Prologue

1K 38 15
                                    

NAPAATRAS si Vanna nang itulak ni Trixie ang balikat niya.

"Murderer's daughter!" singhal nito sa kanya.

Nagtawanan ang dalawang kaibigan ni Trixie na nasa magkabilang side nito. Dahil lang hindi nito nagustuhan ang pink na ribbon sa ulo ni Vanna na kapareho ng suot nito ay sinugod na siya ng kaklase. Hinila ni Trixie ang ribbon mula sa buhok niya at pinagtatapakan iyon sa sahig ng school corridor.

"You're a disgrace to this school!" sabi ni Kira. "You should be kicked out!"

"That's right!" segunda ni Amely.

"You," asik ni Trixie, "don't deserve to be in this school with us!"

Itinulak uli si Vanna ni Trixie. This time, mas malakas kaya nabuwal siya at napaupo sa sahig. Lalong lumakas ang tawanan ng tatlo. Ni hindi siya makapagsalita para depensahan ang sarili. Ang gusto niya lang gawin nang mga oras na iyon ay ang umiyak pero pinakapigilan niya.

She was only ten years old. She did not know why people would treat her that way just because she was her father's daughter. Ni wala siyang kakampi. Iniwan siya ng mga kaibigan nang malaman ang tungkol sa daddy niya. Pinalayo ng parents ng mga ito sa kanya. She had been lonely since then.

Vanna had been the subject of bullying in Southeastern Montessori School since the news about his father broke out. Simula noon ay hindi na Vanna Salgado ang tawag sa kanya sa school kundi "murderer's daughter." Ni hindi naman niya kasama sa bahay ang ama dahil hindi naging buo ang pamilya nila ever since. Hindi kasal ang parents niya. Ganunpaman ay dala-dala ni Vanna ang apelyido ng ama na ang sabi nila ay isang mamamatay-tao.

Wala siyang magawa para ipagtanggol ang sarili. She was weak and alone. Gusto sana niyang magsumbong sa kanyang mommy pero marami ring kaganapan sa buhay nito lately.

Nagluluksa pa rin si Mommy Olivia sa pagkamatay ng daddy nito at nagkukumahog sa pag-take over ng iniwang business ng lolo niya. Wala na ito halos panahon para sa kanya.

Kunsabagay, ever since naman ay hindi si Vanna ang priority ng kanyang mommy. She had always felt her existence was a burden to her mom. Mommy Olivia would party all night as if no kid was waiting for her at home. Her nanny had practically raised her, but Ate Mina left her almost a month ago. Hindi pa niya masyadong ka-close ang bago niyang yaya.

"You're," pang-aasar ni Trixie, "not gonna cry, are you?"

Naramdaman ni Vanna ang pag-iinit ng mga mata. Ipinalibot niya ang paningin sa ilang estudyante sa school corridor na nakakasaksi ng nagaganap pero mukhang wala ni isa sa mga ito ang gustong tumawag man lang ng discipline officer.

Tuluyan na siyang napaiyak nang ma-realize kung gaano siya ka-helpless. Mukhang wala ni isang tao ang kakampi sa kanya dahil anak siya ng isang mamamatay-tao.

Habang umaatungal ng iyak si Vanna ay naghahalakhakan naman ang tatlong mean classmates niya.

"Ang ingay naman dito."

Nahinto sa pag-iyak si Vanna nang marinig ang boses ng isang lalaki. Tiningala niya ang isang matangkad na estudyanteng lumapit sa kanila. Pinawi niya ang luha sa mga mata para makita ang mukha ng lalaki. Hindi ito pamilyar sa kanya pero mukhang kasing edad lang nila ito.

"Ganito ba talaga sa school na 'to?" the guy asked to no one in particular. "Normal lang ba na ang aga-aga, may umiiyak 'tsaka may nambu-bully?"

"Who are you?" nakaarko ang kilay na tanong ni Trixie sa lalaki.

"Me? I just transferred here," cool na cool na sagot ng lalaki. "'Tapos ganito pa ang we-welcome sa 'kin."

Nakita ni Vanna na nakatunganga sina Amely at Kira sa transferee na para bang nabighani ang mga ito. Kunsabagay ay may hitsura ang lalaki.

Tinapunan siya ng tingin ng new transferee. "Can you leave this girl alone? Can't you see she's crying already?"

"She deserves the hate she's been getting!" singhal ni Trixie sa lalaki.

"Why? What did she do?"

"Because she's a murderer's daughter!" Napayuko si Vanna pero mabilis din siyang bumalik sa pagtingala nang marinig ang sagot ng transferee.

"So?" kaswal na reaksiyon nito. "Did she assist the killing? If not, wala siyang kasalanan. Why would you make her pay for the sins of someone else?"

Hindi makapaniwala si Vanna habang nakatingala sa lalaki. Finally, someone stood up for her! Sa wakas, may taong nakaintindi na wala siyang kasalanan sa ginawa ng daddy niya.

Hindi nakasagot ang tatlo pero halata ang contempt sa mukha ni Trixie dahil may nambara rito.

"Leave her alone," utos ng transferee sa tatlo, "or I will report all of you to the discipline's office."

Umirap si Trixie bago tumalikod. Sumunod dito ang dalawang kaibigan. Nang makalayo ang tatlo ay nag-squat paupo ang lalaki at tinitigan si Vanna. "Are you alright?"

Vanna felt like crying again as he returned his stare. Finally, since the news about her father broke out, someone looked at her without prejudice.

"Hey, don't cry. Learn how to fight. If you can't fight, at least don't show them how scared you are. Otherwise, you'd be bullied forever."

Hindi nakasagot si Vanna habang nakatitig sa lalaki. Tumunog ang school bell kaya tumayo na ito. Inalok ng transferee ang kamay sa kanya para tulungan siya sa pagtayo. Saglit pa niyang tinitigan ang kamay nito bago tinanggap iyon.

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon