Hindi pa rin ako naniniwala sa mga naririnig ko ngayon at galing pa mismo sa mga best friends ko. Ako? Hindi ako magaling? Eh hindi ko nga sineryoso? Bakit parang kasalanan ko?
"Lexi? :("
Typing...
Wala akong gana kumilos kahit madami pa akong assignment na kailangang gawin. Nakakadown lang na sa kanila ko pa mismo narinig. Akala ko susuportahan nila ako kasi alam nila kung gaano ako kaactive pagdating sa art contests.
"Bakit po sad emoticon? Eh nanalo ka nga sa poster making. Congrats pooo"
"Oo nanalo, pero may narinig ako na nagpalungkot sa akin."
"Ano yun?"
"Hindi ko daw deserve manalo sabi nila Sel Ann at Don Gab."
"Hala grabe naman sila. Wag mo na lang pansinin."
Madaling sabihin na wag na pansinin pero the damage has been done.
Kinabukasan, hindi ko sila gaano pinansin. Nagtataka nga sila kung bakit pero di rin sila aware na narinig ko yung sinabi nila sa akin.
Pumunta kami audio visual room ng school namin dahil kailangan gamitin ng adviser namin. Habang nagdidiscuss ay may biglang kumatok sa pinto, si Sir William and opo couple po sila ng adviser namin na si Maam Mary Faye.
Si Sir William is known to be the art coach in Wadsworth High. Since 1st year pa lang si Kuya Don Rey ay tinutukan na siya ni Sir. Graduated na si kuya kaya batch na lang namin ang natira.
"Jadee! Balita ko nanalo ka daw sa poster making ah? Eh mas maganda pa yung ginawa ni Nica."
Sabi ni sir William sa akin. Yes po, opo. Sa harap ng buong klase naminNagtawanan ang lahat.
Parang nabingi ako sa tawa nila. I feel so humiliated.
Nakita ko rin sila Sel Ann at Don Gab na nagbulungan at tawanan.
Ang sakit.
May mga kaklase akong concern sa akin pero hindi makatingin sa akin.
Nataon na nakapwesto ako sa harap at pinaka left side ng row.
Madilim sa AVR. Nakafocus ang lahat sa projector wall.
"Jadee wag mo dibdibin yung sinabi ni sir alam mo namang palabiro yun" Sabi ni LJ na beki kong classmate.
Nginitian ko na lang siya at sa pag yuko ko ay may biglang tumulo na luha ko. Pinakaayaw ko yung pinapahiya ako. Pinakaayaw ko iyon. Sobra sobra tong nangyayari sa akin.
I managed to look okay after ng klase. Humiwalay muna ako sa mga kaklase ko at pumunta sa pinakalikod na part ng Wadsworth High, ang WH Field.
Mahangin at presko. Nakakagaan ng bigat ng loob ang kapayapaan sa lugar na yun.
I skipped my other remaining classes dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ko ihaharap sarili ko sa mga kaklase ko. Sobrang nahihiya ako sa nangyari.
Di ko namalayan na 5pm na at nakatulog ako sa gilid na parte ng field. Habang inaayos ko sarili ko, nakita ko sa kalayuan na may nakahiga rin na lalaki. May nakatakip na libro sa mukha nya. Lalapitan ko sana kasi medyo familiar pero bigla nagring yung phone ko. Tumatawag si papa.
"Jidi, andito na ako sa labas. Diba nagpapasundo ka?"
"Sige po pa papunta na may tinatapos lang"
Oo pala nagpasundo ako. Wala rin lang kasi ako makakasabay pauwi.
Lexi's PoV
Gusto ko mapag isa.
Hindi ko alam sasabihin ko.
Hindi naman ako makwento. Basta,
Gusto ko mapag isa.
Papunta akong field. Gusto ko mapag isa. Gusto ko magbasa ng libro.
"Ano ba naging kasalanan ko? Bakit ko ba kailangang mag suffer sa mga insulto niyo? Malamang insulto kaya nakaka insulto."
Pamilyar yung boses. Ah si Ja-- si ate Jadee.
Ano ginagawa niya sa field?
Umupo ako kasi nakakangawit tumayo. Nakinig ako sa mga sinasabi niya.
"Hindi ko kasalanan kung nanalo ako pero hindi ko deserve na ipahiya ako. Na sabihing hindi ko deserve manalo."
Bigla na ang siyang umiyak.
Hindi ko alam gagawin ko. Umiiyak siya.
4pm na at bigla siyang humiga sa damuhan. Lumapit ako kaunti at may nakita akong artworks niya. Pinunit niya. Sayang.
Nakatulog siya. Halos maga na din yung mata niya.
Lumayo ako konti at sumandal sa isang puno at pinagpatuloy ko magbasa ng libro. Napansin kong medyo nagigising na siya kaya nagkunwari akong tulog.
"Parang pamilyar yun ah"
Bigla nag ring yung phone niya.
"Sige po papunta na.."
"Hindi ko pa nakikita si Lexi. Haaay kung pwede lang umamin na crush ko siya edi sana kasabay ko umuwi ahahahahah char"
Bigla ulit nagring phone niya.
"Opo pa may inayos lang"
Umalis na siya.
"I already know, Jadee. Kung alam mo lang kung gaano ka ka-obvious."
BINABASA MO ANG
My Genius Crush
Non-Fiction(Ito na ang seryosong description :) ) "Mas mabuti pa ang inspirasyon kaysa sa relasyon" Tama naman diba? Pwede mong gamitin ang inspirasyon to strive hard sa isang bagay, lalo na sa PAG-AARAL. Kapag relasyon naman, hahatiin mo ang oras SA KANYA at...