Part 2

485 27 12
                                    


PINANOOD ni Wilson kasama ng dalawang kaibigan ang ginagawang pagtatanggal ng maintenance personnel ng malaking tarpaulin na nakasabit sa school lobby ng De La Real University. Image niya ang nasa tarp na iyon. Nagkaroon kasi ng fundraising event ang DLRU Community Service Club. At ang premyo ng may ticket na mananalo ay ang maka-date siya ng isang gabi.

Of course, sold out ang tickets. Pinakyaw ng female at gay population ng DLRU. And just yesterday, naka-dinner date ni Wilson ang napakasuwerteng babaeng nanalo sa raffle na halos mahimatay nang bigyan niya ng red roses. Buong dinner ay hindi sa pagkain halos tumutulo ang laway nito kundi sa kanya. Well, he was flattered but it was a common occurrence in his life.

Hindi lang nman kasi sa school sikat si Wilson at pinagkakaguluhan ng mga babae. As a well-known commercial and underwear model, he had a lot of fans all over the country. Hindi pa siya nag-aartista nang lagay na iyon. Lalo na siguro kung patusin niya ang alok ng talent scouts na gusto siyang gawing top male actor.

"It breaks my heart," sabi ni Wilson habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkalas ng mga tali ng tarpaulin, "to think that the girls won't see their inspiration hanging there upon coming to school anymore. Baka tamarin na naman silang mag-aral."

Narinig niya ang pagtawa ni Yohan. "Don't worry, dude," nakangising pag-assure nito sa kanya, "sagot na ni Karson 'yong inspirasyon. Tarp na niya ang next na isasabit diyan."

Bumaling si Wilson kay Karson. "Ikaw ang next na ipapa-date ng CSC?"

Hindi sumagot si Karson na nakahalukipkip lang at nakatingala pa rin sa tarpaulin na tinatanggal.

"Siya naman talaga ang unang inalok," si Yohan ang nagsalita, "tumanggi lang siya. Kaya naisipan ka nilang tanungin. Kasi alam nilang hindi ka tatanggi."

Bahagyang itinulak ni Wilson si Yohan sa dibdib na ikinatawa nito. "At least, ako, inalok. Ikaw, hindi."

"Alam nilang may girlfriend ako kaya ba't nila ako aalukin? They also knew Lisa is so possessive of me she wouldn't let me date another girl kahit na for a good cause."

Girlfriend ni Yohan ang captain ng cheerleader team. Si Yohan din ang captain sa basketball varsity team kung saan isa si Wilson sa players... or bench players. Wala siya sa first five players dahil sa madalas niyang pag-absent sa basketball team due to his modeling projects. Aminado rin naman siyang mas physically attractive siya kaysa sports-minded.

Hinawakan ni Wilson sa balikat si Karson para iharap ito sa kanya. "'You really willing to do this, dude?"

Matagal nang hindi interesado sa mga babae si Karson. Simula ng maghiwalay ito at ang first and longtime girlfriend ay nawalan na ito ng ganang magkagusto o makipagmabutihan sa mga babae. He even started to find girls' admiration and attention bothersome. Kaya nakapagtataka na papayag ito na makipag-date kahit pa isang gabi lang.

Bahagyang ngumisi si Karson. "You know I'm too busy for stuff like that."

Ngumisi si Wilson. "Just as I thought." Tinapik niya ang kaibigan. "When you decline their offer, i-suggest mo na lang sa kanila na ako na lang uli."

Tumawa uli si Yohan. "Nasarapan ka yatang makipag-date. Mukhang hindi mo naman type 'yong nanalo, ah."

"It's for a good cause, dude," sabi niya. "And I feel sorry for those who've missed their chance to date me for a night. They've been tagging me on Facebook with crying and sad emoticons, bombarding my timeline. Parang piniga 'yong puso ko. 'Must be tough for them that they can't have a date with me even just once in their lifetime."

Nagtawanan ang dalawa.

Tinapik ni Yohan ang balikat ni Wilson. "Magtayo ka na lang kaya ng sarili mong foundation, dude. Para sa less fortunates na mga babaeng gusto kang maka-date."

"That's a good idea," pagsang-ayon ni Karson na halatang naaliw sa suggestion ni Yohan. "'Dating For A Cause.' How about that name for a foundation project?"

Napaisip si Wilson habang hinihimas ang baba. "Hindi kaya ako ma-haggard no'n? Sa dami ng gustong maka-date ako, baka umabot hanggang next lifetime 'yong pila."

His friends laughed. Makikitawa sana siya pero nahagip ng tingin niya ang isang babaeng nakatayo dalawang dipa mula sa kanila at nakatingala sa tarpaulin na tinatanggal.

Natigilan si Wilson. That girl... Of course, he knew who she was. Isa ito sa notorious personalities sa DLRU. Ang babaeng pinangingilagan ng lahat miski ng school bullies. She was that scary.

Vanna Salgado. A psychopath killer's daughter.

Lahat ay naniniwalang tulad ito ng ama na isang psychopath. Kaya tingin pa lang ng babae ay nanginginig na ang schoolmates nila sa takot. Wala ni isang kaibigan si Vanna. Palaging mag-isa dahil walang gustong lumapit.

She indeed had that certain aura. The dangerous aura. Parang anytime ay dudukot na lang ito ng kutsilyo mula sa bulsa at mananaksak. Pagkatapos ay hahalaklak nang malakas habang pinanonood ang pagbulwak ng dugo mula sa mga butas na nilikha nito sa katawan ng biktima. At imbes na mandiri sa dugong nag-splash sa mukha nito ay ihihilamos pa iyon habang nangingisi at tumitirik ang mga mata.

"Dang it," kusang lumabas mula sa bibig ni Wilson.

Huminto sa tawanan ang mga kaibigan. Mukhang nakatingin na rin ang mga ito sa tinitingnan niya.

"Why is Vanna looking at your tarp?" bulong ni Yohan na halatang curious.

"She's," mahinang tanong ni Karson, "not plotting to kill Wilson, is she?"

Halatang pinigil lang ni Yohan ang tawa.

Kusang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Wilson habang tinititigan ang profile ng babae. Come to think of it, Vanna was pretty. Everyone was too intimidated by her that they failed to notice her beauty.

"She's probably," sabi ni Wilson sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang tingin kay Vanna, "one of those who sulks over not winning the raffle."

Maagap na tinutop ni Karson ang bibig para hindi matawa pero si Yohan ay hindi napigilan ang mapabuga ng halakhak. Binalingan ni Wilson ang mga kaibigan. "Ba't kayo tumatawa? Ah... Iniisip n'yong imposibleng magkagusto siya sa opposite sex dahil walang puso ang mga psychopath?"

Imbes na sumagot ay nakita ni Wilson ang biglang panlalaki ng mga mata ni Yohan habang nakatingin sa ibabaw ng balikat niya.

"Shit, dude," bulong ni Yohan na mukhang naalarma, "nakatingin na siya sa 'tin."

Lumingon si Wilson at nagtagpo ang mga mata nila ni Vanna. Ito yata ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng eye contact. And he did not find that fierce look in her eyes scary at all. Instead, he found it sexy.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Wilson. Kusang humakbang ang mga paa niya papunta sa babae. Hindi niya pinansin ang mahinang pag-awat ng mga kaibigan.

Nanatiling nakapaling sa kanya ang mukha ni Vanna hanggang sa tuluyan siyang makalapit dito. Tinapunan ni Wilson ng tingin ang tarpaulin niya bago ibinalik sa babae ang tingin.

"Did you buy a ticket to date me?"

She stared at him for a few seconds as if digesting what he just said. "Why would I waste my money for that?"

He was amused. She was indeed savage.

"Then why are you staring at my tarp?"

Ibinalik ni Vanna ang tingin sa tarpaulin na nakatupi na dahil nakalas na ang mga tali sa itaas. "Because it's satisfying to watch it being taken down. It was such an eyesore. I had to endure walking in the lobby every day seeing that tarp hanging at the entrance for two weeks."

Ibinalik ni Vanna ang tingin sa kanya. Her soulless eyes stared at him with disinterest. Wala pang babae ang tumingin sa kanya nang ganoon. Pero imbes na ma-offend ay nakaramdam pa ng amusement si Wilson. Hindi niya alam pero may pakiramdam siyang hindi totoo sa loob nito ang mga sinabi. Tulad ng hindi siya naniniwalang kaya nitong pumatay na tulad ng ama nito.

This girl just wanted to get his attention. And she succeeded.

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon