lory sa dalawa. Umupo sila dalawang bakanteng upuan na mukhang reserved na para sa kanila ni Lory.

"Good thing nasa unahan tayo nakaupo, maingay sa dulo." she commented.

Lionel Princes Series 1 : Vincent Gonzales [COMPLETED]  (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon