October 13

231 27 2
                                    

Isang buwan, isang buwan na simula nung sinagot ko si Kean. Wala naman gaano nag bago kaso nga lang naging clingy itong si Kean.

Naging sobrang selos niya rin, oo alam kong mahilig ako sa mga sadista at mga seloso na lalake pero dati yun kasi alam ko naman walang papatol sakin na katulad nun.

Pero ngayon ay nako parang na nonose bleed na ako sa kasira ulohan ng lalakeng may panglan na Kean.

Tuesday ngayon at hindi kami mag cecelebrate ng monthsary dahil wala talagang word na monthsary na imbento lang 'to sa mga relasyon na hindi umaabot ng taon.

Kaya pag hindi kami nag tagal eh wow, pero subukan lang niya ilalambitin ko siya patawarik.

 "Yeina."

Nagulat ako ng na sa tabi ko na pala siya, hindi na kami mag katabi dahil iniba na ang seating arrangement si Floyd na ang katabi ko.

Hiananap naman agad ng mata ko si Floyd at nakita kong kausap niya sila Charles at kilala ko si Floyd may pag kaiyakin siya at halata na iiyak na siya.

Pinalo ko naman agad sa braso si Kean at napaaray naman siya agad.

"Ano ginawa mo kay Floyd at parang iiyak na siya ha?" 

Inis na tanong ko sakanya, lintek talaga ang isang 'to eh..

"Sabi ko lang naman umalis siya sa tabi mo kundi sasapakin ko siya eh."

Pinalo ko naman siya agad dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo." 

Inis na sabi ko at tinalikuran siya, kainis itong lalake na ito. Kainis na lalakeng 'to.

"Yeina naman sorry na, gusto lang kita makasama kasi naman sabi mo mamaya may lakad kayo ni Eshina mamaya at panigurado gabi ka nanaman uuwi at wala ka ng paniguradong oras para sakin mamaya pag uwi mo. Kaya gusto ngayon habang di pa kayo aalis gusto ko may oras tayo sa isa't isa."

Inirapan ko naman siya, kainis talaga. 

"Bakit may sinabi ba kong hindi ka kasama mamaya?" 

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Saka palusot ko lang kay mama na si Eshina ang kasama ko, ayoko kasi na asarin niya ako kaya sinabi ko na si Eshina at hindi ikaw." 

Sabi ko at nag iwas ng tingin, bad trip talaga ang isang 'to. Nag taka naman ako kung bakit ang tahimik niya pag tingin ko nakita kong namumula siya at nakangiti siya sakin.

"Para kang tanga, makinig ka na nga lang." 

0313Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon