February 13

210 26 1
                                    

Sabado ngayon at foundation week rin namin ngayon sa school, at dahil sabado may stage play mamayang gabi sa school.

Pero habang wala pang 5:00 pm nasa Sm marilao muna kami ngayon ang sabi kasi nitong si Kean gusto raw niyang mag bonding kami.

Hindi ko nga alam kung bakit biglang nagyaya itong lalakeng 'to ng date eh, samantalang katulad ko ring itong tamad.

"Kean." 

Humarap ako sakanya, nag lalakad kasi kami ngayon.

"Oh bakit?"

Nag tatakang tanong niya sakin.

"May cancer ka? Mamatay ka na ba?" 

Bigla naman nanlaki ang mga mata niya as in kasing laki ng mata ni Kyungsoo ng Exo.

"Bwahahahah, oh cool ka lang." 

Bigla naman niya ako sinamaan naman ng tingin kaya napatigil ako.

"Bat mo naman natanong yun ha?" 

Ngumiti ako sakanya at nag lakad na lang ulit.

"Wala lang, nag tataka lang ako kasi inimbitahan mo akong mag date. Samantalang parang kambal kita sa katamaran." 

Bigla akong huminto.

"Natatakot tuloy ako." 

"Natatakot bakit naman?" 

Ngumiti ako kahit di niya ako nakikita tumingin naman ako agad sa langit.

"Bago kasi umalis si papa nilibre niya kami ni mama, at kilala ko si papa isang himala kung manlilibre siya. Kaya nung una nag tataka ako pero hindi ko na lang pinansin ang pagtataka ko, pero isang araw umalis na siya at hindi na bumalik pa." 

Habang inaalala ko ang mga sinasabi sakin ni papa nung bago siya umalis nakakaramdam ako ng kirot sa hindi ko alam na parte.

Tumayo rin ang mga balahibo ko at para bang nag tutubig ang mga mata ko, nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin.

"Kean?" 

Parang hindi ito si Kean, pag nasa public place kasi kami hindi niya pinapakita ang pagiging sweet niya sakin.

"Sorry."

Nag taka naman ako bigla, may ginawa ba siyang kasalanan sakin at nag sosorry siya ngayon sakin?

"Ha? Sorry? Para saan?" 

0313Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon