CRUZERES
"Pero pwede bang ibigay ninyo sakin itong huling hiling ko promise pag tapos nito aalis na ako." Saad ko sa kanila nakatitig lang sila sakin at si Nester di ko alam kung bakit or baka dahil lang nang lalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko kaya na kikita ko siyang may pag sisi at nasasaktan din sa kalagayan ko or namin. haynako sabi na e baliw na ako. Si Nester tss ulol siya. Baka nga matuwa pa syang pinalalayas na ako e. Edi parang good news yun sa kanya kase tagumpay na maging sa kanya yung apat kung asawa.
"Sige ano yun ng makaalis kana" walang kahit na anong emosyon na saad sakin ni Celns.
Walang bago hanggang ngayon ang hirap pa din nilang basahin di ko alam kung masaya ba sila nagagalit or ano dahil wala akong makitang kahit isang emosyon sa mga mata nila.
Sabi kasi ng iba titigan sa mata ang isang tao para makita ang tunay na nararamdaman nito, ngunit kahit minsan di ko yun magawa sa kanila. Or sadyang magaling lang silang mag tago ng emosyon.
Sana ako din ganun para di nila nakikitang nadudugok ako sa bawat araw na kasama ko sila.
Huminga muna ako ng malalim bago sabihen ang huli kung kahilingan sa kanila.
Last na'to.
"Pwede ba ninyo akong yakapin." Saad ko.
Nang katitigan pa silang apat. Na para bang sa pamamagitan ng tingin nila na yun sa isa't isa ay para silang nag uusap na.
"Please.." pakiusap ko pang muli.
Matagal pa bago sila tumango sakin kaya ako na mismo ang pumunta sa kanila at niyakap sila. Yung tipong ayaw ko silang bitawan. Dalawang taon ngayon ko lang sila na yakap ng ganito. Kaya susulitin ko na dahil alam kung last na to.
Ang una at huling yakap ko sa kanila.
'Mamimiss ko kayong apat' Pipeng saad ko sa isipan ko.
"S-sobrang saya ko d-dahil n-na kilala ko k-kayo. Masaya a-ako dahil naging a-asawa ko kayo salamat s-sa dalawang taon l-lagi ninyong t-tatandaan na m-mahal na mahal ko k-kayo ng higit p-pa sa b-buhay ko." Saad ko sakanila at hindi ko na talaga mabigilan ang sarili na humagulgol ng iyak habang yakap ko silang apat.
At di na nag tagal dahil ako na agad ang bumitaw sa yakap baka kasi kapag di pa ako bumitaw bawiin ko lahat ng sinabi ko at hilain ko na naman sila sakin. Siguro nga nasasakal na sila sakin kaya ganun na lang ang nangyari sa relasyon namin.
Pag bitaw ko sa kanila e agad akong pumunta sa kabinet ko oo akin dahil ayaw din nila na nakikisalo ako sa closet nila. Kaya may sarili ako. At kung iniisip ninyo mag kakatabi kami matulog haha mali kayo pareho lang kami ng kwarto pero di ako kasama sa kama dahil sa sofa nila ako pinapatulog.
Sofa no more.
Agad ko kinuha ang mga damit ko buti nandito pa ang luggage ko noong una kung lipat dito sa bahay nila.
Di ko na inayos basta nilagay ko na lang sa loob yung iniwan ko lang damit e yung binili ni tita milany mommy nila dahil nakakahiya naman kung pati iyon angkinin ko. Kinuha ko din sa banyo ang towel ko at iba pa buti na lang talaga at malaki laki itong luggage ko mapag kakasya ko lahat.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng shorts ko at tinawagan ang malapit kung kaibigan. Siya na lang talaga ang meron ako a side sa parents ko para ko na din itong kapatid na matatakbohan ko tuwing kailangan ko siya.
"Hello bess bakit?" Kaagad na sagot niya sakin ng sagutin ang tawag ko.
"P-pwede mo ba akong sunduin?" Nauutal pa akong mag salita dahil siguro naiiyak na naman ako. Di ko mapigilan e.
"Bakit? Anong nangyari?" Bakas ang pag alala sa boses nya.
"Haha wala bess, basta puntahan mo lang ako dito sa.. sa bahay ng mga Zones."
"Bahay ng mga Zones? You mean bahay ng mga bakla mong asawa?" Gulantang na saad pa nito.
Bess maya mo na ako chikahin inames ka naman e.
"Ah basta puntahan mo ko huh" saad ko na lang ayoko pa muna mag kwento mahirap kasi iexplain na wala na. Saka na kapag ako na din mismo na tanggap ko na yung katutuhanan.
"Sige, pupunta na ako kaagad dyan bess, waiting mo lang ako huh. Bye." Pag katapos non binaba ko na ang tawag.
Binulsa ko na agad ang phone ko at binuhat ko na ang maleta ko. Pag tingin ko nakatingin pa din sila sakin. Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti dahil di ko kayang ngumiti ng totoo dahil durog na durog ako ngayon.
Ngayon lang ako nag paka totoo sa nararamdaman ko. Ngayon lang talaga.
"Ah Mr. Zones at Mr. Nester aalis na ako. Mag iingat kayo palagi. Wag kayo mag alala maybe months for now may pupunta dito para sa annulment paper at ang hiling ko lang ay sana maging masaya kayo yun lang hanggang sa muli paalam na." Nag mamadaling saad ko bago lumabas ng kwartong yun. Di ko kayang mag tagal lalo na at kaharap ko sila nahihirapan akong huminga.
Di ko inaasahan na ngayon. Ngayon ako susuko atleast alam kung masaya sila. Masaya na din ako dahil nakikita ko na talaga ang totoong ngiti sa labi nila na di ko nakita man lang sa loob ng dalawang taon.
Hanggang sa muli Axens, Celns, Jenzer, Nesxter Zones my four gay husbands. Siguro hindi ngayon pero dadating ang araw o buwan or maybe years na mag kikita ulit tayo at sana sa taon na yun e hindi na kayo yung mahal ko dahil masakit kayo mahalin.
Ilan taon ko silang hiniling sa may kapal at 2 years naman kaming kasal atleast kahit ganito ang aming storya e matagal parin kaming nag sama.
Mamimiss ko ang lahat lahat, kahit di nila ako minahal atleast naranasan kung maging asawa nila di nga lang nila ako tinuring na asawa pero okay na din yun.
Salamat at tapos na din lahat ng hirap ko. Di man kayo para sakin ayos lang dahil naranasan ko naman maging isang Mrs. Cruzeres Alle Leen - Zones.
Pag ka baba ko tinitigan ko lahat ng gamit bawat sulok ng bahay. Dito ako nanirahan ng matagal tagal din kaya mamimiss ko ito.
Ang sala at kusina ang lagi kung tambayan kapag ako lang na iiwan mag isa.
Sa bahay na ito dito ako maraming na tutunan sa buhay sila ang kasama ko sa 2 years ko dito.
Lahat ng bagay dito importante sakin dahil kasi sa mga gamit na katulad ng sofa nakakatulog ako ng mahimbing don ako madalas matulog lalo na kapag hinihintay ko sila umuwi tapos kinaumagahan di naman pala sila umuwi.
Malungkot na lang akong napangiti ng maalala ko lahat ng araw na yun.
Jusko po Cruzeres ganun pala talaga ako ka tanga.
Pag tapos ko tignan lahat ng sulok ng bahay ay kaagad na din ako umalis ayoko maabutan pa nila akong nandon sa baba.
At pasalamat na lang din ako na pag ka labas na pag ka labas ko nasa labas na si bess para sunduin ako.
Itong kaibigan ko na lang at ang mga magulang ko at si kuya, alam kung di nila ako kayang iwanan. Namimiss ko na sila.
Gusto ko na umuwi sa totoong tinuring akong mahalaga. Ang tunay na buhay ko. At ang bahay na hinding hindi ko maiisipan na papaalisin ako kasi sila ang tahanan na kahit umalis ako babalik at babalik pa din ako at tatanggapin nila akong buong buo.
Bubuohin nila ako at kasabay nun ang pangako ko sa sarili kung hindi na ulit ako mag papadurog sa kahit na sino.
Lalo na sa kanila.
Aalis man akong walang wala babalik akong meron. Tandaan nyo yan Zones.
BINABASA MO ANG
MORE THEN ONE SERIES 1: CRUZERES
RomanceMORE THEN ONE SERIES 1. COMPLETE - TAGALOG 🔞 WARNING: MATURED CONTENT (Under edited) At first I don't know how and why everything led to this, I feel like I'm in a long sleep and I don't want to wake up again. They have been my dream for a long tim...