Why Not Me?

82 11 1
                                    

"Ray andyan ba si Shrane?"

"Shrane may naghahanap sayo!"

"Sino?"

"Si Clark"

"Shrane! Hi.."

Siya si Shrane Fabilionne, tatlong taon ko na siyang nililigawan pero kahit ano atang gawin ko ay parang wala lang sa kanya.

"Ah, hello Clark."

"Pwede kaba mamaya?"

"Sorry Clark hindi talaga pwede eh."

"Ah ganun ba, sige ayos lang."

-

Tatlong taon na akong naghahabol pero hindi ako napapagod. Mahal ko siya at ayokong sukuan yung nararamdaman ko

"Pare pakibigay kay Shrane"

"Sige tol, sandali"

"Tol pinababalik niya."

"Bakit daw?"

"Sobra sobra na daw yung pinapadala mo araw araw baka isipin ng iba pineperahan ka daw niya"

"Ah ganun ba, sige.. pasabi mag ingat siya mamaya hindi ko siya mahahatid may project pako e, salamat pare ah"

-

Tatlong taon kong tiniis ang mala bato niyang puso at malamig na pakikitungo sa akin. Mahal ko siya kaya hindi ako titigil, naniniwala akong mamahalin niya din ako pabalik

"Shrane! Teka lang!"

"Oh Clark, Why?"

"May bagong bukas don na Cafè with mini bar.. hehe aayain sana kita ng date?"

"Im sorry Clark, may lakad pa ako eh."

"Aw, Okay. Maybe next time?"

"Sige Clark, sorry talaga"

"Ayos lang"

-

Dahil wala si Shrane, ang mga tropa nalang ang inaya ko. Sayang ngalang kasi si Shrane ang gusto kong makasama sa bagong bukas kong Café. Yes, this is mine. Pinagawa ko to para sa kanya pero hindi ko alam kung masasabi ko pa ba yon sa kanya.

"Say you wont let go~" kanta naman ng banda rito.

"Dre, diba si Shrane yon?" aniya Ramuel. Napatingin naman agad ako sa kung saan siya nakaturo

Tama siya, si Shrane nga at may kasama siya.

Akala ko ba may pupuntahan siya kaya nireject niya ang invitation ko?

"Fuck."

Biglang hinalikan ni Shrane ang kasama niyang babae.

"Dre, ayos kalang ba?" Tanong ng isa kong tropa nang bigla kong inisahang inom ang beer.

Tumayo ako at pumunta sa kung saan ang banda na ni-hire ko. Nagrequest ako sa kanila na kung pwede bang kumanta at pumayag sila

"Salamat"

Tumingin ako sa Direksiyon kung saan sila Shrane at nung kasama niya. Halata ang gulat sa mukha ni Shrane.

I smiled at her.

"Escaping nights without you with shadows on the wall
My mind is running wild tryin' hard not to fall~"

Kanta ko habang nakatingin sa mga mata niya

"You told me that you love me but say I'm just a friend~"

"My heart is broken up into pieces
'Cause I know I'll never free my soul
It's trapped between true love and being alone~"

Bigla akong napapikit nang tumulo ang luha ko

"When my eyes are closed the greatest story told
I woke and my dreams are shattered here on the floor~"

Tiningnan ko siya.

Sobrang ganda niya

"Why oh why tell me why not me
Why oh why we were meant to be
Baby I know I could be all you need~"

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ng babae na alam ko ay mahal niya.

"W-Why oh why oh why~"

'Bakit hindi nalang ako, Shrane?'

"I wanna l-love you.."

"I-If you only knew how much I love you~"

'Tangina ang sakit. Hindi mo ba naramdaman sa loob ng 3 years yon Shrane?'

"So why not me~"

Nag aalinlangang pumalakpak ang mga tao roon dahil sa sitwasyon ko. Umiiyak ako. Masakit, sobrang sakit.

Nilapitan ako ni Ramuel at Syd para alalayan.

"Shrane! Wait!"

Pagpigil ko nang lalabas na sana sila

"Congrats pala HAHAHA" pilit kong tawa, "Kaya ba hindi mo ako pinapansin Shrane? Kaya ba hindi mo ako kayang mahalin?"

Hindi siya nakasagot

"Sana sinabi mo na dati pa. Napigilan ko pa sana ang sarili kong mahulog ng sobrang lalim sayo"

"M-masakit Shrane sobrang sakit"

Hinawakan ko ang kamay niya at naaawa niya akong tiningnan

"I love you so much, i really do Shrane. So why not me?"

"Bakit hindi ako Shrane?"

"Im so sorry Clark. Pero si Abby talaga ang mahal ko. Hindi ko rin to inasahan, nagulat lang din ako Clark. Siya talaga yung tinitibok nito" turo niya sa dibdib niya, "siya lang Clark. Im so sorry for hurting you. Im sorry"

Niyakap ko siya, "I understand, im sorry.. I love you so I'll set you free. You're free now. Wala mang tayo pero mahal na mahal kita Shrane at masaya akong minahal kita kahit hindi mo na iyon sinuklian. Be happy okay?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya bago tiningnan si Abby, her Girlfriend.

"Hi A-Abby, im Clark"

"Thank you so much for making our princess happy. Ikaw lang ang nakakagawa non. Ingatan mo siya ah, W-Wag mo siyang sasaktan."

"M-makakaasa ka." Sagot nito kaya napangiti ako kahit masakit

"Thank you so much Shrane.. bye have a nice date"

Hinawakan niya ang kamay ko

"Sana mahanap mo na din yung para talaga sayo.. at yung mamahalin ka din ng totoo. Im sorry talaga Clark.. Salamat sa pagmamahal"

"Sana nga Shrane. Sige na.. Enjoy your day with Abby"


Why not me? Because im not Abby. I will never be her.

Masakit man pero tinanggap ko na. Love is Unpredictable. Kahit gaano pa ako katagal sa tabi niya, kung sa iba titibok ang puso niya wala na akong magagawa doon.

Short Stories Compilation✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon