CLAIRE JOYCE
PAGKATAPOS kung mag-ayos mabilis akong bumaba sa hagdan at tinungo ang likod nang mansion. Habang naglalakad ako tinutupi ko ang mangas ng suot kung sweatshirt.
Nakaponytail ang mahaba kung buhok at may ilang hibla ng buhok na naiwan sa aking mukha. Nakasuot ako nang isang itim na sweatshirt at itim na leggings na pinarisan ko nang isang puting sapatos.
“Hi, Raul! Anong ginagawa mo dito?”
Huminto ako sa paglalakad ng bumungad sa akin si Raul na nakatayo na para bang inaabangan talaga ako. Napakamot siya sa ulo at tumingin sa ibang direction na agad ko namang sinundan.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na walang pagod na pinagsusuntok ang punching bag na nakabitay sa sanga ng malaking puno.
“Anong ginagawa niya?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ang akala ko kasi ako ang tuturuan niya pero sa ginagawa niya daig niya pa ang sumabak sa giyera. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis. Basang-basa na ang damit na suot niya maging iyong buhok niya may ilang butil pa nga ng tubig na tumutulo dito.
“Mahigit dalawang oras na sa iyong naghihintay si Boss. Sa punching bag inilabas ang frustration hindi na ako magtataka kung bukas magpapalit ako nang punch—
Napatakip ako sa bibig ko nang isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Kelvin at lumusot doon ang kamao niya. Hindi makapaniwalang lumingon ako kay Raul. Nagkatinginan kami at nagkibit-balikat siya.
“Sabi ko nga magpapalit nang punching bag pero hindi bukas.” Binigyan niya ako ng pilit na ngiti. Sumenyas siya na tumuloy na ako.
Naglakad ako papalapit kay Kelvin at tumayo ako nang tuwid nang ilang hakbang na lang ang pagitan namin. Abala ito sa pagtatangal nang suot niyang boxing gloves na agad namang tinulungan ni Raul na matangal.
Nakangiting tumingin ako sa kaniya. “Pwede na ba tayong magsimula?”
Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko nang masamang tingin ang itinapon niya sa akin. Napalunok ako dahil sa pamamaraan nang pagtitig niya para akong lulunokin nang buhay.
“What time did I told you to wake up?” He coldly asked.
“T-Two?”
Hindi pa ako niya sigurado pero alas singko na. Kung dalawang oras na siya dito malamang gumising siya ng two.
“Wag mong sabihing—
“Just a simple instructions you can't follow.”
Napayuko ko at nilaro-laro ko ang sapatos ko. Sino ba naman kasing may ganang gumising nang alas 2 ng madaling araw para magtraining? Sinubukan ko naman pero napahaba ang tulog ko eh!
“Sorry na, hind—
“Can you see that flag.”
Nilingon ko ang direction na tinuturo niya. Hindi pa masyadong malinaw dahil madilim pa pero na aaninag ko ang pulang bandila sa gitna.
Tumango ako.
“From here...” Itinuro niya ang malaking puno. “Until there.” He pointed the red flag.
BINABASA MO ANG
Her Mafia King Husband [COMPLETED]
RomanceKelvin Clyde Miranda is bachelor multi-billionaire. The CEO of the biggest KCM company. He's workaholic and strict when it's comes to business. He is an impatient person when it's comes to childish people. He's a player when it's comes to gorgeous l...