Obsession#2: Medyo SPG-ing usapan.

156 6 0
                                    

"All you need is Love,
 Sex is all you want,
 Porn is all you have"

(C) 9gag

Ang saklap ano? Pero aminin na natin, marami sa mga lalake ang nakaka-relate dyan.
Lalo na yung mga kasama sa mga klase ng taong nabanggit ko sa nakaraang chapter. Kung Lango ka sa "Pag-Ibig" kadalasan ay nagkakaroon ng misconception na tungkol lang sa "Romance" ang Love. Kaya naman sa "romance" lang din umiikot ang relasyon ng ibang tao. Yung ibang mga single pero lango sa romance, si Lefty o kaya si Righty ang karelasyon nila.

TALONG,PETSAY,MANI,TAHONG,MONAY,SAGING AT PIPINO.
Oh baket? Mga pagkain yan

HIWA,SINISID,TUROK,PINASOK,PUMUTOK,SUMABOG,TUMULO.
Ops, kung nag-aral ka ng Filipino, Pandiwa ang tawag dyan.

SUBMARINE. Sasakyan to dre.

Kung may iba kang naiisip sa mga salitang yan. Magbagong buhay ka na. Malapit na ang paghuhukom.

Ganito kase yan, magka-iba ang romance sa "kabilugan", ang romance ay ang intimacy ng magkarelasyon, maihahalintulad mo ito sa "kabilugan" pero kasama parin dito ang respeto.
Pero teka, may nakalimutan ako, KUNG 18 PABABA KAYO NA BUMABASA NITO, BATA PA KAYO UY!!

Ang payo ko lang ay eto. Sinasabing automatic na nag-cra-crave sa sex ang utak ng tao, pero utak natin ito, tayo ang nagpapatakbo ng sarili nating bangka, tayo ang mag-dedesisyon kung papalubugin ba natin ito, o patuloy na paglalayagin tungo sa isla ng kaganapan. Teka, parang ang baduy nun ah. Xet.

Ang atake ni Manong sa "Obsession"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon