Epilogue

115 2 1
                                    

"Eternity"
E P I L O G U E
Third Person's POV

Nag palakas ng hukbo si Ezekiel kasama si Zac, mas pinabuti pa ni Ulysses ang pag gawa niya ng mga gamot sina Venom at Kenli nag hahanap ng solusyon para kay Por. At si Athena kalmado lang at ginagawa pa niyang pintahan ang kanyang kuko.

Mas lalong tumataas ang krimen sa bansa mas lalo na ang patayan. Habang binabawasan ni Ezekiel ang hukbo ni Xander napapalitan ito ng bago nagugulo ang buong mundo dahil kay Xander at ang tanging naiisip na lamang ni Ezekiel patayin si Xander. At nalalapit na muli ang kanilang pag haharap.

Samantala si Xander, masaya pa din sa mga nangyayare ngayon. Nakuha na niya ang mundo niya na siya ang hari at si Por ang Reyna. Pagpasok ni Xander sa kwarto, ganon pa din madilim at ang tanging liwanag lamang ang apoy sa kandila nakita niya si Por sa harap ng salamin at ito ay nakasuot ng pulang robe.

Unti unti siyang lumapit dito, at unti unting hinubad ni Por ang pulang robe na suot nito at pinakita nito ang kanyang katawan na walang saplot. Nilapit ni Xander ang kanyang ilong sa balikat nito at inamoy ang kanyang balat, at unti unti hinalikan ang balikat nito papuntang leeg sabay hinarap niya sakanya si Por at tuluyan na ni Xander hinubad ang pulang robe na suot ng dalaga atsaka hinalikan si Por ng mapupusok.

Hiniga niya si Por sa kama, pero umibabaw si Por at para bang nag lalaban sila sa kama dahil sa lakas at bilis ng pag bagsak at pangyayari. Napaupo sila na nag hahalikan at hinahalikan ni Xander si Por sa leeg, hanggang nararamdaman na ni Por ang init ng sensasyon na dumadaloy sa kanyang mga ugat, sabay lumabas ang kanyang pangil at kinagat si Xander sa leeg.

Biglang may narinig silang ingay sa baba kaya natigil ang pag inom ni Por ng dugo ni Xander.

"Sandali lang baba lamang ako mahal ko" at halik ulit ni Xander kay Por sabay kuha nung robe para isuot sakanya at unti unti ng bumaba.

Nung nakalabas na siya ng kwarto na bungad agad sakanya ang pag lalaban ng kanyang hukbo at ni Ezekiel.

"Xander!" Tawag ni Ezekiel sakanya na galit na galit.

"Ezekiel!" At labas ng kanilang mga pangil at kulay ng mga mata itim at lila.

Nag laban sila, na parang walang na pagsamahan. Sinayad ni Xander si Ezekiel sa sahig dahil pasunggab ito sumugod.

"Hindi mo ko kaya!" Sabi ni Xander habang ibinabaon sa sahig si Ezekiel.

"Kaya kita!" At agad na hinampas niya si Xander sa Pader. Sabay sinipa at nung muli silang mag tatama sa isat isa, tumilapon sila pareho sa magkaibang direksyon at nag karoon ng harang sa pagitan nila.

At ang mga kasamahan ni Ezekiel tumilapon kung na saan si Ezekiel napunta. Natigil ang laban at napatingin sila kung saan nag mumula ang yabag na kanilang naririnig sabay nakita nila si Por na pababa ng hagdan at suot ang pula na itim na long tailed dress.

Wala siyang ekspresyon habang pababa ng hagdan hanggang makapunta siya sa harap ni Xander tinginan niya lamang sila Ezekiel muli nawalang ekspresyon.

Tinaas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap hawak niya na si Ezekiel sa leeg na parang may magnet ang kanyang mga kamay susugod sana mga kasamahan ni Ezekiel ng ibalik ni Por ang kuryenteng harang.

"Sino ka para saktan ang mahal ko?" galit na tono ni Por.

Si Ezekiel, inaalaayan ang pag hawak sakanya ni Por at baka bigla nalang maputol ang kanyang leeg. Mas lalo pang tinaas ni Por ang pag kakahawak niya kay Ezekiel at unti unti pinipisil ito. Sa sobrang lakas niya lahat natatakot sakanya.

EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon