I'll Wait

28 4 4
                                    

"Sandy Enueva!"

"I like you!"

Doon nagsimula ang lahat. I still remember how red your cheeks were while shouting my name and how your friends teased you because of your sudden confession.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Sand, kahit tumanda na tayo gusto ko i-kiss mo pa din ako." She said, napangiti ako.

"Of course my love." I responded and kissed her forehead.

-
"BAABYYYY! I BOUGHT YOU A WHOLE DAMN CAKE!"

"What the, Vielle Alonzo I told you not to-"

I was cut off when she pressed her lips with mine.

"I wanted to surprise my girlfriend."

She was always gentle with me. Walang araw na hindi niya pinaramdam kung gaano niya ako kamahal. Tinuring niya akong prinsesa, ganoon din ako sa kanya.

Tumagal kami ng tatlong taon ni Vielle. Magkasama kami sa lahat, wala na akong mahihiling pa. Legal din kami both sides.

Our relationship was healthy, until..

"Sandy, anak, naaksidente ang kapatid mo. Kailangan niyang operahan anak.."

Umiyak ako buong gabi noon. I needed to find money for my brother's operation. It was hard kasi college palang ako, wala pa akong trabaho.

Umabot ng ilang buwan at nanatiling coma ang kapatid ko. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho upang makatulong kay mama at magkapera, nawalan na ako ng oras sa pag-aaral..

Maging kay Vielle.

"Love.."

"Hinintay kita."

It was her birthday. She asked me to attend pero kinailangan ng magbabantay sa bahay dahil si Mama ang nagbantay sa hospital. I was holding a pile of clothes na lalabhan ko sana nang bigla siyang dumating.

"L-love.. 2 am na, ano pang ginagawa mo dito? Aish.. sinong naghatid sayo?" Nag aalala kong tanong. Inilapag ko na din iyong mga labahan at muli siyang hinarap. She was wearing a familiar gown na batid ko ay suot niya sa birthday party niya. She was really pretty.

"Answer my questions first, Sand. Bakit? Same reasons pa din ba?"

Nawalan ako ng sasabihin at tila napipi. She was already crying in front of me. Gusto kong magsalita pero wala akong mahanap na sagot.

"Naiintindihan ko naman sana Sand eh." She tried to wipe her tears pero tulo lang iyon ng tulo. "Pero, paano naman ako? Ilang buwan na Sandy. Miss na miss na kita."

"Naiintindihan kong kailangan mong magtrabaho para sa kapatid mo pero paano naman ako, Sand? Araw araw akong umaasang makikita ka sa school pero wala. Kahit text or call lang naman sana.."

"V-Vielle.." Umiiyak na din ako. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, it was shaking.

"I was hoping to see you tonight kasi 'yon lang ang hiniling ko, Sandy. Sinuot ko pa nga yung gusto mong suotin kong gown ko."

"Tell me.. mahal mo pa ba ako?"

"Baby? Of course.." I kissed her hand. "Of course I do love."

"Tell me honestly Sandy, napapagod kana ba?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Her eyes were full of sadness, hindi ko kayang titigan iyon ng matagal.

"Come here." I said and pulled her for a hug. Niyakap ko siya ng mahigpit. I felt her hands around me, umaayos na din ang paghinga niya.

"I love you, okay?"

Short Stories Compilation✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon