Chapter 19

2.3K 133 43
                                    

Jay's POV

"Manang luto naba yan?" Tanong ko kay Manang tinulungan nya kase akong magluto, tumango naman siya tinulungan ko na silang maghayin.

"Wow Jay parang ang sarap" sabi ni Noah si Sydney naman ay naglalaway na nakatingin sa mga pagkain.

"Kain na tayo" saad ko at umupo sa tabi ni Blaze para sumabay sa kanila sa pagkain.

Unang tinikman ni Syd ang adobo na niluto ko at napanganga ito bago nagthumbs up sa akin

"Pag ganito lagi kasarap luto nyo baka dito nako tumira" biro ni Noah natawa naman sila Manang

"Seryoso ka na bang volleyball sasalihan mo?" Tumango lang naman ako kay Kian

"Bat hindi nalang basketball?" Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya

"Mas gusto ko kaseng maglaro ng volleyball atsaka daming chix dun hahaha" simpleng sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain

"Baliw" rinig kong bulong ni Blaze habang umiiling iling pa

Maya maya pa nagpaalam na sila para umuwi hinatid ko naman sila sa labas ng gate.

"Babye" saad ko habang kumakaway sa kanila lumingon naman si Kian at ngumiti si Noah at Sydney naman at kumaway pabalik si Blaze naman ay dire diretsyo lang na naglalakad.

"Sa uulitin" sigaw ni Syd

"Gagu" sigaw ko naman pabalik sa kanya at tatawa tawang pumasok sa loob.

"Manang tulog na po ako" sigaw ko kay Manang at patakbong tumungo sa kwarto ko.

Nagtooth brush muna ako at naglinis ng katawan bago nagbihis ng pantulog at nahiga sa kama ko.

Blaze POV

Krigggggg....

Hays ang aga aga tumatawag agad di ba nila alam na natutulog ang tao. Tsk

"Hello" sigaw ko kay Cedric

"Huh?" Tanong ko sa kanya di ko kase maintindihan ang sinasabi nya.

"Pano nangyari yun?" Takang tanong ko sa kanya

"Kelangan natin ituloy ang plano, kelangan mabawi ulit natin sya" nagaalinlangan naman syang sumagot sakin at ibinaba ang tawag

"Hays bwisit na lalaki yan" inis na usal ko nalang habang nagiisip ng maaring gawin mabawi lang sya

Bumangon na ako at naligo bago nagbihis. I need to keep away from her para hindi ganun kasakit ang mangyari.

"Sir dito po ba kayo kakain?" Tanong ng isang maid tumango lang naman ako sa kanya habang nanatiling nakatayo sa harap ng salamin at inaayos ang kwelyo ko

"Nanjan ba sila Mom and Dad?" Tanong ko

"Kakaalis lang po nila sir" sagot nya napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya.

As usual, magisa na naman akong tahimik nakakain. Tsk nothing's change.

Naglakad nako pababa ng hagdan dala ang gamit ko at dumiretso sa hapag kainan. Umupo na ako at nagsimulang kumain ng tahimik pagkatapos ay diretsong sumakay sa kotse ko...

Wait for me my love...

_______________________

Ang dami namang sekreto yohooo kunti nalang malalaman na natin kung ano ba yang mga yan Hahah

Yahhh sorry for super late update busy kase ako sa gala e HAHAHA...

Lapit na ng pasko ano handa nyo? Pakain!!!




THE ONLY GIRL IN SECTION DWhere stories live. Discover now