Obsession #1: All you need is Love?! Sure Ka?!

146 7 4
                                    

"There's nothing do that can't be done, nothing you can't say that can't be sung. Nothing you can say but you can learn how to play the game it's easy..... ALL YOU NEED IS LOVE"

-The Beatles "All you need is Love'

Sayang, paboritong banda ko pa man din ang The Beatles, nagawa pala ni Lennon na magsulat ng ganito. Malamang marami sa inyo ay naniniwala din na kayang lutasin ng Pag-Ibig ang lahat. Kung iniisip nyo na totoo ito, think again. Sige, sabhin nating may mga instances na napapabuti ng Love ang emosyon ng isang tao, madalas din itong nakakatanggal ng stress pero hindi lahat ng problema ay nalulutass ng Pag-ibig. Malamang may mga hindi pa naniniwala saken, eto ang example,May dalawang magka-live-in ang nag-uusap:

Babae: HOY GARDO!! GABE KA NA NAMAN UMUWE!! AMOY ALAK KA NA NAMAN!! ANAK KA NG PUTEK SA DAMIT NA NILABHAN SA ARIEL!! NANGBABAE KA NA NAMAN ANO?!!!

Lalake: Ano Hon? Oo galing akong beerhouse, nangbabae ako, pero ikaw parin naman ang mahal ko!! Love kita eh, love na love kita. Kung pwede nga lang McDo ka nalang para lagi kitang sasabihan ng LOVE KO 'TO.

Babae: PISTE!! MUKHA KANG PIPINO. MANLOLOKO!

Di natapos ang pag-aaway, minsan kailangan din ng Loyalty at Abstinence, di lang LOVE.

Anyways, pang-mag-asawa ang sitwasyon na yan, pagdating naman sa kabataan, nagiging common obsession ang Love. TANONG: SA CLASSROOM NYO BA AY MAY MAG-SYOTANG WAGAS MAKAPAG-PDA SA LOOB NG SILID-ARALAN? 

SAGOT: MALAMANG SA MALAMANG, KARAMIHAN SA INYO.

Okay, ako kase oo, may naging kaklase ako dati na wagas na wagas maglandian sa klase kahit nag-di-discuss ang teacher. Aanhin nyo ang Forever nyo kung ang grades nyo thinking out loud naman? " 'Till 70 lang, wala nang itataas". Masyado pa kayong bata para sa posibilidad na kayo'y makakagawa ng bata, aral muna Boy at Girl. 

Nakakatuwang isipin na ang hilig makipag relasyon ang ibang babaeng teenager kahit na pag-priprito ng itlog palang at pag luluto ng instant pancit canton palang ang kaya nilang lutuin, kaya puro tahong ang kinakain ng mga karelasyon nilang lalake. Eto namang mga lalake, ni hindi pa marunong magkumpuni ng mga sirang bagay at wala pang disenteng trabaho, ba't di kaya maging mandaragat nalang sila, maraming tahong sa dagat.

May iba namang ibang klase kung i-broadcast na single sila at ang tindi ng loob na isigaw na "FOREVER ALONE" o "FOREVER MALAYA" sila. Putek , kinse anyos palang kayo, posibleng may 85 years pang natitira sa buhay nyo. Gamitin nyo ito para maging ganap na produktibo at kapaki-pakinabang na mamamayan, pag kumikita at maayos na ang buhay nyo mag-isa, kusa ng dadating ang taong para sa'yo. Don't rush. Bengga.

Ngayon, para tapusin ito, nais ko lang iwan ang tunay na meaning ng relasyon at commitment gamit ang isang lumang english rhyme:

"Jack Sprat could eat no fat,
 his wife could eat no lean.
 So they ate together,
 and licked the platter clean."

Bengga.

Ang atake ni Manong sa "Obsession"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon