Eternity : Chapter 18

24 2 0
                                    

"Eternity"
C H A P T E R E I G T H T E E N
Ezekiel's POV

Everyday routine ko ng bantayan si Por, katulad ng pangako ko sakanya ibibigay ko yung proteksyon na hindi kaya ibigay sakanya ng kahit sino man. Bigla ako nakatanggap ng tawag galing sa kaibigan kong si Ulysses. Meron daw bagong nakitang pangitain ang kapatid kong si Emerald at kailangan ko daw ito malaman ng personal.

Kaya agad ako nag paalam kay Por na busy makipagkwentuhan sa pinsan ni Blake na si Zac nung na tapos na ako mag paalam sakanya agad din naman akong umalis ng shop nila.

Agad naman ako sumakay sa otto ko at full speed na nag maneho papuntang bahay ni Ulysses para pag tapos ng urgent call na to makabalik din ako sa shop nila Por.

Pag kadating ko sa bahay niya, automatic din naman nag bukas ng gate niya para saakin. Pinarada ko lang sa tapat ng bahay niya yung otto ko pero hindi ko pa na tatapak mga paa ko nakaramdaman na ako ng panganib.

Pero binalewala ko nalang to at nag umpisa ng mag lakad papuntang pintuan nila ng biglang may humila saakin pabalik at tumilapon ako sa ere.

Mabilis naman akong bumangon at nakita ko silang nakapalibot saakin. Bakit kaya hindi ako tigilan ng nga bampirang to at sinugod nila, napa-upo ako para mag ipon ng lakas dahil kinukuyog na nila ako. At tumayo ako ng buong lakas ko na may kasamang sigaw dahil doon tumilapon sila.

At sa lakas ko na yun naramdaman ko ang pag labas ng kulay lila kong mga mata at ng matatalas kong pangil. Agad naman silang nakatayo sabay nilabas nila ang kanilang mapupulang mata at matutulis na pangil.

Narinig ko ang isang pito at luminya sila ng diretso sabay na patingin ako kung saan nag mumula to.

"Hanggang ngayon lila pa din ang mga mata mo kaibigan at napakalakas mo pa din" sabi niya at niyakap ko siya.

"Hector! kamusta" masaya kong bati sakanya.

"Mamaya na kayo mag kamustahan pumasok na tayo sa loob" sabi ni Ulysses mula sa pintuan.

~~~

Nag tipon tipon kami sa sala, at may tag iisang inumin. Bigla namang nagising si Emerald at nag berde ang ganyang mga mata.

"Nakita ko na may isang bampirang sa sakupin ang buong mundo. Gagamitin niyang instrumento ang isang tao na may kawangis na may malaking bahagi sa buhay mo mahal kong kapatid para patakbuhin ang mundo kasama ito at mag dudulot ng pag kaubos ng lahi ng mga tao sabay uusbong ang malaking digmaan sa panig ng kabutihan at kasamaan"  sabi ni Emerald at bumalik na ang kanyang mata sa normal na kulay.

"Pero matagal ng wala ang mga masasamang bampira, dahil pinuksa na namin sila 100 taon na ang nakakalipas" at tumungo ako bilang pang sang-ayon ko sa sinabi ni Hector.

Napahawak ako sa baba ko at nag iisip mabuti "Taong may kawangis na malapit saakin. Ibig sabihin si Por yun dahil reincarnation siya ni Amethyst? Nasa panganib siya mas kailangan kong idoble ang pag babantay ko sakanya ang hindi ko maintindihan sino ang bampirang to?" sabi ko na may halong pag aalala.

"Matagal na tayong nakikipag salamuha sa mga tao ng mapayapa. Sana hindi matuloy ang nakikita ko sa hinaharap" sabi ulit ni Emerald na may pangamba.

"Kaya gagawin ko ang makakaya ko na hindi niya makuha si Por, dahil siya lang naman ang susi sa lahat ng to" sabi ko sakanila at maitigil din ang kanilang mga pangamba.

"Mukhang nag uumpisa na sila mag hasik ng lagim dahil na pansin ko sa mga previous duty ko sa ospital nakikita kong may mga kagat sila sa leeg at sanhi ng pagkamatay nila ay pag kaubos ng dugo" sabi ni Ulysses.

"Kung nag uumpisa na sila kailangan na din natin mag handa, Hector ipagkakatiwala ko sa mga sundalo mo ang pag hahanap sa mga mababait na bampira at lobo yung mga nakasama natin noon sa pakikipag digmaan. At gusto ko ikaw ang mag babantay kay Por habang wala ako sa tabi niya. Ulysses, antabayanan mo ang pag daloy ng mga taong sugatan na dadalhin sa mga ospital." utos ko sakanila.

"Oo masusunod, Ezekiel" sabay na sabi nila Hector at Ulysses.

"Pwede ba na iwan niyo muna kami ng kapatid ko?" sabi ko sakanila at agad naman nila ito sinunod.

Umupo ako sa gilid niya, "Bakit, ano ang sadya mo?" tanong niya saakin.

"Gusto ko malaman ang mangyayare pa kay Por alam kong alam mo dahil nakita mo na siya ng personal" sabi ko sakanya na may tono ng pagmamakaawa.

"Nung nag katagpo ang aming mga mata lagi siya mapapahamak. At sa lahat ng laban mo andyan lagi siya, mag sisilbing ilaw sayo at sa digmaan na to hangga't nasa tamang kamay siya walang magiging problema" sabi niya.

"Maraming salamat kapatid ko" sabi ko sakanya.

At tumayo na ako, sapat na saakin ang nalalaman ko. "Lagi ka mag iingat" sabi niya saakin.

Lumingon ako sakanya at tumungo bilang sagot ko. Kailangan tama ang mga desisyon na bibitawan ko isang pag kakamali ko lang mawawala si Por. Hindi maari na hindi kita mailigtas ulit ayoko mangyare ang tulad noon. Hindi ko na kaya kapag nag kataon.

End of Ezekiel's POV

Por's POV

Nagising nalang ako na nasa ospital na ako nasa tabi ko si Blake kaya hinawakan ko kamay niya mabilis naman din siyang nagising dahil sa haplos ko.

"Kamusta pakiramdaman mo?" tanong niya saakin

"Okay naman ako balik na tayo sa work ayoko dito alam mo naman may phobia ako sa ospital" sabi ko sakanya.

"Kakausapin ko sila na ilalabas na kita teka lang ah" sabi saakin ni Blake.

Hindi din naman nag tagal nakalabas na din ako at bumalik na din kami sa shop nasabi saakin ni Blake na mag pahinga daw ako kasi nawalan ako ng malay dahil over fatigue daw ako nag biro naman ako sakanya na mas malakas pa ako sa kalabaw.

~~

Out na namin sa work, ako na ang nag close ng shop dahil may tinapos pa akong transaction inabot na pala ako ng 9pm, at pinatay ko na lahat ng switch at nasa labas na ako para ilock yung pinto ng shop.

Nag lalakad na ako sa may kanto para sumakay ng taxi. Madalang ang taxi sa lugar na to kapag gantong oras, nakaheels pa naman ako at masakit na sa paa kapag nag antay pa ako ng matagal.

Nang may nakita akong isa mabilis ko tong pinara at sumakay na ako sabay nag bigay na ako ng instructions kung saan ako banda ibaba.

Habang andito ako sa passenger seat, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Napatingin ako sa relo ko dahil na pakatagal ko na pala dito sa loob sabay na patingin ako sa may rear view mirror niya na pansin ko na kulay pula ang mata niya na kinagulat ko.

At ibang ruta na ang dinadaanan niya. Pumara na ako at hininto niya naman yung taxi sabay inabot ko sakanya ang bayad nung pababa na ako may bilang pumasok sa magkabila kong pinto na dalawang lalaking naka itim na hood.

Nag pumiglas ako dahil hinawakan nila ako, at yung body temperature nila sobrang lamig na parang yelo.

"SINO BA KAYO! PAKAWALAN NIYO KO!" At nag dadrive na ulit yung taxi driver.

Pag lingon ko sa isa na humawak saakin meron siyang mahahabang pangil at pulang mata.

Sumigaw ako ng "TULONG!!!"

At bigla nilang tinakpan ang bibig ko ng panyo sabay unti unti akong nahilo at nag dilim ang aking paningin.

EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon