chapter 6

98 5 0
                                    

Matt's POV

Masaya akong nag lalakad pauwi kasama si syd. Paanong hindi ako magiging masaya e mag kahawak kami ng kamay simula pa kanina. Kinikilig nanaman ako hihi. Ayos lang naman kiligin dibaa? Hihi

Namiss ko talaga siya ng sobraa. Isang buwan ko din siyang hindi inimik. Siguro nag tataka rin siya kung bakit hindi ko siya pinapansin noon. Kasi nga hindi naman niya alam na broken ako dahil sakanya. Pero ngayon aaminin kong masaya ako sa nalaman kong wala na sila nung kumag niyang ex. Goods narin yun kesa naman niloloko siya ng pangit na yon.

Malapit na kami sa bahay namin. I mean, sa mga kanya-kanyang bahay namin. Pero sana nga mag kasama nalang kami sa iisang bahay. Ang sarap siguro nun hihi.

"Thank you Matt :)" naka ngiting sabi ni syd pag karating namin sa tapat ng bahay nila

"Walang anuman Syd. Pasok ka na uuwi na rin ako pag kapasok mo :)" naka ngiti ko ring sabi kay syd.

Ang ganda ganda niya kahit na medyo mugto pa yung mga mata niya. Sana lang talaga maging okay na siya at maging okay na rin sa bahay nila. Sana ayusin ng dad niya yung gusot na pinasok niya.

"Sige, pasok na ako. Salamat ulit Matt. See you :)" tumango tango lang ako habang naka ngiti tapos pumasok na rin siya sa bahay nila.

Ako naman ay tumawid na rin papunta sa bahay namin. Mag katapat lang kasi talaga yung bahay namin.

Pag pasok ko nakita ko yung nanay ko na naka upo sa sala habang nanonood ng news sa tv. Parang wala si papa? Ah, baka nasa banyo.

"Ma nandito na po ako." Bati ko kay mama

"Ginabi kana anak. Saan ka ba nang galing? Tatawag na nga sana ako kasi nag aalala na kami ng papa mo. Mabuti naman at naka uwi kana."

Kitang kita ko sa mukha ni mama na nag aalala talaga siya. Nakonsensya tuloy ako kasi hindi na ako nakapag paalam kanina.

"Sorry ma, nag karoon lang po ng konting problema pero okay naman na po. Sorry nag alala tuloy kayo ni papa" pag hingi ko ng paumanhin kay mama. Hindi ko naman gustong mag alala sila

"Nak mabuti't naka uwi kana? Kanina ka pa namin inaantay ng mama mo. Nag aalala na nga kami sayo eh." Sabi ni papa na kalalabas lang ng banyo. Diba sabi sainyo eh, nasa banyo yan siya kanina hehe

"Sorry pa, medyo nagka problema lang ng konti pero ayos na po." Sana nga maging ayos na

"Sige kumain kana jan anak may pag kain na sa lamesa. Nauna na kaming kumain ni papa mo kanina" sabi ni mama sakin habang nginunguso niya yung lamesa.

"Oo nak kain kana, hindi kana namin ipag hahain ha? Kaya mo na yan malaki ka naman na" segunda pa ni papa

"Sige po. Salamat ma, pa pero busog pa po ako. Magpa pahinga nalang po muna siguro ako. Medyo napagod din po kasi ako." Totoong busog pa talaga ako kahit na hindi pa naman talaga ako nag hapunan.

Tumango tango naman sila at hindi na ako pinilit pang kumain. Siguro ramdam din nilang pagod talaga ako. Ngayon ko nararamdaman yung pananakit ng paa ko dahil sa matagal na pagka katayo namin kanina ni syd.

Kumusta na kaya si syd? Sana kumain siya kahit konti at sana nag papahinga narin siya ngayon kasi alam kong pagod na pagod siya sa mag hapon.

********

Naka tulog na pala ako kagabi kaka isip kay syd. At eto nanaman ako pag gising ko si syd nanaman ang laman ng utak ko.

Sabado pala ngayon ang aga kong nagising. Akala ko kasi friday pa lang. Pero oks narin yun mahaba haba rin naman yung naging tulog ko. Babangon  nalang muna siguro ako para makapag timpla ng gatas.

Pag baba ko dumeretcho muna ako sa may banyo para umihi at makapag hilamos ng mukha. Tapos sabay timpla ng gatas pagkatapos ko sa banyo.

Iniisip ko ano kayang gagawin ko ngayon? Sobrang aga pa malamang tulog pa yung pangit kong kaibigan. E kung mag lakad lakad kaya ako mamaya sa labas para makapag exercise narin. Hmmm.. oo ganun na nga lang gagawin ko.

Palabas na ako ng bahay para mag lakad lakad. Pag lingon ko nakita ko si syd. Palabas din siya ng bahay nila. Saan kaya siya pupunta? Nagka tinginan kami ni syd sabay ngiti rin namin.

"Good morning Syd :)" bati ko sakanya na ngiting ngiti

"Good morning Matt :)" sabi niya rin sakin ng nakangiti

"Saan lakad natin?" Tanong ko kay syd

"Wala naman, mag lalakad lang sana jan" kung sinuswerte ka nga naman pareho pa kami ng gustong gawin

"Talaga? Ako rin kasi ganun yung plano kong gawin kaya lumabas ako. Gusto mo sabay nalang tayo para may kasama din akong mag lakad" nakangiti kong tanong kay syd sana pumayag siya 🤞🏻

"Sure. Wala rin naman akong kasamang mag lakad :)" yessss! Hihi

Ayun nga nag lalakad lakad kami ni syd habang nagkekwentuhan. Feeling ko sobrang layo na ata ng narating namin. Hindi namin namalayan na ang layo na ng nilakad namin. Nag kekwentuhan din kasi kami kaya ganun. Masayang masaya ako na nakakapag usap na ulit kami ng ganito :)

"Namiss kita Matt.." biglang sabi ni syd

Nagulat ako dun syempre. Pero hindi ko nalang pinahalata. Bumibilis narin yung tibok ng puso ko

"Ang tagal din kasi nating hindi nag usap. Ano bang nangyari? Akala ko nga galit ka sakin kasi hindi mo ako pinapansin" nakikita ko nag tatampo si syd. Hindi ako nakasagot kanina kaya nag salita ulit siya

Hindi ko rin talaga alam yung sasabihin ko ngayon kay syd. Ayaw ko namang tumahimik nalang kasi baka lalo siyang mag taka at mag tampo. Siguro sasabihin ko nalang yung totoo. Sana walang mag bago. Sana hindi niya ako layuan

"Hindi naman ako galit sayo Syd. Teka paano ba? Paano ko ba to uumpisahan ng hindi ka magugulat" kabadong kabado ako

"Sana walang mag bago kapag sinabi ko yung totoong dahilan. Sana maging mag kaibigan parin tayo. Gusto kita. Gustong gusto kita. Kaya lang wala akong lakas ng loob na umamin sayo noon. Tapos lalo pa akong nawalan ng pag asa nung nalaman ko ngang may boyfriend kana. Kaya ako lumayo dahil dun kasi sobrang sakit nun para saakin kapag nag stay ako nung mga oras na yun" dirediretcho kong sabi. Mabuti't hindi ako nagkanda utal utal sobrang bilis ng pagka kasabi ko para tuloy akong nag rarap

Sana lang talaga hindi mag bago yung pakikitungo saakin ni syd dahil sa mga sinabi ko. Arrrghhhh yung puso ko sobrang bilis ng tibok. Umamin lang naman kasi ako ngayon kay syd sa tunay kong nararamdaman para sakanya.

"Alam mo Matt hinihintay lang naman talaga kita. Pero nung napansin kong parang hindi ka naman talaga interesado sakin binaling ko yung atensyon ko sa iba. Dun ko nakikilala yung ex ko" nagulat ako sa mga sinabi ni syd. Like wtf! Bakit kasi ang torpe ko nung time na yon? Pero sh*t ang saya ko ngayon sobra sa narinig ko totoo yun diba? Nabasa niyo diba??

"S-syd.. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Pero masayang masaya ako sa narinig ko ngayon sayo." Sabi ko ng nakangiti

"Natatakot lang kasi akong umamin sayo. Natatakot ako na baka iwasan mo ako at layuan. Ayaw ko namang mangyari yun. Pero sobra talaga akong nasaktan nung nalaman kong may boyfriend ka. Lumayo ako sa lahat nung mga oras na yun." Sabi ko sakanya ng nakatitig sa mga mata niya

"It's okay. Let's not talk about it nalang Matt. Ang mahalaga ay okay na ulit tayo. I'm very much happy na nag uusap na ulit tayo. :)" Nakangiting sabi ni syd

Nakikita ko ngang masaya siya ngayon na nag uusap na ulit kami. Ako rin naman sobrang saya ko ngayon. Gusto kong sabihin na hindi nag bago yung nararamdaman ko sakanya nung una ko siyang nakita kaso eto nanaman ako natatakot nanaman at nahihiyang mag sabi.

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now