Chapter 4

2.2K 44 23
                                    

Matt's POV

Kinabukasan maaga akong nagising at nag ayos papuntang school. Hindi ko nga alam kung nakatulog pa ako sa kakaisip sa nangyari kahapon.

Sobrang saya ko talaga kahapon na hindi na talaga ako makatulog kakaisip sa mga pwedeng mangyari ulit mamaya tapos excited pa akong magkwento kela Steve at Miles dahil paniguradong nag aantay na yun ng kwento ko.

********

Papasok na ako sa gate ng school nang makita ko si Syd na may kasamang guy tapos magka holding hands pa sila at parang ang saya saya nila habang nagkekwentuhan.

Lahat ng ngiting baon ko kanina bago ako pumasok ay nawala at napalitan ng sakit. Sakit na ngayon ko lang ulit naramdaman sa tinagal tagal ng panahon.

Balak ko pa naman sana mag tapat ng nararamdaman ko kay Syd dahil baka mauhan pa ako. Hindi pa man nakakapag tapat ay naunahan na nga ako. Saklap ng buhay ko. Urgh! Hindi pa nag uumpisa, olats na kaagad.

Tapos bigla nalang may humatak sakin papalayo sa masakit na eksena. Eksena na parang ako pa yung kontrabida kapag tumuloy pa akong pumasok kanina. Nagpapa salamat ako sa humatak saakin kaya tinignan ko kung sino ito. Nang makita ko kung sino yung humatak saakin ay bigla akong naiyak. Kasi buti nalang hinatak nila ako palayo dun kasi baka hindi na ako umalis dun at panonoorin ko nalang sila kahit masakit sa mata.

Alam ko naman na wala akong karapatan na mag gumanito kasi unang una hindi naman kami, pangalawa hindi niya alam na gusto ko siya. Ay mahal ko na pala siya. At pangatlo kaibigan lang naman ang tingin niya saakin. Pero putcha! Ang sakit sakit eh!

Mas masakit kasi hindi niya alam na nagkakaganito ako dahil sakanya. Masakit kasi ako lang ang may alam maliban dito sa dalawa kong kaibigan.

Nawalan na ako ng gana pumasok, gusto ko muna lumabas. Lumabas dito sa school dahil kung hindi baka mas masaktan lang ako. Masakit na nga yung kanina baka mas sumakit pa kapag may nakita nanaman ako. Kapag masaya ka talaga laging may kapalit. Kaya ang hirap maging masaya sa mundong ibabaw.

"Ayoko muna pumasok. Pasok na kayo."
Sabi ko sakanila kasi ayoko na silang idamay sa pagka sawi ko

"Pasensya kana Matt ha? Hindi ka namin nasabihan kanina. Wala kasi kaming load parehas tapos hindi pa namin alam na darating ka kaagad. Sana nailayo ka namin kaagad bago mo pa makita."
Nakikisimpatyang wika ni Steve. Alam kasi nila yung hirap ng pinag daanan ko noong sawi ako

"Okay lang, ano ba kayo."
Sabi ko nalang para hindi nila ako kaawaan. Ayoko kasi ng ganun eh

"Ah sasama nalang kami sayo Matt tutal wala rin naman kaming gagawin ngayon. Busy kasi yung Prof namin."
Sabi ni Miles. Hay nako

"Tama Matt. Sama nalang kami sayo. Teka, saan ka nga pala pupunta? Hehe"
Nakangiting tanong ni Steve. Alam ko naman na they're trying to lighten up my mood kaya naki ngiti nalang ako. Nahihiya kasi ako sakanila pag ganito ako

"Kain nalang tayo. My treat, tapos movie marathon tayo sa bahay."
Nakangiti kong sabi kasi ayoko ipakita na umiiyak nanaman ako

"Osige! Masaya yan hehe."
Tuwang tuwa si Steve. Libre kasi eh kaya tuwang tuwa

"Pero teka paano si Tita? Anong sasabihin natin ba't maaga tayong umuwi?"
Ay oo nga no? Tsk

"Ah, ako nang bahala don. Basta kung anong sasabihin ko oo lang kayo ng oo a? Yung dating gawi."
Naalala ko tuloy pagka ganitong ayaw namin magsi pasok noon konchabahan kami makatambay lang sa bahay. Hay.. those days... (napkin) che!

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now