Chapter Twenty-One

5.2K 65 0
                                    

HINDI MAGKAMAYAW ang dibdib ni Trix habang lulan ng taxi'ng sakay niya ngayon papunta sa kompanya nila Vince. Kanina pa siya kabado, at hindi mapakali. Nang tinawagan ni Earl si Eunice, agad niya itong kinausap kaso abala pa daw si Vince sa trabaho, naiintindihan naman niya iyun kaya hindi na lamang siya nagpumilit, pero sinabi naman ni Eunice kung nasaan ang opisina nito. Kaya ang ginawa niya, natulog muna siya, hanggang ngayon nga ay inaantok parin, gusto lang niyang humilata sa kama magdamag. Naiinis din siya kay Earl dahil hindi man lang siya nito inihatid, may tinawagan kasi ito, may emergency daw sa mansion nila at kailangan na nitong umuwi, she understands him pero naiinis parin siya.

Mas lalo siyang kinain ng kaba nang huminto na ang sinasakyan niyang taxi sa harap ng kompanya nila Vince. Agad siyang nagbayad sa driver at lumabas sa loob ng sasakyan. Napatingala pa siya sa taas ng company building ng Gonzales Enterprise. Huminga muna siya nang napakalalim bago nagsimulang maglakad papasok sa loob.

Bahagya pa siyang nalula nang makita ang kabuuan ng Gonzales Enterprise. Lahat ng tao sa loob ay gumagalaw, parehong mga abala, lahat ay pormal at talagang seryoso sa trabaho. May napansin din siya, karamihan sa mga empleyado ay mga pilipino, o baka nagkakamali lang siya. May nakikita siyang mga banyaga pero hindi gaano karami.

Lumapit na lamang siya sa front desk para magtanong kung anong floor ang opisina ng binata at kung busy pa ba ito.

"Good morning, ma'am. May I help you?" tanong nito nang mapansin nito ang paglapit niya.

"Is Mr. Vincent Gonzales here?"

"Yes ma'am. Do you have an appointment with Mr. Gonzales?" agad siyang umiling at ngumiti.

"Ahm, actually I don't have an appointment with him. But I want to talk to him. Is he busy right now?"

"I'll just call his secretary ma'am." tumango na lamang siya at ngumiti.

Mataman siyang naghintay sa babae habang may kausap sa telephono. Bahagya pa siyang nagulat nang marinig niyang nagtatagalog ito.

"Hinahanap si Mr. Gonzales, babae po Mrs. Alice..." tumingin ang babae sa kaniya. "What's your name ma'am?"

"Trixie Vargaz."

"Trixie Vargaz daw po, Mrs. Alice... Gusto raw pong makausap si sir... Talaga po?!" gulat siyang tiningnan ng babae at agad na ngumiti. "Okay po, sige po." ibinaba nito ang telepono at tumingin sa kaniya. "This way ma'am." ngumiti siya at tumango.

Sinundan niya ang babae hanggang sa elevator. The woman pushed the 30th floor button, mukhang nandoon ang opisina ng binata. Tiningnan niya ang babae.

"Narinig kita na nagtatagalog ka." sabi niya rito. Lumingon ang babae sa kaniya at ngumiti.

"Pilipino po ako ma'am," tumango siya at ngumiti sa babae. "Lahat po ng mga empleyado dito ay mga pilipino, kadalasan ang mga banyaga na nakikita niyo po ang mga investors o mga board members ng kompanya." napatango ulit siya. "Ang bait nga po ni Sir Frank, dad po ni sir Vince. Kahit hindi ka nakatapos ng pag-aaral basta may potential ka, ipapasok ka nila sa kompanya nila."

"Ba't ka pala napadpad sa kompanya nila?"

"Actually, mag-o-OFW po sana ako ma'am, kaso peke pa lang ang agency na inaplayan ko. Hanggang sa tumawag ang kaibigan ko na empleyado nila sir, naghahanap daw sila ng papalit na front desk dahil nag-resigned na po yung isang front-desk nila. So I grabbed the opportunity, at laking pasasalamat ko sa diyos at natanggap po ako ma'am. Wala po silang pakialam kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral basta may potential ka sa lahat ng bagay, yun ang hinanahap nila, at kapag meron ka nun, agad kang makakapasok sa kompanya nila ma'am." napapangiti na lamang siya sa tinuran ng babae.

Lionel Princes Series 1 : Vincent Gonzales [COMPLETED]  (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon