Eternity : Chapter 33

33 2 0
                                    

"Eternity"
C H A P T E R T H I R T Y T H R E E
Por's POV

"Hindi ko akalain na si Prinsesa Satina at Prinsepe Sandero ay mag kapatid" aking kwento sa aking taga pag silbi na inaayusan lamang ang aking buhok.

"Maliit lamang ang mundo, Prinsesa, ngunit kung ang Prinsepe ang iyong mapapangasawa? Paano na ang iyong nararamdaman para kay Prinsepe Esekel?" kanyang tinuran.

"Wari ko'y hindi mahirap mahalin si Prinsepe Sandro. Sana'y aking makayanan" aking tinuran.

~~

Amin ngayon binabaybay ang mga pag mamayari nina Prinsepe Sandro. Pinapakita niya lamang saaking lahat ng pag mamay ari ng kanyang pamilya.

Matagal pa ang aming pakikipag isang dibdib nais ko lamang makilala ang Prinsepe ng lubusan.

Nung matapos na kaming mag lakad, naupo kami upang magpahinga. Napatingin lamang ako  at hinahangaan ang maaliwalas na kulay asul na kalagitnan na mayroong puting mga ulap na parang isang bulak napakaganda nito.

Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking kamay na aking kinagulat, kasabay noon'y na patingin lamang ako sakanya. At napapansin ko na unti untingniyang nilalapit papunta saakin ang kanyang mukha kaya'y ako ay napatayo saaking komportableng pagkakaupo.

"Pri--prinsepe mukhang masyadong maaga pa para dyan at hindi naman tayo nag mamadali. Masyadong konserbatibo at may tradisyon tayong sinusunod" sabay naramdaman ko ang kayang mainit na yakap mula saaking likod.

"Pasensya na, aking Prinsesa. Hindi ko lamang mapigilan ang aking sarili. Mahal na mahal kita aking Prinsesa patawad saaking kapusukan" na pabuntong hininga lamang ako.

~~

Limang buwan ng nakakasama ko ang Prinsepe. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko parin magawang mahalin siya. Napabuntong hininga na lamang ako dahil malaking balakid ito kapag nag kataon.

Napaupo lamang ako sa batuhan at saaking harap ay isang ilog. Kumukuha lamang ako ng mga maliliit na bato at nag umpisa ibato ito sa katubigan.

"Mukhang nag iisa ka lamang." dahil sa tinig na yun napalingon ako sa saking likod.

"Prinsepe Ezekiel" at nagbigay lamang ako ng aking pag galang sakanya at agad niya kinuha ang aking kamay sabay hinalikan ito. Naramdaman ko ng bahagyang pag init ng aking pisngi.

"Kamusta kayo ng Prinsepe?"  kanyang tinuran at tabi nito saakin sa pagkakaupo.

Napabuntong hinga lamang ako. "Mabuti"

"Sa tingin ko ay hindi? May problema ba?"

"Sa tingin ko saakin ang mayroong problema Prinsepe. Hindi ko kayang higitan ang pag mamamahal ng Prinsepe para saakin" tugon ko sakanyang tanong.

"Mahirap nga iyang problema mo Prinsesa. Marahil may humahadlang sa pag-ibig mo sakanya? o may iniibig ka ng iba?"  tinuran niya muli.

"Oo" at hawak ko saaking dibdib.

"Kung gayon mapalad ang binatang iyon" at bahagya niyang pag halakhak.

"Ngunit malabo ako mahalin ng taong mahal ko"

"Bakit sinubukan mo na bang sabihin ang nararamdaman mo sakanya?"

"Hindi, dahil alam ko na hindi maari tong nararamdaman ko para sakanya dahil sa nalalapit kong pakikipag isang dibdib"

EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon