Kelvin Clyde Point Of View
Nandito ako sa position na sa lahat ng mahirap na decision ko sa buhay ito na ang pinaka-mahirap na pagpasyahan. Bata pa lang gumagawa na ako ng decision sa buhay at na lampasan ko ang lahat ng pagsubok sa mga decision na ginawa ko.
Naglayas ako sa Bahay ng bata pa lang ako para makatakas sa sakit ng katawan pero mas mahirap pa ang naging buhay ko dahil na gawa kung kumain ng basura! Mas pinili ko si Grandpa na siyang Ama ko sa papel kaysa sa makasama ng buo ang pamilya ko. Nagpapahirap at pumapatay ng tao na humahadlang sa lahat ng pagkamit ko sa mga gusto ko. Mas pinili kung pabagsakin ang company ng tunay kung Ama kaysa tulungan itong makabangon.
Lahat ng naging decision ko ay hindi ko pinagsisihan. Lahat ng naging resulta, mabuti man o nakakasama sa akin ay wala akong pakialam dahil mayroon ako siya... Meron akong Claire.
Naka-upo ako sa upuan sa gilid ng hospital bed ng asawa ko. Hawak ko ang kamay niya na may suwero. Nakatingin ako sa maganda niyang mukha. May benda sa itaas ng kanang kilay niya. Pinipiga ang puso ko sa sakit ng makita ang pisngi niya sa kakaiyak, para akong paulit-ulit na binabaril when I heard the sound of her tears. Alam niya ang sinabi sa akin ng doctor dahil narinig niya ito at sa akin nakasalalay ang buhay nilang mag-ina ko.
Na mamaga na ang kaniyang mga mata dahil kanina pa siya umiiyak mula ng magising siya. Nandito ako sa tabi niya wala akong magawa kundi ang makinig sa pag-iyak niya. Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi sa akin ng doctor at kailangan ko'ng makapag-decision bago matapos ang araw na ito, bago pa pareho sila'ng mawala sa akin.
Ayaw ko'ng mawala ang anak namin, ayaw ko rin siyang mawala sa akin. Gusto ko sila parehong mailigtas pero hindi pwede... Isa lang ang dapat na mabuhay sa kanilang dalawa.
"K-kelvin." Mahinang tawag niya sa akin sa gitna ng paghikbi niya. "A-anuman ang mangyari, wag mong pagbabayaan si baby..."
Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at napahawak ako sa baba ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Alam ko ang ibig niyang iparating sa akin. Mas gusto niyang mabuhay ang anak namin, gusto ko rin naman na mabuhay si baby dahil anak ko iyon! Dugo at laman ko, ang kokompleto sa pagkatao ko pero...
Hindi ko kaya'ng mawala siya sa akin. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin kung wala siya sa akin. Kung mawawala siya sa akin patay na rin ang kalahati ng pagkatao ko!
Tumingin ako sa kaniya. Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko pero kailangan kung maging malakas sa harapan niya kailangan kong magpaka-tatag para magkaroon siya ng tapang na lumaban.
"Clai..." I look at her eyes. "I l-love our baby... but I love you more than everything." Malakas siyang humagulhol at sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya. Kahit hinang-hina siya ginawa niyang magprotesta sa sinabi ko kaya wala akong magawa kundi ang yakapin siya sa pagyakap ko sa kaniya ka sabay ang pagpatak ng luha ko mula sa kaliwang mata ko.
Masakit. Mahirap para sa akin ang gawin ito pero...
Mas pipiliin ko siya dahil mas mahalaga siya sa akin dahil mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawalay sa kaniya. Yes! Sounds so selfish but I don't want to lost her. Yes, I'm going to choose to save her over my son. Paulit-ulit ko siyang pipiliin sa magkaibang sitwasyon at sa iba't-ibang panahon..."P-please... Kelvin, I'm begging you... N-no! No... W-wag ako ang piliin mo nakiki-usap ako sayo, si b-baby... Kelvin si b-baby." Madiing paki-usap niya habang mahigpit na nakayap sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Mafia King Husband [COMPLETED]
RomanceKelvin Clyde Miranda is bachelor multi-billionaire. The CEO of the biggest KCM company. He's workaholic and strict when it's comes to business. He is an impatient person when it's comes to childish people. He's a player when it's comes to gorgeous l...