March 13

360 41 16
                                    

Ito ako ngayon nag eemote pano ba naman kasi dapat wala na kaming pasok eh kaso may Seniors night seniors night pang nalalaman.

Hindi ko na nga sinabi kay mama para hindi niya na lang ako papuntahin eh pero itong walanghiya kong boyfriend. 

Sinabi kay Mama ayan tuloy nag handa kaya ito ako nag eemote at nakatingin sa bintana kakatapos ko lang maligo.

Inaayusan naman ako ni mama, si Kean naman nasa kwarto ni Mama nag aayos hay nako naiinis nga ako eh.

Tas ito namang si mama seryosong nag kukulot sa buhok ko inaalala ko ngayon ay sila Eshina na ngako kasi ako sakanila na hindi ako pupunta pag pumunta ako paparusahan nila ako.

"Anak mag bihis ka na para ma make up-an na kita."

Umiling iling na lang ako kay Mama.

"Pulbos at lip gloss na lang ako ma." 

Sabi ko at umalis na si mama ni-lock ko naman ang pinto saka nag bihis na ako pagkatapos ay pag tingin ko ay suot ko na ang isang simpleng blue dress.

Ayoko kasi ng masyadong boga naiinis ako baka makapatay lang ako ng tao pag nag bonga akong dress sobrang simple lang 'to ang sabi ni mama cocktail dress daw ang tawag dito.

Oh di sige ako na ang ignorante, kainis diba. Pagkatapos kong mag ayos sa sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko at tinawagan ko si Eshina.

"Oh bakit?"

"Nasan ka?" 

"Nasa venue na, bakit?"

"Pupunta ako." 

"Whut? Sabi na nga ba eh hindi mo papalampasin ang ganitong event eh." 

"Hindi sinabi kasi ni Kean na my seniors night tas nagising na lang ako na may dress na saka sapatos ayoko naman masayang effort ni mama." 

"Ay ganun ba? So sad naman, lintek ka kung di lang kay tita may parusa ka na talaga ge sabihin ko na lang sa mga teamlibre."

"Ge see yah." 

"See yah."

Binaba ko na ang tawag at tumingin ng isang huling tingin sa salamin saka lumabasa ng pinto pero pag bukas ko ng pinto ay ang pag bukas rin ng pinto ng kwarto ni Kean.

Pagkakita ko sakanya ay halos malag lag ang mata ko dahil sobra siyang nag mukhang manly, si Kean kasi para siyang mahinhin na babae.

Ngayon naman ay para siyang supladong lalake, at talagang may hikaw pa talaga siya sa left ear niya. Hinawakan ko naman ito agad at totoo nga na nakasabit 'to sa tenga niya.

"Lintek ka bat nag hikaw ka?" 

Nagkibit balikat lang siya.

"Matagal ng may butas ang tenga ko simula nung bata pa lang ako akala kasi nung lola ko babae ako kay binutasan buti na pigilan agad ni mama at isa lang ang nabutasan."

Grabe kawawa naman itong boyfriend ko, hindi naman siya mukhang babae o kilos babae sadyang sinasabi lang nila na bagay siya maging babae.

"Hay nako kawawa ka naman." 

Sabi ko at pinisil ang kanyang pisngi, cute na cute talaga ako kay Kean.

"Ay teka picture muna kayo."

Ngumiti naman kami sa isa't isa tas humarap kay mama kinuhanan naman kami agad ni mama.

"Isa pa."

0313Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon