"Ate Jadee! Si Lexi hinahanap k--"Sino naman yun? Madami na ding nantitrip sa akin kasi may mga ilan din na nakakaalam kung sino yung crush ko. Jusko pati mga teacher namin dito alam na alam!!
"Jadee! Malapit na Nutrition Month. Diba Appointed Officer ka ng SSG? Ikaw magfafacilitate sa Poster Making Contest."
Bigla na lang sumulpot sa likod ko si Ma'am Gemma, isa sa mga favorite teachers ko at nakakasunduan ko.
"Sige po ma'am. Kahit di na po ba ako sumali?"
"Pwede naman sumali habang nagbabantay ka ng contestants. Haha!"
Sigh... Nawawalan na ako ng passion sa art pero pwede ko naman maging way yun para magbalik loob.
"Sige po maam. May memo na po ba ng mechanics?"
"Wala pa. Gagawa pa lang. Sige at may meeting pa ako na pupuntahan."
Since wala na si kuya Don Rey dito at siya talaga yung tinutukan ng school na mag excel sa arts, pwede ko naman ipagpatuloy yung legacy ng school.
Months later
Nutrition Month na at marami ding activities like cook fest at mga nutri jingle na andaming pasabog ng mga contestants.
Nagstart na ako mag announce na malapit na magstart ang poster making contest at magready na lahat ng sasali.
Nagpaattendance ako at sa di kalayuan ay nakita ko si George. Waaaaaa!!! Sasali ba ulit siya? Kung alam niya lang first anniversary namin to!! Hindi exact date pero exact event!!!!
Nakita ko si Ebony na classmate ni George. Sasali din siya sa contest.
"Ebony! Sasali ba si George?"
"Hindi ate. Magpipicture picture lang daw siya."
"Ha? bakit hindi daw?"
"Ewan ate. Baka nahihiya lang sayo. Hahahahah!!"
Haynako naman. No feelings involved sana sa mga ganitong event. Char!
"Good morning guys! Kilala niyo naman na ako diba? Magsstart na any minute now ang contest. Check niyo na mga gamit niyo if kumpleto na pati mga contestants na gusto pa humabol inform niyo lang ako if meron."
"Yes po."
Ilang minuto lang bago magstart ang contest ay may humabol na contestant. Besh... Si George!!!!
As expected, hindi siya nakapagsalita at naghanap na lang ng vacant seat.
"Okay. 9 am na at pwede na magstart. Submit natin mga drawings natin sa harap until 12 noon."
Habang nagfofocus ako sa pagkulay ko na alam kong maraming kulang, bigla akong kinausap ni Ebony.
"Ate. Hindi ka matiis ni George humabol pa na sumali. Ayieeee."
"Huy tumahimik ka nga. Ginugulo mo ako para di ako matapos agad. Sinasabotage mo ako."
Bigla akong may narinig na pamilyar na tawa sa malayo. Si George lang naman ang tumatawa ng ganon. Hindi ko siya nakita kung siya ba ang tumawa kasi nakatalikod siya sa akin pero napansin ko yung balikat niya tumatawa. Nababaliw na naman yon.
After ng poster making contest, sinubmit ko kay Maam yung mga drawings kasi sila ang magjujudge.
Kinahapunan, last event ay ang awarding of winners. Nakakatakam kainin yung mga nakadisplay na pagkain sa gymnasium. Di mo aakalain na mga estudyante pa lang nagluto sa mga pagkain.
Kung sino mananalo sa school level ay icocompete sa Municipal level meaning makakalaban ang mga schools within our Town.
"Jadee. Nanalo ka sa poster making" sabi ni Maam Gemma.
"Maam? Hala hindi naman po kagandagan drawing ko"
Like totoo naman. Hindi kagandahan yung drawing ko. Ako facilitator kaya hindi ko na sineryoso yung gawa ko"Napansin ko na hindi mo sineryoso pero meron kang potential. Maganda mga concept mo. Pwede mo pa maiimprove yung pagkulay mo"
Napaisip ako. I can do better naman lalo na sa pagkulay kaso yun nga. Hindi ko lang sineryoso.
"Talaga po ba maam?? Hala thank you po maam. Pagbubutihin ko po"
"Good luck sa municipal level"
Napapost ako ng "for the first time in forever :)" kasi first time ko lang manalo sa poster making kasi lagi si kuya Don Rey nananalo.
Narinig ko di kalayuan sina Sel Ann at Don Gab habang papasok ako sa filipino subject namin.
"Hala bat siya nanalo? Hindi naman maganda yung ginawa niya."
"Totoo. Andami pang mali sa pagkulay niya."
Bigla akong nadown.
Binuksan ko messenger ko
"Lexi? :("
To be continued.
BINABASA MO ANG
My Genius Crush
Non-Fiction(Ito na ang seryosong description :) ) "Mas mabuti pa ang inspirasyon kaysa sa relasyon" Tama naman diba? Pwede mong gamitin ang inspirasyon to strive hard sa isang bagay, lalo na sa PAG-AARAL. Kapag relasyon naman, hahatiin mo ang oras SA KANYA at...