Eternity : Chapter 10

64 3 0
                                    

"Eternity"
C H A P T E R T E N
Por's POV

Tahimik kaming bumalik ni Ezekiel sa venue. Bumalik kami sa aming kanya kanyang mga mesa. Ngayon ay abala siya sa pag aasikaso ng kanyang mga kasosyo sa negosyo, at hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa kanya. Sa tuwing mag tatama ang aming mga mata, napapaiwas ako ng tingin sakanya at para pakalmahin ang sarili ko, iniinom ko ang aking cocktail.

Kapag naalala ko yung kanina hindi ko maiwasan kiligin at muli napalingon ako sa direksyon niya sabay pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti.

Bigla siyang umupo sa harap ko, at hinaharangan ang view ni Ezekiel at sinabing: "Stop staring" mapang assar niyang sabi.

"Huh?" sabi ko sakanya.

Nilapit niya ang mukha niya saakin ng sobrang lapit kulang na lang mahalikan niya ako at dahil doon na amoy ko din siyang amoy alak.

"Ahem!" Dahil sa isang salita na yun nakaligtas ako dahil lumayo saakin si Xander at pag lingon ko si Blake.

"Por, I want you to meet my cousin Zac" kaya napatayo ako at nag bigay ng greetings sa pinsan niya.

Siya ang gumawa ng toss para kina Ezekiel at Xander kanina, at ang nag organize nitong  event.

"Ah you're Por, Blake's telling me good stories about the two of you" sa sinabi niya na pangiti ako at na paisip ako kung anong klaseng kwento kaya yun?

"Kasi Por~ malay mo kapag nag sawa ka na sa Z Empire bilang secretary. Try mo naman sa company namin diba?" at ngiti ng malapad ni Blake.

"Blake! Andyan boss ko" bulong ko.

Natawa naman ng bahagya si Zac "Well, Blake is just joking, Por. Pero kung mag bago isip mo, I'll be giving to you my calling card." at abot niya saakin nito at tinanggap ko naman bilang respeto na din.

"Zac, Por is mine so back off" sabi ni Xander at hawak sa bewang ko halatang lasing na siya dahil iba na ang tono ng pananalita niya.

Taas ni Zac ng kanyang dalawang kamay na kasing taas ng kanyang tenga "Oww~ my hands are off, Xander. Por is all yours. See you around~ Nice to meet you Por" kindat ni Zac saakin sabay nag lakad na papalayo saamin at sumunod naman si Blake sakanya.

Inalis ko naman yung kamay ni Xander sa bewang ko at hinarap ko siya. "Ano bang pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.

"Akin ka naman talaga" pag didiin niya saakin

"Ano?!" hindi ko na mapigilan galit ko at napapisil ako ng sobra sa kamay ko.

Bigla niya kinuha ang wine glass at tinidor para makatawag ng buong atensyon ng mga tao dito. Sa puntong to nakakaramdam ako ng hindi maganda.

"I just want to let you know everybody. This girl is mine." sigaw niya at hinila niya ako papunta sakanya sabay hinalikan.

Narinig ko naman ang hiyawan ng mga tao sa loob at nag sasabi ng congratulations nila. Pinipilit ko siyang ihiwalay saakin pero hindi ko magawa sobrang lakas niya.

Nung natapos niya na akong halikan nginitian niya ako at sumalubong kilay ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko at sabing "Don't be mad" sa pag kasabi niyang yun nawala yung nararamdaman kong galit sakanya. 

~~

Sa pag uwi walang nag salita saamin si Xander na nag hatid saakin hindi na ako na ihatid ni Blake kasi masyado siyang busy.

Nung nasa tapat na kami ng apartment mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at handa na ako bumaba nung nag salita siya.

"Please, Por ako nalang~" hindi ko siya nilingon at patuloy na akong bumaba ng kotse niya.

Pag pasok ko ng apartment na paupo ako sa sahig at nirecall ko mga nangyare.

Text message received...

From Ezekiel
Can you be with me tomorrow? At 3pm susunduin kita.

Dahil sa nabasa kong message niya napangiti ako at excited na nag reply sakanya ng sure.

~~

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya casual lang sinuot ko. Jeans , Flowerret blouse , sling bag , sandals tapos nilugay ko lang buhok ko. Wala din naman siyang sinabi na susuotin ko.

Pagbaba ko ng apartment agad ko naman siyang nakitang nag aantay para saakin nung nakita na niya ako sinalubong niya ako ng ngiti at ganon din naman ako.

Habang nasa biyahe walang nag sasalita saamin hindi ko alam sasabihin ko alam ko naman na nakita niya yung ginawa ni Xander kagabi. Hinalikan niya ako kasabay nun na halikan din ako ng iba.

Maya maya nag salita na siya "By the way we're here"

"Art Museum?" at tumungo siya.

~~

Iba't ibang klaseng paintings at artifacts ang bumungad saamin hindi ko naman alam na mahilig pala siya sa arts.

Paikot ikot ako para mag tiningin tingin at kapag nakita kong maganda o kaya interesting na art kinukuhaan ko to ng litrato.

Napansin ko siyang nakatitig sa isang painting dahil sa kuryusidad tiningnan ko din ito. Ito ay isang old painting ng isang babae na may hawak na puting rosas at may mga petals na nabahiran ng dugo pagkatapos ay tinitignan ko siya, Ito ay medyo kakaiba, pero ang mga tao ay may iba't ibang mga kagustuhan pagdating sa sining. Pero sa pag kakataong ito na napakalapit ko sa tabi niya, parang sa akin na naginip pa rin ako, bigla siyang lumingon sa akin.

"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" tanong niya saakin

"Wa-wala" at talikod ko sakanya.

Naramdaman ko yung init ng katawan niya galing sa likod ko sabay pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Don't worry, hindi big deal saakin yung nangyare sa inyo ni Xander kagabi. We all know that he's an attention seeker at possesive sayo pero hindi ko pa din maiwasan na hindi mag selos." sabi niya saakin na may lambing.

"Huh?!" at inalis ko yakap niya. "Ano bang pinagsasabi mo?" dagdag ko.

Nakangiti siya ng nakakaloko at unti unti niyang nilalapit saakin ang mukha niya at ako naman napaatras "We're lovers remember?" at mabilis niyang halik saakin.

"Magnanakaw ka ng halik!" sabi ko nginitian niya lang ako ng nakakaloko at tinalikuran ako sabay nag lakad na. "Hoy!" tawag ko sakanya.

"Kung gusto mo kuhain mo ninakaw ko" dahil sa sinabi niya napahinto ako at nag blush ang pisngi ko.

"No way!" humarap siya saakin.

"Kahit anong gawin mo hindi mo ko matatanggihan kasi nga we're lovers" at ngiti niya.

"Hindi ka naman nang liligaw! Hindi naman kita sinasagot. Paano yun?" pabalang kong sagot sakanya.

"Remember? Sabi ko kung ready ka na sabihan mo ko at ikukwento ko ang lahat paano nag simula, pero I think you're not ready" sabi niya

Xander is Calling...

"Excuse me, I need to answer this call" at sinagot ko na yung call.

"Hello? .... Huh?... Ngayon na?... Day off ko pa ah?... ANO!... Okay... Okay..." at binaba ko na yung call.

"I'm sorry, hindi na ako makakatagal, pinapatawag kasi ako ni Xander" nag mamadaling sabi ko

"Don't worry, there's always a next time. I'll give you a ride?" offer niya saakin.

"No thanks, alam mo naman yun" ngiti ko.

EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon