Chapter 5

3.7K 206 5
                                    

Noah's POV (kaklase ni Jay)

Grabi di ko akalaing madaldal pala itong babae na to kanina pa dumakdak ng dumakdak habang papunta kaming canteen eh mas maingay pato samin ni Sydney eh

"Teka nga muna kanina pa ako daldal ng daldal dito eh hindi pa kita kilala, ano ngang pangalan mo?" Tanong nya sakin habang nakapamewang

"Ah...ako si Noah Montero ang pinaka gwapo sa lahat ng kaklase natin" sagot ko na ikinakunot ng noo nya

"San banda gwapo? Friends na tayo ha?" Tanong nya habang tatawa tawa

"Syempre sa mukha, sige ba" taas noong sagot ko sa kanya kaya lalong syang humagalpak ng tawa kaya napasibangot nalang ako

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan" sabi nya habang tumatawa na naka kapit pa sa tiyan nya

"Oh andito na pala tayo ano gusto mo?" Tanong ko sa kanya

"Ano bang masarap dito?" Pabalik na tanong nya sakin

"Vanilla cake atsaka ice tea gusto mo?" Tanong ko at walang alinlangang tumango sya at naghanap na ng mauupuan, ako naman ay oorder

"2 Vanilla cake at 2 ice tea nga po" order ko sa tindera tapos ibinigay nya at nagbayad na ako at nakita ko sya na nakaupo habang naka tanaw sakin at nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik

"Mukhang saya natin ah" saad ko sa kanya habang naka bungisngis sya sakin

"Syempre libre food eh" pabalik nya at nagumpisa ng kumain ako naman ay mahinang napatawa na lang at kumain narin Sandali kaming kumain at nagkwentuhan

"Tara na" Yaya ko sa kanya pagkatapos kumain

"Sige una Kana,  cr lang ako" sabi nya sakin at tumango ako bago nagsimulang lumakad papunta sa room

Habang naglalakad ako ay may narinig akong naguusap hindi ko na sana pa pakialaman kaso narinig ko yung section namin kaya saglit akong huminto para marinig ko ang Pinaguusapan nila

'Grabi ang sama ng laban nila sa may field'

Ano naman kayang laban yun?

'Oonga ang daya ng section A'

Huh?!!

'Nagsanib sila ng section B tapos nag tawag pa sila ng mga outsiders paniguradong talo ang section D'

Anong?! May laban kami?! Tangna ba't 'di nila sinabi?!!

Mabilis akong tumakbo matapos kong marinig ang usapan nila, PAKSHET!!!! ba't ba di nila sinabi tsk

Nakarating ako sa field ng hingal na hingal at nakita ko dun ang nag kumpol na mga estudyante kaya pilit akong sumingit kahit na nagrereklamo sila at naiinis. Nang makarating ako sa gitna ay dun ko na kita na dehado talaga kami sa dami nila at bagsak narin halos lahat ng kaklase ko at sila lider nalang ang nakatayo kahit na bakas ang panghihina puro pasa na din sya at dugo

"Hoy bat di nyo sinabing may laban" bulong ko sa kanila kaya napatingin sila sakin

"Hindi din namin alam nung umalis kayo dumating sila at nanghamon di naman namin maatrasan kaya pumalag kami, asan yung babaeng kasama mo?" Nanghihinang tanong nya sakin

"Asa CR" sagot ko at nagumpisa ng makipag bugbugan

Jay's POV

Lumabas na ako ng cubicle at naghugas ng kamay bago tingnan ang repleksyon ko sa salamin at dun ko lang din napansin na ang dumi pala ng damit ko dahil sa nabangga ko kanina sa paghahanap ng mauupuan yung babaeng taga section C nag   sorry naman sya pero yung damit ko ang dumi chocolate shake P naman yun. Tsk no choice tuloy ako kundi tagtagin ang botones ng blouse ko para astig na rin tutal may t shirt naman akong suot kulay Black sya na plain tapos may partner na cup suot ko yun kanina pa nakabalitad ito

Pagkalabas ko ng cr ay naglakad ako papunta sa room pero habang naglalakad ako syempre pinagtitinginan nila ako hahah mukha tuloy akong artista hihihi...

Kasalukuyan akong nasa tapat ng room namin, bat kaya ang tahimik?, sumilip ako para tignan kung anong ginagawa nila pero lalo lang akong nagtaka dahil walang tao sa loob kaya dali-dali ko silang hinanap...

Pagkatapos ng isang DEKADA! Este isang MINUTO!! Ay hindi ko pa rin sila nakikita, san naman kayang lupalop ng mundo yung mga yun nagpunta tss. Tumakbo nalang ulit ako at nakarating naman ako sa field at ang nahagip agad ng mata ko ay ang mga estudyanteng nagkukumpulan at dahil nga sa chismosa--este na curius ang bida nyo eh nakisiksik ako at SUCCESS!!! YOOOHHOO!!! Ang galing talaga ng strategy ko wahahahahaha siko at tulak lang pala katapat eh...

Nakarating ako sa gitna ng matiwasay at yung mga estudyante sa likod ayun reklamo siksik daw ako ng siksik eh paki ba nila. Tumingin ako sa harap at don ko nakita ang mga kaklase kong bugbug sarado at hinang-hina na nakaupo at nakaluhod naman yung iba, tiningnan ko naman ang kalaban nila tsk madadaya sila dehado kami neto

"Sino kayang uunahin natin?" Tanong nung lalaking may hawak ng tubo habang tinuturo-turo nya yung tubo isa-isa sa mga kaklase ko at tumigil ito sa tapat ng isa kong kakla--Teka?!! Sya yung niligtas ko dun sa lalaking may hawak ng tubo ngayon

"Oh pano ba yan Darwin sayo tumapat hahah" sabi nung lalaki na may hawak ng tubo at tumawa kasama yung mga kasamahan nya,,,,,, hahampasin nya si Darwin kaya inakbayan ko sya para mailagan yung tubo pero sa kasamaang palad sa kanang braso ko ito tumama  kaya napangiwi ako sa sobrang sakit pero hindi ko ito ipinahalata kahit na parang nabali ang buto ko sa lakas ng hampas at  napunta sakin ang atensyon ng lahat pati narin ang kaninang nakapikit na si Darwin ay nakatingin na rin sakin kaya nagpilit akong tumayo at makipag away kahit kumikirot ang braso ko

"Ikaw na naman" sigaw nya sakin kaya syempre dapat gumanti ang sama naman kasing tignan na ang cool ko na tapos babalian nya lang ako ng kamay tss di patas yun

"Oo, bakit? Angal ka?" Mapang asar na tanong ko sa kanya kaya umuusok na ang ilong nya ngayon sa galit

"Umalis ka na dito miss...'di kami pumapatol sa babae" maangas na sabi nung kasama nya

"Pumapatol naman ako sa lalaki" nakangising usal ko sa kanya sabay suntok dahilan ng pag tumba nya


°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Please VOTE🌟

💗THANK YOU💗

- HeartChanges






THE ONLY GIRL IN SECTION DWhere stories live. Discover now