Sassy Pov
Haaaay. Buti nalang at nakatakas ako doon sa mga masasamang kamay. Joke! Kauuwi ko lang galing Mall. Jusko! Hindi n'yo alam kung anong napagdaan ko kanina. Muntik pa nga akong mahuli ni Kuya kanina. Kasi naman, bago ako umuwi. Namili pa ako ng libro. Aba! Sayang 'yung 500 no. Muntik na nga akong hindi makauwi e. Buti may natirang sukli. Kung hindi, maglalakad ako. Buti nalang talaga nakatakas ako sa kanila.
"Lianne!." Hala! Akala ko nakatakas na ako sa kanila. 'Yun pala hindi. Lagot ako.
"Lianne!." Lagot na. Galit na galit na siguro ngayon 'to? Alam ko na. Magkukunwari nalang akong tulog. Naku, hindi pwede 'yun. Sa lakas ba naman ng sigaw n'ya malamang magigising talaga ako noon. Alam ko na. Kunwari umalis ako. Mali, saan naman ako pupunta? Aish. Bahala na nga.
"Yes Kuya?." Tanong ko pagkabukas ko ng pinto. Lagot talaga ako nito. Tignan mo naman kasi ang hitsura ni Kuya, pulang-pula na. Tapos ang sama-sama pa ng tingin sa akin. I'm so DEAD.
"Bakit ka umalis ng Mall ng hindi nagpapaalam?." Tanong n'ya ng pasigaw. Muntik na nga akong mabingi dahil sa lakas ng boses n'ya.
"Kasi naalala ko may pupuntahan nga pala ako." Palusot ko. Sana umubra. Umubra ka. Umubra ka.
"Saan ka naman pupunta?." Tanong n'ya. Mukha na s'yang kalmado ngayon. Tingin ko, umubra naman ang palusot ko.
"Birthday?." Nag-aalangan na sagot ko.
"Birthday?! Sino naman ang mag-iimbita sa'yo? E wala ka ngang kaibigan sa school n'yo. Ni mga kaklase mo nga hindi ka kilala e." Ay, grabe s'ya. Pero totoo, wala akong kaibigan. E ano naman ngayon? Nandoon ako para mag-aral. At hindi para makipagkaibigan.
"Kuya. Kasi nahihilo ako e." Pagpapalusot ko pa. Siguro naman maniniwala na s'ya ngayon?
"Nahihilo?! E kasasabi mo pa nga lang na pupunta kang Birthday. Tapos ngayon nahihilo ka?." Sabi ko nga, hindi umubra.
"Pasalamat ka at hindi dumating si Mama. Naku, kung dumating 'yun ihanda mo na 'yang libro at mga salamin mo." Tapos umalis na s'ya. Buti nalang talaga hindi dumating si Mama. Kung hindi, magpapaalam na ako sa mga libro at salamin ko. Kasi dati, nagawa ko narin 'to sa kanila. Tapos 'yung ginawa ni Mama. Pinagsusunog 'yung mga libro ko. Tapos pinagsisira 'yung mga salamin ko. Iyak ako ng iyak noon. Nagkulong ako sa kwarto ko ng ilang buwan. Kaya mula noon, naging Loner na ako. Hay nako, naiiyak ako pag binabalikan ko 'yun. Grabe, isang taon ko inipon 'yung mga libro ko na'yun. Halos hindi na ako nagre-recess makabili lang ng libro. May pera naman kami. Pero hindi ako pinapayagan ni Mama na waldasin iyon sa mga libro lang. Pero 'yung mga salamin. Ayos lang. Hindi naman ako 'yung nagpagawa noon e. Sila.
Haaaaay, pagpatuloy ko na nga lang ang pagre-review.
Review...
Review...
Review...
Ano ba 'to? Nareview ko na 'to kanina e. Wala nabang ibang irereview? Nakakatamad e. Ano kayang magandang gawin?
"Sabrina Lianne Fuentebella." Sigaw ni Mom. Nand'yan na pala s'ya.
"Yes?." Sigaw ko rin. Tinatamad akong buksan 'yung pinto e.
"Ano 'yung nabalitaan kong tinakasan mo daw ang Kuya mo kanina?." Tanong n'ya nung makapasok na s'ya. Tch. Hindi marunong kumatok.
"E kasi naman Mom. Nahihilo ako no." Buti nalang nakaisip ako ng palusot ko. Sana lang maniwala s'ya.
"Nahihilo?! Okay." Yown. Buti nalang at naniwala s'ya. Ang bilis talagang utuin ni Mama. Tapos umalis na s'ya. Humarap ako sa salamin tsaka ko kinausap 'yung sarili ko.
"Ano bang kulang sa'kin? Cute naman ako. Nerd nga lang." Nababaliw na 'yata ako. Pati sarili ko kinakausap ko.
"Papa." Tawag ko kay Papa tapos kinapa ko 'yung NECKLACE na nakasuot sa leeg ko. PERO. Wala 'yung NECKLACE ko? Hala! Saan napunta 'yun? Hindi pwedeng mawala 'yun. Iyon nalang 'yun natitirang alala sa'kin ng Papa ko.
***FLASHBACK***
Kring... Kring...
"Sabrina." -Mom.
"Yes?." -Me.
"S-s-si p-pa-papa mo." -Mom.
"Why are you stammering? What about Papa?." -Me.
"Naaksidente s'ya." -Mom.
---
[HOSPITAL]
"DAD. 'Wag mo akong iiwan. Lumaban ka. Lumaban ka."
"Sorry. ANAK." Totoo ba 'to? Tinawag n'ya akong ANAK? Buong buhay ko hindi ko narinig 'yun mula sa kanya. Ang sarap pakinggan.
"Sorry ANAK. Dahil ngayon lang kita natawag na ANAK. Pwede ka bang mayakap sa una't huling pagkakataon?." Niyakap ko s'ya. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Sana, panaginip lang lahat 'to. Sana, hindi ito ang huling pagkakataon na mayayakap ko ang Papa ko. Sana, hindi ito ang huling pagkakataon na matatawag n'ya akong ANAK. Sana.
Tapos may iniabot s'ya sa'king isang bagay.
NECKLACE.
***END OF FLASHBACK***
Hindi pwedeng mawala 'yun. Napakahalaga nun. 'Yun nalang 'yung natitirang ala-ala sa'kin ng Papa ko. Hindi pwedeng mawala 'yun.
~♥~
VoMments. Kamsa.
