Chapter 15

2K 133 1
                                    

Ash POV

Yow zupp Asher James Alcantara at your bed--este service pala heheh... Ako ang pinaka hot sa buong mundo kaya naman maraming naghahabol dahil sa katawan ko shezz..

--back to story--

Tumingin muna ako sa salamin matapos magbihis shit ka talaga Ash ang gwapo mo na ang hot mo pa...

"Hoy kambal bilisan mo na" sigaw ni kambal mula sa baba

Tss hindi talaga marunong maghintay

Lumabas na ako sa kwarto ko "Andyan na!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Ang bagal mo tara na nga" inis na usal nya at nagpauna sa paglalakad napailing nalang ako sa kanya.

Tahimik lang kami sa paglalakad hindi naman kase ganun kalayo ang school dito samin kaya madali lang lakarin.

"Ikaw ang kumuha ng barya ni mama sa bulsa ng pantalon nya ano?" Biglang usal ni Ace at naniningkit ang mga matang tumingin sakin.

"Ako? Huh baka ikaw" angal ko kahit ako naman talaga ang kumuha noon hihi.

"Eheh naman Asher lagot ka kay mama" saad pa nya at ngumisi na parang sinasabi na 'humanda ka mamaya may palo ka' napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Hindi nga ako ang kulit mo" inis na saad ko sa kanya tinawanan lang naman ako ng baliw na ito

"Ika--" .

"ASH!! ACE!!"

Naputol yung sasabihin ni Ace ng may biglang sumigaw sa likod namin kaya sabay kaming napalingon ni kambal hays si Jayden lang naman pala ang tumawag kumaway naman si Ace sa kanya.

"Papasok na kayo?" Tanong nya ng makalapit sa amin.

"Malamang kaya nga naka uniform diba" pabalang na sagot ko kita ko namang sinamaan nya ako ng tingin

"Epal" rinig kong bulong nya bago sumabay kay Ace sa paglalakad ako naman ay naiwan magisang nakatayo

Hayss talaga naman...

"Hoy hintay" sigaw ko sa kanila at patakbong lumapit sa kanila.

Someone's POV

"Good thing nalipat na ako ng school last week kaya madalas na kitang nakikita Denden ko" ngiting saad ko habang tinititigan ang litrato nyang patago kung kinuha.

"You're obsessed bro" tinignan ko naman sya ng masama

"Shut up" galit na sigaw ko sa kanya ngumisi lang naman sya at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Sino ba yan?" Tabong ni Leighton at lumapit sa akin.

"She's Jayden" tanging sagot ko sa kanya

I don't like to tell them what her full name is baka kase agawin pa nila ito sa akin.

"Ang damot" nakabusangot na ani nya.

Psh look like a duck.

Jay's POV

"Nasan ang kapatid mo?" Tanong ni Ace sumabay kase ako sa kanila sa paglalakad nakakaboring naman kase kung ako lang magisa diba.

"Hinabilin ko muna sa nanay ni Niko" simpleng sagot ko.

"Yun ba yung kasama mo noon yung bakla" napatawa naman ako sa sinabi ni Ash at tumango nalang.

Seryoso pag narinig siya ni Niko baka nasapak na ito hahah palaban din kase si Niko kahit babakla bakla yun.

"Teka matanong ko lang kilala nyo ba yung Madilyn Kang?" Pansin ko namang natahimik silang dalawa dahil sa tanong ko.

"Pasensya na Jay hindi namin kilala yan tinutukoy mo" saad nila napatango nalang naman ako.

May tinatago ba sila sa akin?

Bigla tuloy natahimik silang natahimik sa paglalakad para tuloy kaming may sariling mundo. Hayss may mali ba dun sa tanong ko.

"Bat bigla kayong tumahimik?" Tanong ko ulit hindi ko kase alam ang nangyayari sa kanila.

Ngumiti lang naman sakin si Ash, si Ace naman ay diretsyong pumasok sa loob ng room namin.

Hayss may regla ba sila at napaka tampuhin naman ata nila ngayon hindi naman sila ganyan kanina e

Ano ba kaseng meron sayo Madilyn Kang? Bakit para sobra silang apektado sayo? Nakakacurios naman!

____________________

Yahh thank you for supporting me guys✨

missbluelightgirl
--
JessicadeLumen4
--
joanneigc
--
RenalynAlvarezQtqt

Napansin ko talagang lagi kayong updated sa story na to. Godbless & keep safe!

THE ONLY GIRL IN SECTION DWhere stories live. Discover now