CHAPTER 2

5.4K 96 24
                                    

CRUZERES

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Shit sarap ng morning ko buti pa araw lagi akong ginigising sa umaga mga asawa ko ewan ko na lang. Kakagising ko pa lang di ko pa alam kung talaga bang di sila umuwi kagabi dahil sa nangyare.

Ano ba yan kagigising ko pa lang talaga pero sila ka agad iniisip ko.

Agad akong bumangon. Pumunta ng banyo. Para maligo kailangan ko pa ipag luto ang mga mahal kung asawa kahit ayaw nila na pinag luluto ko sila.

Makulit na kung makulit, tanga na kung tanga bahala na.

Atleast ginawa ko yung best ko bilang kanilang asawa kung dadating ang araw na malabo na talagang maging okay ang relasyon namin atleast napatunayan kung naging mabuti ako at wala akong naging pag kukulang.

Ayaw ko kasing dumating ang araw na maiisip kung may kulang ako kaya ganun ang nangyare, ayokong mag sisi at sisihin ang sarili ko kaya habang nandito pa ginagawa ko na yung sa tingin kung magiging mabuti akong asawa. Inadvance ko na kasi pakiramdam ko dadating din kami sa puntong ganun kaya inunahan ko na.

Naisip isip ko din na alam kung pagod sila dahil nga meron silang gerang ginawa kagabi sa hotel. ayaw ko na lang isipin kung ano ano ba ang ginawa nila dahil mas lalo akong naiinis at sumisikip din ang dibdib ko.

Di ko alam bakit di ako makaramdam na pang didiri sa kanila mas nang didiri pa ako don sa siraulong unggoy na yun e.

Dapat ako yun e dapat ako kasama nila e kaso ayaw nila sakin. Saklap naman nitong buhay ko.

May asawa nga ako di lang isa kundi apat pero pare-parehas akong sinusuka.

Pag baba ko mas lalo akong nainis dahil halatang halatang di talaga sila umuwi. Bahala sila akin na lang itong bahay kung ayaw naman nila dito manatili.

Total lagi silang wala e may karapatan pa din naman ako dito diba? Asawa nila ako e.

Nag luto ako ng sarili kung pagkain bahala na kung ayaw nila sa luto ko papabayaan ko na lang sila magutom meron naman silang pera e.

May pang vip room sila sure ako may lang restaurant din.

Mas na sasayangan ako sa pagkain kapag tinatapon lang nila iniisip ko ang ibang taong walang makain tapos sila na nga itong pinag sisilbihan sila pa itong nag tatapon ng biyaya.

Pag tapos mag luto e kumain na agad ako wala na akong pake tapos na akong mag pakatanga dalawang taon. Dalawang taon ako nag titiis pero kahit na isang salita wala silang narinig mula sakin.

Daig ko pa si Mark sa sobrang tahimik lang.

Noong una naming araw bilang mag asawa e sobrang saya ko pero kabaliktaran yun ng nararamdaman nila.

Yung parang fairy tale ko para sa kanila nightmare.

Pangarap ko sila noon pa man, pangarap na natupad pero bangungot ang kapalit.

Sa dalawang taon binuhos ko lahat ng oras ko halos dito na nga lang ako sa bahay e para mabantayan ko sila at maalagaan dahil isa iyong tungkolin bilang isang mabuting asawa nila pero sila isa lang naman ang hiniling ko e dito lang sila sa bahay matulog pero di pa nila magawa dahil nga.

Ayaw nila akong makasama. Masakit sobra lalo na sa part ko kasi akala ko talaga mababago ko sila pero totoo nga ang sabi ng iba di mo mababago ang isang tao kung sila mismo ang ayaw.

Nasusuka daw sila kapag naiisip nila ako. Na ako yung pinakasalan nila. Yung babaeng di nila inaasahan na matatali sa kanila.

Nasa bawat uwi nila ako ang makikita nila.

MORE THEN ONE SERIES 1: CRUZERESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon