Part 1

600 25 12
                                    


HABANG naglalakad sa school corridor ay aware si Vanna sa mga tinging inaani niya sa paligid. Bawat schoolmate na maraanan ay alam niyang dyina-judge siya kahit hindi naman siya kilala ng mga ito nang personal. Ang alam lang nila, anak siya ng isa sa most notorious convicted criminals sa bansa.

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Victor Salgado?

He used to be a famous movie star. He was handsome and charismatic, and almost every girl was his fan. But he ruined his perfect public image when he killed three people on different occasions.

Suddenly, his real self was revealed. Lumabas ang lahat ng itinatagong baho ng kanyang ama pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa krimeng ginawa nito. Marami na palang gulong kinasangkutan ito pero tinatakpan lang palagi ng management nito sa pamamagitan ng pera. Walang naniniwala sa mga lumalabas na tsismis noon tungkol sa aktor noon dahil marami ang hangang-hanga rito. Hanggang sa mabunyag ang mga krimeng ginawa nito.

A certain film director described Victor Salgado as a psychopath.

Psychopaths were egocentric, impulsive, manipulative, delinquent, and merciless. They could not feel guilt or shame. They were incapable of loving someone. They were heartless, inhuman beings.

They said her father was like that. And since then, the actor had been called a "psychopath killer."

Victor Salgado was sentenced with reclusion perpetua for three counts of murder. Mula noong nine years old siya hanggang ngayong eighteen na siya ay nakakulong ito. He was going to rot in jail.

Pero mukhang hindi lang ang kanyang ama ang magdurusa habambuhay kundi pati siya. She was a criminal's daughter, a psychopath killer's only child. She was carrying his genes. Therefore, she was also a psychopath and a potential killer someday. Ganoon ang logic ng mga tao sa paligid. Kaya kahit hindi naman siya personal na kilala ay tinatakan na siya ng mga ito.

She was bullied since she was ten.

Noong una ay panay lang ang iyak ni Vanna sa tuwing binu-bully siya. Sa sobrang hiya sa pagkakaroon ng isang amang mamamatay-tao ay wala siyang lakas na lumaban. Hanggang sa maisipan na lang niyang gamitin ang pagkakakilala ng mga tao sa kanya para makaiwas sa bullying. Pinangatawanan na lang ni Vanna ang image na ikinabit ng mga ito sa kanya.

She became tired of proving to them that she was not like his father and ended up accepting the fact that they would never see her differently. She put on a façade to protect herself from bullying. Nag-aral siya ng martial arts para magkaroon ng confidence na kaya niyang ipagtanggol ang sarili at magmukhang formidable. She acted like a psychopath, but she was a normal girl deep inside, a lonely one.

Maybe she turned out to be cold and distrustful. She became aloof with people and did not try to make friends anymore. Sino ba naman kasi ang magtitiwala sa mga taong mapanghusga at mga kaibigang nang-iiwan?

Even her mother did not make her feel like she had somebody beside her. Nang mag-asawa ito at magkaanak ay tuluyan na siyang napabayaan nito. Her mom would praise her being independent. Dahil siguro hindi siya nanghihingi ng atensiyon o tulong, akala ni Mommy Olivia ay hindi na niya kailangan ito.

She became used to being alone. She did not need anyone by her side.

She was now in college. And at this point, wala nang pakialam si Vanna kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. It did not affect her anymore. She did not need to be accepted or liked. She just wanted people to leave her alone.

On a typical day, during breaktime ay nagpupunta si Vanna sa library para magbasa o kaya ay uupo sa tree bench sa lugar na hindi daanan ng mga tao pero sa araw na iyon ay umupo siya sa isang bench na usually ay tinatambayan ng mga estudyante at itinakip sa mga tainga ang headphones na nakasampay sa leeg. Binuksan niya ang iPod kung saan nakasaksak ang wire ng headphones. Habang namimili ng kantang patutugtugin ay narinig ni Vanna ang pangalan mula sa mga estudyante sa likurang bench ng kinauupuan niya.

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon