Talagang ang lakas ng mga ito mag loko. Ako maloloko niyong apat, tsk neknek niyo. Kalbohin ko muna yang lalake niyo bago niyo ko mauto.
Di na babae ang nanlalake, lalake na mismo.
Busy kuno sila sa trabaho yun pala iba ang gustong trabahoin. Aba humanda kayo sakin.
Mata lang ang walang latay.
Sinundan ko sila at akala ko talaga e pupunta sila sa kompanya mismo nila pero hanggang akala lang ako shuta, ang mga gagong yun talagang umiba ang destinasyon.
Wrong move baby. Destinasyon yan patungong maling daan.
Kailan pa na iba ang definition ng hotel sa company. Hindi ba ako na inform.
Tss nevermind di na din naman nakakagulat dahil talagang pare-parehas silang sakit sa ulo ko.
Bata pa ako pero mukhang maaga akong tatanda sa kanila.
Nakita kung bumaba sila sa isang five star hotel. At aba iba na talaga ngayon huh pahotel hotel pa kayong nalalaman. Samantalang noong honeymoon namin don ako dinala sa kubo at iniwan din kalaunan dahil ayaw daw nila akong katabi matulog at kasama sa iisang lugar dahil wala daw sa kanilang bukabularyo ang honeymoon dahil para lang daw iyon sa totoong nag mamahalan.
So ano pala kami nag lalaro lang, Kasal-kasalan ganun.
Pero di naman masakit. Pake ko naman sa bukabularyo nila. Meron din akong sariling paniniwala na kapag na iinis ako gagapangin ko na talaga sila. Ganda diba, maganda din iyong naisip ko walang kawala na talaga. Takot sila sa may kepkep pero sa kapwa hotdog go na go sila.
At dahil sa lumilipad ang isip ko. Di ko na namalayan kung san na sila pumunta, punyeta na kakainis naman. Kaya dali dali akong pumasok sa loob at nilapitan ko yung babaeng nasa front desk.
"Ma'am, what can I help you?" saad ni ate girl.
Di ko naman sya kilala e kaya ate na lang.
"Ah mag tatanong lang sana ako kung anong room number nung na una dito bago ako. Yung limang lalaki hehe" Saad ko naman tinitigan naman nya ako at alanganin itong ngumiti sakin.
"Ah sorry po ma'am bawal ko po kasi sabihen dahil vip room po kasi ang kanilang kinuhang hotel room. At for privacy na din kase iyon ng guest kaya bawal po talaga pasensya na po ma'am" Magalang nyang sabi sakin. Malulungkot na sana ako pero may naalala ako sa mga sinabi nya.
Nako ang tanga mo ate salamat kahit di mo sinabi yung room number sinabi mo naman vip room. Ih sampo lang naman ang vip room dito sa pag kakaalam ko kaya madali ko lang sila mahahanap. Wala na akong pake sa privacy eme nila ako ang legal wife ako ang mas may karapatan sa mga asawa ko hindi kung sino mang lalake.
"Ah okay miss, pabook na lang din ako vip room din sana" naisipan ko kasing kung don din ako mag bobook ng room di nila ako sisitahin kung papasok ako sa vip area lalo na at may bantay sa hagdan pataas, kung normal na room lang kase ang kukunin ko tiyak na di ako makakalusot sa mga malalaking guard na yun.
Sa payat at liit ko na'to baka daganan lang ako ng dalawang bantay tiyak na puro kape at tinapay nakalagay sa bahay namin plus may pailaw. Ayoko naman mangyare yun sino bang gusto mauna na.
"Ah ma'am wala naman kayong kasama e" nag tataka nyang sabi at lumingon lingon pa sa tabi ko. Napangiwi naman ako dahil don.
Oh edi sad kase wala, nauna na e plus one may kasamang iba e.
Pero bakit kailangan ba parating may kasama kung pupuntang hotel.
Pake mo, bakit bawal ba kumuha ng room dito kapag walang kasama paano pala kapag malakas ang ulan at walang matulogan tapos wala kang kasama so bawal? Tss di nag iisip ang isang to.
Gustong gusto kung sabihen mismo sa kanya yan pero syempre wag na baka malungkot yung buhay nya kasalanan ko pa.
"Ah meron akong kasama. nauna nga lang sa vip room" saad ko at yung huling salita e binulong ko na lang baka mag taka pa sya. Baka mabisto pa ako.
"Ah okay po ma'am wait tignan ko lang po ang available room's sa vip area"
Madami pa syang tinipa tipa sa laptop niya at maya maya lang e humarap na din sya sakin.
"Ma'am ito po vip room number 309" saad niya. Kinuha ko agad ang credit card ko at ibinigay ko agad sa kanya.
Shala may pa credit card si ante. Rich girl ang atake.
Binigay niya sakin yung key card ng room. At yung credit card ko. Mag t-thankyou pa sana siya pero wala na akong oras. Baka nag jugjugan na ang mga asawa ko kasama ang unggoy nilang kasama.
Nakakaurat talaga sila nauubos na buhok ko sa apat na yun. Unti na lang panot na ko dahil sa kanila.
Walang ginawang tama ang mga asawa ko kundi pahirapan ako. Isasaksak ko talaga sa kanila ang gitnang daliri ko sa mga mata nila sa inis at selos na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
MORE THEN ONE SERIES 1: CRUZERES
RomanceMORE THEN ONE SERIES 1. COMPLETE - TAGALOG 🔞 WARNING: MATURED CONTENT (Under edited) At first I don't know how and why everything led to this, I feel like I'm in a long sleep and I don't want to wake up again. They have been my dream for a long tim...