I am Hazie Nuevo, half tanga half abnormal. Kakagaling ko lang sa Break up and wala namang issue sa 'kin yung pakikipaghiwalay niya dahil parehas naming gusto ng ex ko na makipaghiwalay sa isa't isa. Pero kahit ganon, mahal ko parin siya.
3 months lang ang itinagal namin ni Xedric pero sa loob ng kaunting panahon na yon ay may mga masasayang memories din naman kaming nabuo together.
Busy ako kakascroll sa fb nang biglang magchat si Xedric.
"Hi po" chat niya
Kinamusta niya ako at ganon din naman ang ginawa ko sa kanya. Nagkausap lang kami buong araw at inaamin kong nag enjoy ako.
Ilang araw na ang nakalipas at patuloy parin kaming nag uusap ni Xedric kahit wala nang 'kami'. Pwede naman yon diba? Walang malisya.
"Haz may sasabihin ako" he chatted
"Ano?" Reply ko
"I still love you" Ni seen ko lang siya dahil sa hindi ko alam ang irereply sa sinabi niya. Mahal ko parin siya pero hindi na gaya ng dati.
Tatlong araw akong hindi nakipagchat sa kanya para makapag isip. OA man o OA pero gusto kong malaman ang nararamdaman ko and confirmed, im still into him.
Nag online ako at bumungad sakin ang tadtad ng mga messages galing sa kanya
'I still love you'
'Seen?'
'Hazie? Hey??'
'Nabigla ba kita?'
'I'm sorry kung nakipagbreak ako'
'Im sorry kung wala akong time sayo dati pero may dahilan kasi yon'
'Hazie'
'I love you Hazie'
'Hindi ko hinihiling na bumalik ka sakin pero gusto ko lang na malaman mo na'
'Mahal na mahal kita'
Napatayo bigla ang mga balahibo ko dahil sa kaba nang mabasa ang mga messages niya
Agad agad kong inayos ang sarili ko at nagmadaling pumunta sa bahay nila
Hindi na ako nag abala pang sumakay sa kahit ano. Tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak
'Hindi ko hinihiling na bumalik ka sakin pero gusto ko lang na malaman mo na'
'Mahal na mahal kita'
'Bago ako mamatay.'
Malapit nalang ako sa bahay nila!
Maaabutan ko pa siya
'Hindi ko pa to nasabi sayo nung tayo pa.'
'Hindi ko nasabi na sobrang mahal kita Haha'
'Sorry kung pinaramdam ko sayo na parang wala ka lang sakin'
'So this is a goodbye?'
'Masaya akong mawala sa mundo dahil naging akin ka kahit pansamantala lang'
Hingal na hingal ako nang makarating sa bahay nila.
Nakita ko ang mama ni Xedric kaya umiiyak akong nilapitan siya
"T-tita.."
"Tita si Xedric gusto kong makita.. n-nasan siya tita"
Niyakap niya ako
'Ikaw ang pinakamagandang bahagi ng buhay ko'
'Yan! Alam mo na ngayon HAHAHA'
Humiwalay siya sa yakap
"Nasa loob si Xedric iha, hinihintay ka"
Nagmadali naman akong pumasok sa bahay nila
Akala ko yung masayahin at masiglang si Xedric ang bubungad sa akin
Pero hindi. Dahil bumungad sa akin ang taong mahal ko na nakahiga sa kabaong
Mas bumuhos ang mga luha ko habang papalapit sa kanya, nakangiti siya
Pero wala na siyang buhay
"Alam mo namiss kita" chat ko
"Ako din HAHAHA"
"Gusto kitang makita, sayang kasi bawal ako"
"Its okay Haz, makikita mo naman ako soon.. babatiin kita ng nakangiti" reply niya
"Talaga? Libre moko street foods ah gala tayo"
"Sige HAHA"
"I-iniwan mo na ko.. di ko pa nga nasasabi sayo kung gano kita kamahal eh"
'Goodbye'
'I love you Hazie'
Nahihirapan akong magsalita pero"I-I love you too X-Xedric"
"I love you so much"
![](https://img.wattpad.com/cover/219867804-288-k648202.jpg)
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation✔︎
Historia Corta➪One shot stories ➪Just a compilation of my works na pinopost ko sa FB ➪Topics/Genre (LGBTQ+, Romance, Letting Go, etc.)