𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 52

460 9 0
                                    

CLAIRE JOYCE

“HINDI ako papayag sa gusto mo Kelvin! Ayaw ko!”

Pagmamatigas ko kay Kelvin ng pinipilit niya akong kunin na namin ang kambal para sa iisang bahay na kami tumira.

“Mga anak ko sila at walang masama kung gusto ko silang makasama sa iisang bubong! Bakit ba nagmamatigas ka pa?”

Yumuko ako. “Hindi ko kayang maiwang mag-isa...”

Hindi ko kaya kung pati ang kambal ko malalayo sa akin. Madaming taon na ang na sayang na hindi ko nakasama ang dalawa kung anak ayaw kong pati sa kambal ko malayo ako.

“Sa ayaw at sa gusto—

Tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Tiningnan ko ang cellphone ko at pangalan ni Aira ang nasa screen kaya bigla naman akong naramdaman ng kaba.

“Who’s that?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Titig na titig siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

“S-Si Aira.” Tugon ko at agad kong sinagot ang tawag nito. Kinabahan ako ng bumungad sa akin ang mga hikbi ni Aira na halatang kinakabahan.

“Aira, bakit?”

[“A-Ate! Ate, p-patawarin n-niyo ako... N-na wawala po ang k-kambal!”]

“A-Ano?!”

Natigilan ako ng marinig ko boses ni Aira mula sa kabilang linya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahilan para hindi ako makagalaw.

My hands is shaking, my heart is racing.

Nawalan ako ng lakas dahilan para mahulog mula sa kamay ko ng cellphone kasabay ng pagpatak ng mga luha ko at nanghihinang umupo ako sa paanan ng kama.

“What happened?”

Nag-angat ako ng tingin kay Kelvin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

“N-Nawawala si Sea at Tent.”

Hindi ko maiwasang matakot at mag-isip na may mangyaring masama sa kanila. Hindi kaya alam na ni Samantha ang tungkol sa mga anak ko?

“Fuck.”

Malutong na mura ni Kelvin. Nagmamadali itong lumabas ng silid kaya mabilis ko siyang sinundan.

“Kelvin!”

Hindi ako pwedeng umiyak na lang dito habang nawawala sila. Kailangan ko silang mahanap bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko kakayanin kung pati sila ay malayo sa akin. I can't.

Naabutan ko siya na ka usap si Raul at nang makita ako mabilis namang tumalima si Raul pa alis at isinama pa nito ang ilang lalaki na nakabantay sa paligid ng mansion.

“Kailangan kung umalis, hindi ko pwedeng pabayaan ang mga anak ko.”

Mabilis akong naglakad papunta sa malapad na pinto pero agad rin may pumigil sa kamay ko at hinila ako papunta sa sala. Iginaya niya ako pa upo sa pang isahang sofa pero hindi ito ang gusto ko kaya mabilis rin akong tumayo pero natigilan ako ng marinig ko ang sinabi niya.

Her Mafia King Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon