Part 3

429 26 5
                                    

PINAGMASDAN ni Vanna ang reaksiyon ni Wilson sa sinabi niya. Usually, people would get hurt or mad whenever she opened her mouth. She rarely talked but when she did, her words could stab as deep as knives. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit walang gustong kumausap sa kanya. Ginagawa rin niya iyon para layuan siya ng mga tao.

Hindi ang reaksiyon na inaasahan ni Vanna ang nakita niya sa mukha ni Wilson. Wala sa hitsura ng lalaki ang na-offend o nagalit sa pagiging blunt niya. Instead, mukhang naaliw pa ito.

"You don't need," confident na sabi ni Wilson, "to look up every time you walk in the lobby but it seems like you could not help but still take a glimpse at my picture. I know, right? It's so hard to ignore me."

Siya yata ang parang uminit ang ulo sa sinabi nito.

Hindi makapaniwala si Vanna na mayroon talagang taong ganoon kabilib sa sarili. Kilala si Wilson Navarro bilang isang narcissist. Guwapong-guwapo ito sa sarili.

Well, guwapo naman talaga ito pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong ipangalandakan iyon palagi. Surely, maraming babae ang nagkakandarapa sa modelo pero pakiramdam yata ni Wilson ay attracted dito ang buong female population ng Pilipinas. At mukhang miski siya ay iniisip ng lalaki na may gusto rito.

Other than his good looks, mukhang wala namang ibang dapat ika-attract kay Wilson. He did not excel in anything other than flaunting his handsome face and well-built physique. They said he was self-absorbed, superficial, and dense. Mukhang totoo naman.

She twitched her lips. "Okay ka lang?"

"I'm more than okay. I'm in excellent shape."

"Do you realize you're talking to a psychopath killer's daughter?"

Ngumisi si Wilson. "I'd even talk to a psychopath killer himself if I'd have a chance."

"So you're saying you're fearless?"

Tumitig ito sa kanya na para bang binabasa ang iniisip niya. "I just don't see the reason why they'd fear you."

Kusang umangat ang isang kilay ni Vanna. Tuluyan na siyang humarap sa lalaki. "Really? Haven't you heard things about me aside from I have the genes of a psychopath killer?" Naalala niya ang mga narinig kay Marie Tessa noong isang araw.

"Ah, those nasty rumors?"

Rumours. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong narinig ni Vanna na may taong tumawag ng "rumour" sa mga kumakalat tungkol sa kanya. Lahat kasi ay naniniwala sa mga iyon. Lahat ng tao sa paligid ay hinuhusgahan siya base sa mga naririnig kahit walang proof. Basta dahil anak siya ng isang mamamatay-tao ay automatic nang tunay ang mga tsismis na iyon para sa mga ito.

"How did you know they were mere rumors?" curious na tanong niya.

"Because I didn't witness them myself. Anybody can easily twist anything."

"Just because you didn't witness it, doesn't mean hindi na 'yon totoo o nangyari."

"Just because you're a psychopath killer's daughter doesn't mean you can also kill a person. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ilag na ilag sila sa 'yo. For me, you are just a regular introvert girl."

Vanna snorted, secretly amused. Funny, si Wilson pa talaga ang nakabasa ng tunay na niyang pagkatao. She did not know if it was because of the fact that he was dense, kaya hindi ito mapag-isip nang masama sa kapwa. His life must be easy and uncomplicated. Kaya napaka-laid-back lang nito. Wala pa sigurong taong nakapanloko at nakapanakit dito. Kaya hindi ito cautious at distrustful sa mga tao sa paligid.

Poor Wilson was an innocent boy. He must be too busy admiring his handsome reflection in the mirror that he was oblivious of what was happening around him.

Pinagmasdan ni Vanna ang pag-arko ng mga labi nito habang nakatitig sa kanya nang may kislap sa mga mata.

"Go out with me."

Natigilan si Vanna. Tama ba ang narinig niya? Niyayaya ba siya ni Wilson na maka-date ito?

"You don't need to buy a ticket and win a raffle," patuloy nito nang hindi siya magsalita. "I'm personally asking you out on a date."

Napatanga si Vanna. "What?"

"Do you want to watch a movie? Walk in the park? Have dinner in a fancy restaurant? Drink in a bar? Or we can do them all in a day."

She gawked at him. "Are you kidding me?"

"I've never been serious." Biglang naging mapang-akit ang mga mata ni Wilson. "See you this weekend?"

Vanna's lips curled up in a smirk. Kung ibang babae lang siguro siya, baka pumayag agad siya. Why, this twerp was too good-looking. His broad shoulders were distracting. He smelled good.

Pero hindi siya ordinaryong babae. Wala siyang interes na makihalubilo sa mga tao sa paligid, lalo na ang makipag-date sa kahit sinong lalaki.

"I can't even stand seeing your tarp hanging there, what made you think I'd want to torture myself by spending a day with you?"

Tumunog ang school bell. Binigyan niya ng isang subtle na irap ang over-confident na lalaki bago nagsimulang humakbang para lagpasan ito.

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon