Chapter 1

3.2K 48 1
                                    

Matt's POV

Maaga ako nagising kasi first day ngayon ng pasukan. First year college na ako ngayon at nag aaral ako sa Another School For College. O mas kilala sa ASFC. Diba ang ganda nung pangalan? Pinag isipan talaga ng mabuti nung may ari. (Insert sarcasm)

After maligo, bumaba na ako para mag umagahan kasi nagluto daw si mama ng almusal. Paano ko alam? Naamoy ko e. Hehe so I assume. Taray! English yon. English.

Pag baba ko syempre deretso na akong kusina at sakto ngang nagluto si mama kasi nakahain na sa lamesa yung mga pagkain.

Naabutan ko na naman si papa na nag kakape habang nag babasa ng diyaryo tapos si mama naman nasa katapat na upuan ni papa nagkakape rin. Nung napansin nila ako, inaya narin nila akong kumain.

"O, gising kana pala nak? Nakaligo at naka ayos narin. Di halatang excited a?"
Sino pa? Si papa hayyy.

"Tama na nga yan. Tamo o, nakabusangot na yung anak mo. Ke aga aga e. Lika kana nak, yaan mo yang papa mo jan. Maupo kana at kakain na."
Buti pa si mama marunong makaramdam na bwisit na ako. Si papa naman laging nang aasar. Tsk

********

Sa school-
Andito ako ngayon sa tapat ng gate. Ewanko ba sa mga siraulo kong kaibigan kelangan talagang nag aantayan e pwede naman magkita sa loob mamaya. Hayy, siguro may chismis nanaman yung mga yon syempre first day malamang may cacth up catch up nanaman. Sus para namang di nag kikita. E lagi nga sila sa bahay tapos lagi pang nambubusit sakin.

Habang nag aantay, may pulang sasakyan na huminto sa harap ko. Okay, hindi naman talaga sa harap na harap ko. I mean medyo harap ko. O yan okay na? Sus.

Nakatingin lang ako dito hanggang sa may bumabang babae. Oo babae, kakasabi nga lang diba? Psh. Tapos yun na nga parang nag slowmo siya sa paningin ko. Yung tipong lahat ng galaw niya mabagal. Tapos nakikita mo siya lang. Tapos medyo blurred yung paligid. Kaya kumurap kurap ako kase parang nasisira na ata ulo ko, nag mamalfunction na yung mata ko e.

Tapos may biglang bumaba pa na tatlong babae pero hindi na tulad nung sa nauna na nag blurred yung paningin ko. Magaling na siguro yung mata ko ayos na ulit e. Papatingin ko nga 'to minsan. So balik na tayo, yun na nga naka baba na silang apat. Halos mapamura ako kasi narealize ko na ang gaganda pala nila. Waaahhh. Pero mas pinaka maganda talaga yung isa. Yung naunang bumaba.

Ewanko kung ilang segundo o minuto akong naka tulala basta naalimpungatan ako nung may tumatapik tapik sakin. Tapos pag lingon ko, ayon bumalik lahat sakin kung bat ako nakatayo dito at nag aantay. Nako! Nanggigigil talaga ako sa dalawang 'to e!

"Uyyy! Kanina kapa namin tinatapik buti nagising kana sa dreamland mo?"
Mukha mo! Bwisit kayo pinag antay niyo ko!

"Oo nga Matt, ano ba kasi yung nakita mo't naistatwa kana jan?"
Isa pa'to e. Iniripan ko lang sila.

"Heh! Manahimik nga kayo! Dami dami niyo sinasabi. Alam niyo ba kung anong oras na ha? Sabi niyo 7:30 sharp. May pa sharp sharp pa kayong nalalaman e 8:40 na! Gusto niyong matusok sakin ng sharp? Tss."
Yung mga ugok parang natakot naman kasi naalala siguro nila na pinag antay nila ako. Nako dapat lang! Dahil ako'y nanggigigil sa mga 'to.

"E sorry na Matt, kasi naman na trapik kami sa daan e."

"Oo nga naman Matt. Alam mo naman na first day ngayon kaya sobrang trapik."
Tignan mo'to. Mga naka nguso pa, e ang papangit kaya nilang tingnan!

"Siya siya, tigilan niyo yang kakanguso niyo at ang papangit niyo. Tara na nga at late na tayo."
Pagtatapos ko nalang sa usapan dahil wala naman akong mapapala dito kundi ang mabwisit lang hay.

Pero pala isipan talaga sakin yung apat na babae kanina ay teka di pala apat. Yung isa lang pala yung naunang bumaba? Oo yon. Kaw naman nakalimot ka kaagad. Sino kaya yung mga yon? Mukhang dito naman napasok kasi dito bumaba e. Pero putcha! Ang gaganda talaga nilaaaa. Ay hindi, ang diyosa palaaaa.

********

Kinahapunan-
Sabay sabay parin kaming umuwi. Tapos trip daw nilang maglakad. Sus! Kamo mga wala ng pamasahe. Naubos siguro kakalamon mga timawa yan e. Psh.

Edi nag lalakad na nga kami tapos kasi nakwento ko sakanila yung girls na nakita ko. Tapos 'tong mga pinisti na'to atat na atat makinig kasi nabanggit kong magaganda sila. Basta talaga babae mabibilis e. Pinipilit pa nga nila ako kung sino daw ba yung mga yon.

"Hindi ko nga alam."
Kalmado kong sabi. Pero mamaya beastmode na ako pag uulitin pa nila.

"Kow! Ayaw lang niyan sabihin kasi lam na, chixx yun e!"
Konti nalang. Malapit na.

"Sabihin mo na kasi. Ang damot mo naman e! What are friends are 3?"
Anong 3? For yun! Eto na talaga mga busit talaga kayo!

"Ewanko nga kasi! Sinabi na ngang nakita ko lang na bumaba sa tapat ng gate kung saan medyo malapit sakin. E kung sana inagahan niyo edi nakita niyo rin! Hay nakaka stress kayo!"
Yan hindi na umimik. Kelangan lang pala sumabog yung bulkan para manahimik e. Pansin niyo lagi akong galit no? Ewanko ba pinag lihi ata ako sa sama ng loob.

Pero sure akong natatandaan ko sila. Lalo na yung pinakamaganda. Yung pinaka nakaka agaw pansin sakanila. Yung naagaw yung pansin at paningin ko. Kelan ko kaya ulit makikita yun? Same school lang din naman kami kaya di malayong makikita ko ulit siya. Sana...







~~~
Kamusta ang First chapter? Okay ba? Sana may nagbabasa parin. I know natagalan ako bago gumawa ulit. Ngayon lang ako sinipag e. So sana suporthan niyo parin 'tong bago kong kwento. 😊
VOTE. COMMENT. FOLLOW. ENJOY

#Ms. A

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now