Chapter 19

57 1 1
                                    

Lexi George is typing...

Lexi: Sabihin mo na lang po sa kanya na masyado pang maaga. Kung hanggang friends lang kayo edi friends lang. Tsaka ate pansinin mo siya minsan para di awkward.

Vain: Dear Charo,

Lexi: Okkk.

Vain: Thank you!!!

Lexi: Ayos lang po?

Vain: *thumbs up*

Lexi: Gaya-gaya

Vain: :P

Kahit papaano gumaan loob ko. Salamat sa kanya :)

Vain: Thanks :)

Lexi: *thumbs up*

--

"Guys, may emergency tayo" sabi ng Class president namin

At kami ngayon ay parang nasa korte na parang may nagawang kasalanan ang isang kaklase na walang umaamin  sa amin. Pakiintindi.

"Bukas na yung teacher's day natin! Ano pwede natin gawin kay Ma'am?"

"Hmmm! Galit naman yun sa atin. Baka nga hindi niya tatanggapin yung gagawin nating surprise." sabi ng isang kaklase ko.

"Wag nga kayong nega! Kahit papaano bigyan natin ng special day si Ma'am!"

"Ako gagawa ako ng video presentation" sabi ko sa kanila

"Oh ayan si Vain gagawa ng video presentation. Bigyan na lang natin si Ma'am ng cake?!"

"Pwede din. Guys, magdala kayo ng extra niyong platito at kutsara kung hindi tinanggap ni ma'am!" sabi ng isang kaklase namin na napatawa talaga kami.

"Loko ka! Pero ayos din yun. Mga artist dito sa room gawa kayo ng parang message board"

"Okay you got it. Ako na gagawa." Sabi ko na naman. Malaking pagsasakripisyo ko ito haha.

"Contribution na tayo guys 10 pesos!!!"

At nagbigayan na kami ng pera para sa plano namin bukas. Kailangan naming mapaiyak si Ma'am. Sana successful! Mwehehe.

--

Kinabukasan, Teacher's Day na ng Wadsworth High! Ano kaya pwedeng ipang-surprise sa masungit na adviser namin?

"Jadee! Mag-picture ka ah?! Kailangan mo sumali doon sa contest! Yung gagawa ka ng video ganun!" sabi ni Sel sa akin

"Shocks! Buti dala ko yung netbook. Sakto yun na lang iprepresent ko kay ma'am. At buti pala may load yung broadband!!!"

"Sige simulan mo na ngarud."

Hinanda na namin sa may tapat ng pintuan namin yung surprise namin kay Ma'am Vii. May cake kami doon sa table at yung ibang kaklase namin nakatitig sa cake. Sa taas naman ng table nandoon ang mga messages namin ng 'Sorry po ma'am!' 'Hindi na po mauulit!' 'Happy teachers day!!!'

"Tignan niyo nga sa labas si Ma'am! Mamaya biglang pumasok edi hindi na siya na-surprise!" Natatarantang sabi ni Sel.

" Oy dapat may mga look-out! Tignan niyo si Ma'am abangan niyo!"

After 5 minutes..

"Guys!!! Nanjan na si Maaaaaaaaaaam!!!!!!!!" sigaw ng look-out namin

Nasa harap sila ng pintuan na sinarado nila para pag-bukas ni Ma'am, atakihin siya sa puso! joke! Siyempre para ma-surprise. Ako naman, nasa gilid at I'll capture every moment straight to my Sony Vegas editing software.

Biglang nagbukas yung pinto at sumigaw sila ng "Happy Teachers Day Ma'am!!! Sorry po sa lahat!!!!"

Di nila namamalayan na nagpipicture picture na ako at ilalagay ko sa video. Same day edit lang ginagawa ko parang sa kasal hahaha.

Napaluha si ma'am. Awwww.

Niyakap nila si Ma'am, na-picture-an ko kung pano pumasok si Ma'am, kung pano nagulat at umiyak.

"Guys! Selfie!!!" sabi ko sa kanila habang inaangat ko yung netbook. Oo yun ginamit ko hahahaha. May front cam naman.

"Thank you Athena :)" sabi ni Ma'am Vii samin

"You're welcome po ma'am!!"

Biglang naudlot ang drama namin ng biglang may nag-announce..

"To all students, please proceed to the school gymnasium now"

Pumunta na ako sa upuan ko. Nasa dulo ako ng row at nasa tabi ko na yung aisle. Habang nag-eedit ako, napansin ko na nasa kabilang group ng upuan, nandun si..si.. si George! May aisle na pumapagitan sa amin. Nekekeenes.

Pinapansin ko kung sinong mga students ang nasa harapan ko. Napansin ko na mga freshmens sila. Nasa bandang left ng harap ko, nandoon si Jan! Awkward!!!!!

Pasulyap-sulyap ako kay George, nakatutok lang siya sa cellphone nya. Kapag naka-landscape position phone niya, malamang minecraft. Pero naka-portrait e, baka FB.

"Tapos mo na i-edit?" Tanong sakin ng Marfi.

"Hindi pa e. Mamaya iinform kita"

Siyempre may load yung broadband kaya nagpesbuk ako.

May message :O

Lexi George...: JAAAN


Whut?

Lexi: Jaaaaan

          JAAAN 

          HAHAH

         JAAAN

Vain: =____=

Lexi: Haahaha JAN

Vain: Nakakainis magkalapit kami ng upuan!!!

Lexi: Hahhahaha ayieee JAN.

Ugh. Back to editing mode. Urg.

Import. Add transitions. Add animations. Add music and graphics. Add visual effects. Bada-bing bada-bong.... DONE EDITING!!! Export--

May biglang nagpatong ng kamay sa balikat ko...

TBC

My Genius CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon