Sassy Pov
"Sassy Lianne Fuentebella." Sigaw ni Mom. Alam kong si Mom s'ya kasi s'ya lang naman ang tumatawag sa'kin ng buong pangalan ko.
"Yes Mom?." Sigaw ko rin. S'yempre sinigawan n'ya ako e. Edi sisigawan ko rin s'ya para patas.
"Nandito na 'yung maglilinis sa mga patay mong kuko." Waaaa! Nand'yan na 'yung manicurista na hin-ire ni Mama. Nakakainis naman kasi e. Araw-araw nalang may manicurista dito sa bahay namin. Kung hindi manicurista, parlorista. Kung hindi parlorista, designer. Nagtataka ba kayo kung bakit may ganon lagi sa bahay namin? Kasi si Mama, gusto n'ya ipa-make over ako. Kaso, ayoko na. Nadala na ako. Kasi dati, pinamake-over na ako ni Mama. Kaso hindi naman make-over ang naganap. Mas lalo lang akong pumangit. Kaya ngayon ayoko na.
"Sabrina. Bumaba ka na d'yan." Sigaw ni Mama. Tapos nung narinig ko na 'yung foot steps ni Mama. Bilis-bilis akong nagtago sa C.R.
"Sabrina? Where are you?." Ayan na narinig ko na si Mama. Sigurado nakapasok na s'ya ng kwarto ko. Sigurado rin akong alam na n'ya na nasa C.R ako, kasi nakabukas 'yung shower e. Pero s'yempre, hindi ako nagsho-shower. Props lang 'yun.
Tok... Tok... Tok...
"Sabrina." -Mom.
"Yes Mom?." -Me.
"What are you doing?." -Mom.
"Taking a bath." -Me.
"What?! Nand'yan na 'yung manicurista. Hindi na pwedeng maghintay ng matagal 'yun dahil nagmamadali s'ya." -Mom.
"Mom, edi pauwian n'yo na. Matagal pa ako dito e." -Me.
"Anong matagal? E wala ka pa ngang 5 minutes maligo e." -Mom. Ay. Grabe. Nakaka 5 minutes naman ako minsan no. At saka nerd lang ako. Hindi ako salaula sa katawan. Pero ayoko lang talaga ng mga make over na 'yan.
"Pero Mom." -Me.
"No buts Ms. Fuentebella." -Mom.
"I said 'PERO' not 'BUTS'." -Me.
"Don't be PHILOSOPY anak." -Mom.
"PHILOSOPY?." -Me.
"PHILOSOPY. In tagalog. PILOSOPO." -Mom. Hay nako. Nabaliw na naman ang mama ko. Aha, alam ko na.
"Mom." -Me.
"Yes?." -Mom.
"Diba may business meeting ka ngayon?." -Me.
"Ay, oo nga. Sh*t." -Mom. Tapos ayun, narinig ko nalang 'yung mga foot steps ni Mama. Tsaka 'yung pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. Oh? Diba, pati nanay ko marunong mag-mura. Buti nalang hindi ako nag-mana sa kanya. Haha! Nakaisa na naman ako. Sigurado ako papauwiin na ni Mama 'yung hinired n'yang manicurista. Haha! Ligtas na naman ako. Tapos ayun, lumabas na ako ng C.R.
Siguro kong mga books pa 'yun matuwa pa ako. Alam n'yo na, mahilig akong magbasa. O kaya naman optical. Para masukatan na ako ng bagong salamin. Collections ko 'yun e. Salamin tsaka libro.
Tok... Tok... Tok...
Sino na naman kaya 'yun? Baka si Mom. Imposible, nasa meeting 'yun.
"Lianne." Alam ko na, si Kuya. S'ya lang naman ang tumatawag sa akin sa second name ko.
"Yes Kuya?." Tanong ko, nung pagkabukas ko ng pinto.
"Mall." Ikling sagot n'ya. Tsaka anong sabi n'ya Mall? Hindi yata ako pumupunta doon.
"Ayoko." Isasarado ko na sana 'yung pinto ng bigla s'yang nagsalita.
"Si Mama 'yung nagsabi, kapag hindi ka daw sumama. Hindi ka na daw n'ya papasukatan ng salamin." Edi wag, marami naman akong salamin no.
