We all have that one friend na kulang nalang ay isigaw nila ang mga katagang ito:
"Sana Hapon nalang ako"
"Sana Korean nalang ako"
"Sana Martian nalang ako"Like duh, parang kinahihiya mo ang lahi natin at mas gusto mo pang mag-iba ng nationality. THAT IS RACIST. Well, alam mo yun, yakap na yakap nila ang culture ng ibang bansa at para bang walang pake sa pagka-filipino nila. Sa palagay ko naman, kahit kailan ay di dapat natin isigaw na proud tayo sa lahi natin, kahit ano pa ang lahi ng isang tao. Halimbawa, pag sinigaw mo na "NAKATIRA AKO SA JUPITER AT PINAGMAMALAKI KO ITO!!" ay parang isinigaw mo na rin ang mga salitang "DI NYO AKO KATULAD, MAGKAIBA TAYO NG PINANGGALINGAN, IBA ANG LAHI KO SA INYO, HUSGAHAN NYO AKO!!!" diba? Makes sense diba?
Naaalala ko na may naging kaibigan ako dati na humaling na humaling sa kultura ng Hapon, pero kapag kultura na ng 'Pinas ang usapan, tuluyang nagiging gabi ang utak nyang Hapon.
Ako: Oy, ano ba ang tawag dun sa traditional dress ng mga geisha sa Japan?
Sya: Ah Kimono un.
Ako: Ah, okay, eh ano naman yung traditional dress ng mga dalagang Filipina?
Sya: *Buffering*
Sya: Ah!!! BILAO YUN!!Putek, sinigaw pa talaga.
Sana naman, bago tayo malunod sa kultura ng ibang bansa ay lumangoy muna tayo sa sarili nating ilog. Kilalanin nating mabuti ang lupang ating pinanggalingan nang sa gayo'y malaman natin kung ano ang ating maitatanim na mabuti sa lupang ito.
Sa kabilang dako, walang may karapatan na husgahan ang isang tao base sa lahi nito. Dahil ang totoo, pare-pareho tayong tao. Wag mo ring huhusgahan agad-agad ang isang alien base sa pinanggalingan nito. Husgahan mo ang tao kung totoong mabuti ba ito o hindi.
BINABASA MO ANG
Ang atake ni Manong sa "Obsession"
HumorSa panahon ngayon, di lang sa pesteng pag-ibig lango ang mga kabataan. Maraming klaseng obsession, at nandito si Manong Paul upang i-demonstrate ang mga obsession na ito isa-isa.