Chapter Fourteen

5.1K 70 2
                                    

ABALA ANG BINATA sa pagmamaneho habang mataman itong nakatingin sa daan, katabi naman niya ang dalaga na panay ang putak sa kaniya. Natatawa na lamang siya at sinipat ito ng tingin.

"Dapat kasi dun na lang tayo sumakay sa van na prinovide nila Tyron for us. For sure, nagtataka na sila kung ba't wala tayo dun. Especially your sister." himutok nito.

"Tsk! As if I care. I don't care kung anong iisipin nila, bahala sila."

They're going to Tagaytay, its Tyron and Terron's parents wedding anniversary, and they're invited. At ang pinagpuputok lang naman ng butsi ng dalaga ay dahil nagsarili sila ng sasakyan kesa sa doon sila sumakay sa van na dala nila Tyron papuntang Tagaytay, baka daw kasi anong isipin ng mga kaibigan niya at kaibigan ng dalaga sa kanilang dalawa, lalo na ang kapatid niya. Nakasakay sila ngayon sa kotse niya. Well, he wants to be with her, wala naman siyang pakialam sa mga iisipin ng mga kaibigan nila sa kanila. Tsk! His friends already knew what's on them. Wala din naman siyang pakialam sa iisipin ng mga kaibigan ng dalaga, at ng kapatid niya. Like I fucking care.

Week passed after that dinner happened, palagi na niyang binibisita ang dalaga sa bahay nito. He visits her everytime and anytime, hinahatid-sundo niya narin ang dalaga. He even hang-out with her family, like playing chess with her dad, or playing golf every weekend. Yup, they really hang-out together. He was thankful that her family accepted him, mukhang nakuha na niya ang mga puso ng mga magulang ng dalaga. Kulang na lang ng isa para makumpleto.

Trix's heart.

"Hoy! Nakikinig ka ba? Tulala ka diyan?" napatingin siya sa dalaga at ngumiti bago binalik ang tingin sa daan.

"Idlip ka muna diyan. I'll wake you up once we get there." sabi niya rito.

Mukhang nakinig naman ang dalaga at biglang tumahimik. Nilingon niya ito, she's sleeping like a baby. He hold her hand while his other hand is on the steering wheel. He keeps on kissing her hand habang nakatingin parin siya sa daan, nakasunod lang siya sa van na sinasakyan ng mga kaibigan niya.

Hours pass, nakarating din sila sa destinasyon nila. He wakes her up, pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga at siya na mismo ang nagbuhat ng mga gamit nito. They're on a beach resort na pagmamay-ari ng kapatid ng mom ni Terron and Tyron. They stopped in the lobby, as they welcome by Tita Anne, the owner of the beach resort and the eldest sister of the twin's mother. They exchanged hugs and kisses to each other.

"May malaking villa malapit sa resort, dun na muna kayo mamalagi at sa hotel kami. I'm sure gusto niyong magpaiba at masolo ang mga naggagandahang dilag na kasama niyo." only Terron shouted because of Joy. He just tsked. Ngumiti lang silang apat na mga kalalakihan.

"Magkakasya kaya kami dun, mom?" Terron asked.

"Of course son, don't worry three storey naman yun at maraming kwarto, bahay bakasyonan yun ng granny niyo. It has 15 bedrooms, pwede ngang isa-isa kayo ng kwartong matutulugan."

"Thanks, Tita." sabi ni Axel.

"Your welcome. Sige na, hakutin niyo na ang mga gamit niyo."

Nagsimula na silang maglakad papunta sa villa na sinasabi nito. Tita Anne escorted them on their way to the villa. Indeed, napakalaki nga ng villa, three storeys indeed. She opened the door and welcome them. Pansin niya ang mukha ng dalaga na namamangha sa loob ng villa.

"Do you like it?" tanong niya sa dalaga.

"Yup," ngiting sagot ng dalaga. "Gusto ko na tuloy magkaroon ng sariling villa or beach house. You know, staying for vacation, nakakaumay na din kasing maghotel." yeah, he feel her too. Checking in and checking out on a hotel, that's freaking hassle.

Lionel Princes Series 1 : Vincent Gonzales [COMPLETED]  (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon