4~FRIENDS

2 1 0
                                    

Sassy Pov

[ROOM]

Papasok palang kami ng Room ni Bobby. Nang biglang humarang na naman ang FISH GIRLS sa daraanan namin. Oo, kasabay ko si Bobby. Hindi ko nga alam ang nakain ko at sumabay ako sa kan'ya.

"Hoy!." Bungad agad sa amin ni Bisugo.

"May pangalan kami. 'Wag mo kaming tawaging 'HOY!.'." Ha! Kala nila. Por que ba Nerd. Hindi na pwedeng magtaray?

"Aba! Lumalaban ka na. Bakit?! Por que ba may kaibigan ka na?! Hindi ka na natatakot sa amin?." Natatakot pa'rin. Lalo na sa mukha n'yo. Sasagot pa sana ako, kaya lang hinawakan ni Bobby ang balikat ko. Omo! Na-ground na naman ako.

"Halika na! 'Wag mo na sila patulan." Bulong n'ya sa'kin. Papasok na sana kami ng bigla namang humarang si Princess. Lagot na. Hindi ko pwedeng patulan 'to. Baka mamaya, masabunutan pa ako nito.

"Saan kayo pupunta?." Tanga nito. Malamang papasok kami. Room namin ito e.

"Ikaw, anong binubulong-bulong mo kanina kay Nerd na Pangit." Tanong n'ya kay Bobby. Nerd na Pangit, ako 'yun. Iyon 'yung tawag n'ya sa'kin. Well, sanay ako. Okay lang kahit na s'ya 'yung manlait sa'kin. Kasi, maganda naman talaga s'ya e. Pero kung 'yung FISH GIRLS? Ay nako.

"Wala." Sagot ni Bobby. Alam mo. May pagkatsismosa rin 'tong si Princess e. Bakit ba n'ya gustong malaman kung anong binulong sa'kin ni Bobby?

"Anong wala? Nakita ko may binulong ka sa kanya. Kabago-bago mo dito ang tapang-tapang mo na. Baka gusto mong masampolan? Para tumino ka?." Umiling naman si Bobby. Nakakainis ka naman Bobby e. Bakit hindi lumaban? Labanan mo s'ya. 'Wag mong hayaang pinapahiya ka n'ya. Nasasaktan rin ako e.

O_O

What? What did I say? Mali! Mali! Ang sabi ko lumaban s'ya. 'Yun lang 'yun.

"Ano'ng nangyayari dito?!." Sigaw ni Ma'am. Hayy! Thank God! Buti nalang at dumating si Ma'am. Baka kung hindi nagkagulo na dito.

"Hindi pa tayo tapos." Mahinang sabi ni Princess. Tapos pumasok na sila nung mga FISH GIRLS. Sumunod naman kaming dalawa ni Bobby. Tapos nasa likuran namin si Ma'am.

"So, you are the Transferee. Right?." Tanong ni Ma'am kay Bobby pagkaupo namin. (Ibang Teacher na kasi ito. Kaya hindi n'ya kilala si Bobby.) Tapos tumango naman si Bobby. Hindi pa ba nahalata ni Ma'am kanina nung nasa labas kami?

Tapos ayun, nagsimula ng magdiscuss si Ma'am. Pero s'yempre Nerd ako. Todo kinig ako. Lalo naman 'tong katabi ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate. Arrrgh. Nakakainis.

KRING... KRING...

"Class. That's all for now." Haaaay. Salamat. Natapos rin. Easy- easyng 'yung Subject. Hindi man lang kami nahirapan ni Bobby. Halos 'yung mga kaklase namin magdugo na 'yung utak.

"Hoy!." Ayan na naman si Princess. Kasama 'yung mga FISH GIRLS. Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. Joke! Hinding-hindi ko magagawa 'yun. Lalong lalo na sa kan'ya.

"Ano na naman bang kailangan n'yo?." Tanong ko. Kalmado lang 'yung boses ko. Hindi ako pwedeng sumigaw. Lalong-lalo na ngayon kaharap ko s'ya.

"Wow! Lumalaban ka na nga." Sabi ni Princess. Alam mo. Sayang 'tong si Princess. Princess nga ang pangalan n'ya. Princess din ang mukha n'ya. Pero ang ugali n'ya? Tch!

"Oo nga." Chorus nung FISH GIRLS. Tsss. Nakisabat pa. Usapang tao ito. At hindi usapang taga-dagat. Tapos papalapit na sa'kin 'yung FISH GIRLS nang pigilan ito ni Princess.

"Stop! Not here and not now." Sabi ni Princess. Tumalikod na s'ya. Sumunod naman 'yung FISH GIRLS. Tsss. Akala nila gaganda sila 'pag sumama sila kay Princess. ASA!

"Hayaan mo na sila. Punta nalang ulit tayo ng Library." Sabi ni Bobby. Tsaka ako hinawakan sa balikat. =_=. Na-ground na naman ako.

---

[LIBRARY]

"QUIET!." Sigaw ni Ms. Librarian. Paano ba naman kasi. Nandito na naman 'yung dalawang babae kanina. Dito pa talaga nag-kwentuhan sa Library. E alam naman nila na bawal ang maingay dito. Tsss.

Mag-isa lang ako ngayon sa Library. Si Bobby kasi namili pa ng Ice Cream sa Canteen. 'Di na 'yata s'ya nag-sawa sa Ice Cream. Hindi naman kinakain 'yung mani.

"Sassy!."

Dug... Dug...

Hala! Nag-iingay na naman 'yung puso ko.

Dug... Dug...

Ano ba? Ang ingay-ingay mo. Tatanggalin kita d'yan.

"Sassy!." Ayyy. Ang lalim pala ng iniisip ko. Hindi ko man pala napansin na nand'yan na s'ya sa harap ko. Wait. Nasa harap ko? Hala! Konti nalang. Malapit na. Malapit naaaaaaaaa.

"Hoy! Sassy!." Ayyy. Hallucination ko lang ba 'yon? Aaayyy. Sayang naman.

O_O What?! What did I say?! Eraseeee.

Tahimik lang kaming dalawa. Halos walang balak magsalita. Busy s'ya sa pagkain. Ako naman. Busy sa pagbabasa. Bakit ba kasi ako umaasa na kausapin n'ya ako.

"Ammm... Ummmm..." Arrrrgh! Sassy!. Umayos ka nga.

"Yes?." O! Puso! 'Wag ka na ulit mag-iingay. Tatanggalin talaga kita d'yan sa lungga mo.

"Pwede magtanong?." Haaayss. Nasabi ko din. Ikaw lang naman kasi ang tatanga-tanga Sassy. Ang dali-dali lang naman sabihin noon. Hayyy, nababaliw na 'yata ako.

"Sure." O! Puso! 'Wag kang makulit. 'Wag kang mag-iingay.

"Friends?." Nag-aalangan pa ako. Kasi naman. Kung makatingin si Bobby. Wagas! Buti nalang at hindi ako nalusaw.

"Bakit? Hindi pa ba tayo mag-kaibigan?." Pusoooo! Bakit ba ang kulit mo? 'Diba ang sabi ko. 'Wag kang maingay.

"I just want to clarify." Yaaaaa! Bakit ang init ng pisngi ko?

"Friends." Sabi n'ya. Woooo! Yehey! Hindi na'ko Loner.

~♥~

VoMments. Kamsa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PERFECT TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon