Chapter 38

9 0 0
                                    

1 week ang nakalipas, siyempre alangan naman na meron pa rin siyang sore eyes.

Nung time na yun hindi ko alam masyado ang gagawin. Nagkaroon lang ng mga activities sa school pero since first month pa lang ng school wala pa masyadong ginagawa kundi introduce yourself at mga diagnostic test every subject.

This year 2015 will be our last year as junior high school student since kami ang first batch ng K to 12 curriculum, we will have another 2 years to study as senior high school student before entering college.

I wonder kung ano ang pipiliin kong program or course sa college? Fine arts? Information technology? Architecture? Hindi ko pa talaga alam.

Natapos ang araw sa school na halos hindi ako active. Anong magagawa ko? Eh wala nga si Lexi? Wala yung taong kumukumpleto sa araw ko. Biruin mo naman, dalawang buwan ko tiniis na hindi siya makita though nakakachat ko siya sa aking pinakamamahal na netbook.

"yoooo. U okay na?"

Sinend ko kay Lexi kasi ako naman palagi nag iinitiate ng convo namin. Hmf!!

"Yep. Makakapasok na ako bukas"

What a relief. Ang dami na rin niya kasing namiss na lesson sa class niya pero alam kong kayang kaya niya habulin. Baka genius yung crush ko mwehehe.

"good to hear!"

Ano naaaaa. Ano pa pwede kong ireplyyyyy???




Kinabukasan, siyempre

Late na naman ako. Room namin is located sa harap ng campus which is sa part na malapit lang sa bahay nila Lexi. Ilang beses na rin ako na umakyat sa bakod at sumilip sa bahay nila pero ayaw ko, magmumukha akong akyat bahay. Haha!

Nakakamiss din pala na mag aral ng seryoso, I mean, alam niyo yung may compassion yung teacher mo sa pagturo? Hindi yung puro buhay niya lang nilelecture sa harap ng klase? Napakaswerte naming 10 - Rizal na si Ma'am Mary Faye ang adviser namin.


Recess time at ito ang tamang panahon para hanapin si Lexi my loves!!

"Jadee, sino na naman hinahanap mo?" sabi ng kaklase ko

"Sino pa ba pwede kong hanapin?"

"Sabi ko nga.."




"Ate Jadee!! Si Lexi hinahanap k----"

Ha? Ano yun? May narinig akong sumisigaw sa malayuan pero di ko nakita kasi parang may humatak sa kanya papalayo at tinakpan pa ang bunganga.

I wonder...

My Genius CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon