3~MIND READER

9 1 0
                                    

Sassy Pov

[SCHOOL]

"Quiet!." Sigaw ni Ms. Librarian. Paano ba naman kasi. Ang ingay-ingay nung dalawang babae doon sa sulok. Magkwentuhan ba naman sa Library. 'Wag na kayong magtaka. Oo, nandito ako sa Library. Alam n'yo naman na ito ang tambayan ko.

Ringggggggg.............

Hayyysss. Bwisit na 'yan. Istorbo. Kita ng nagbabasa ko. Tapos nag-ingay pa. Makapunta na nga ng Room. Tapos ko narin namang basahin itong mga binabasa ko.

---

Papasok na sana ako ng room ng biglang may humarang sa pinto. 'Yung mga taga-dagat. Si Bisugo. Si Hito. Tsaka si Bangus. Sila 'yung mga madalas na mang-bully sa'kin. Akala naman nila kagandahan sila. Hindi 'yata sila nandidiri sa hitsura nila.

"Excuse me." Pagpaparamdam ko. Napatingin naman sila sa'kin. Sabay-sabay pa sila.

"NO PETS ALLOWED." Sabi ni Bisugo. NO PETS ALLOWED? E bakit sila nakapasok kung NO PETS ALLOWED? Hindi nalang ako sumagot. Baka mamaya, pag-tulungan pa ako nila. Ayoko maging ka-uri nila no.

"Bawal pumasok ang PANGET." Sabi naman ni Hito. Bawal pumasok ang PANGET? Pinapatamaan ba nila 'yung sarili nila? Hindi nalang ulit ako sumagot. Ayoko talaga kasi ng away. Bukod sa maiiskandalo ka na masasaktan ka pa.

"Hoy! Sumagot ka nga. 'Wag kang bastos." Sabi namin ni Bangus. Alam mo, ang gulo nila. Pag sumasagot ako sa kanila. Papatahimikin nila ako. Ngayon namang hindi ako sumasagot. Gusto nila, sagutin ko sila. Ang gulo nila.

"Hey. What's happening here?." Sigaw ni Mrs. Gervacio. Buti nalang dumating s'ya. Kung hindi baka naging m'yembro narin ako ng FISH GIRLS. Pangit na nga ako. Baka mas lalo pa akong maging pangit. Oo, aminado naman ako na pangit ako. Hindi katulad nung mga FISH GIRLS na'yun.

Pumasok na ako ng Room. Kasunod ko lang si Ma'am. Dumiretso na ako sa upuan ko. Hindi naman kalayuan 'yung upuan ko. Nasa bandang gitna lang. Nasa likod ko 'yung mga FISH GIRLS. Bakit sila nasa likod ko? Kasi madalas nila akong pag-tripan. Minsan pag uupo ako, hahatakin nila 'yung upuan kaya sa sahig 'yung diretso ko. Tapos pag nagsusulat kami, iba 'yung sinusulatan nila. 'Yung damit ko. Kung hindi nila susulatan didikitan nila ng sticky notes. Tapos may nakasulat na kung ano-ano. Minsan naman 'yung arm rest ko 'yung sinusulatan nila. Marker pa talaga 'yung pang sulat nila. Okay lang 'yan. Sanay na ako d'yan. Sabi nga ni Mama. Lahat ng tao may kapaguran. Kaya sigurado ako mapapagod rin ang mga 'yan.

"Before we start our lesson. Ipapakilala ko muna sa inyo ang BAGO n'yong KAKLASE. Yes. HE is the TRANSFEREE na sinasabi ko sa inyo." He? Lalaki? Malamang. Nagsimula namang umingay ang buong paligid. Napuno ng bulung-bulungan. Lalong-lalo na 'yung mga nasa likod ko.

"He? Lalaki?." Tanong ni Bisugo.

"Malamang. Tanga mo. Kailan pa naging HE ang babae?." Si Hito.

"Sana gwapo." Sabi naman ni Bangus.

"Kung gwapo, akin s'ya." Sigaw ni Hito.

"Hindi, akin s'ya." Si Bisugo naman ngayon.

"'Wag na nga kayo mag-away. Sigurado sa'kin ang bagsak n'ya." Si Bangus naman ngayon. Haaaay, magkakaibigan ba talaga ang mga 'yan?

Natigil ang lahat sa pag-uusap ng may biglang pumasok na lalaking nakayuko. Hindi naman makita ang mukha n'ya, dahil nga nakayuko s'ya. Tsaka pansin ko, tumahimik ang buong klase hinihintay siguro ang susunod n'yang gagawin.

"Introduce yourself hijo." Sabi ni Ma'am. Bago s'ya magsalita iniangat n'ya na ang mukha n'ya. May ibang natawa matapos nilang makita 'yung hitsura n'ya. What's wrong with face? Nakasuot s'ya ng makapal na salamin. Kagaya ko. Tapos ang kapal ng kilay n'ya. Kagaya ko. Anong nakakatawa doon? Sabagay. Halos lahat ng tao ngayon mapang-husga. Wala na nga 'yatang natirang matino e.

PERFECT TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon