Okay. Kagaya ng iba't ibang mga sanaysay o kwento na naisulat ko, di ko na naman alam kung paano ito uumpisahan, aminin, nahihirapan din kayo gumawa ng intro at mas gusto nyo pang maging straight to the point.
Anyways, hindi to katulad nung mga pinapalabas sa TV 5 na puro kalandian, nandito ako para mang-realtalk at ipakita na marami sa atin ngayon ay nagmumukhang tanga. Malamang ay maraming matatamaan sa mga sasabihin ko. Pero easy lang kayo, easy lang din ako habang sinusulat to.
Ngayon, kung nandito ka para tumawa, sige tumawa ka lang hanggang maging kamukha mo si annoying orange. Kung nandito ka para ma-offend, pasensya na ate o kuya, just for fun lang ito, pero kung di ka talaga makapag-pigil, sige, pakuluin mo yang dugo mo hanggang mag-erupt ka na parang bulkan.
BINABASA MO ANG
Ang atake ni Manong sa "Obsession"
HumorSa panahon ngayon, di lang sa pesteng pag-ibig lango ang mga kabataan. Maraming klaseng obsession, at nandito si Manong Paul upang i-demonstrate ang mga obsession na ito isa-isa.