Chapter 5

77 5 1
                                    

Matt's POV

Lumipas ang isang buwan na hindi ako nag pa ramdam kay syd. Hindi naman ako umiiwas kapag nag kakasalubong kami pero hindi ko lang talaga feel na kausapin siya. Ayoko na kasing masaktan pa kapag may nalaman akong 'di ko ikakatuwa.

Bale ang lagay eh, mag papaka martyr ako tapos wala namang pupuntahan. One sided love nga lang kami kasi hindi naman niya ako love.
Aray! Ang sakit naman nun, tagus tagusan haha.

Pero natatanggap ko naman ng unti unti kaya nga 'di ko na siya kinakausap baka kasi mag bago nanaman isip ko pag kinausap ko pa. Baka nga mag tanga tangahan nanaman ako tapos sa huli ako nanaman ang kawawa, ayoko namang mangyari ulit sakin yon.

Siguro sainyo ang OA ko mag react. Eh hindi naman kami o naging kami. Pero kasi masakit talaga umibig ng mag isa. Ni hindi ko manlang nasabi na mahal ko na siya. Sobrang bilis nga ng pangyayari. Parang kahapon kaka kilala ko lang sakanya tapos the next thing I know mahal ko na siya. Alam niyo yun? Nag mu'move on ako kahit hindi naman talaga naging kami. 🤦🏻‍♂️

Eto pa malala, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung talaga bang boyfriend niya yung kasama niya nung nakita ko sila. Diba? Nag papaka sadghurl ako dito eh hindi naman ako sigurado kung sila ba talaga. I know, pwede namang mag tanong. Kaya lang syempre siguro yung pride narin.

Alam niyo yun? Yung napangunahan na kasi ako ng emosyon dun sa nakita ko nung mga oras na yun kaya ayaw ko nalang mag salita o mag tanong. Halatang halata naman kasi. Tsaka pag nag tanong ako tapos sila pala talaga edi lalong napa mukha nanaman saakin na wala na talaga akong pag asa.

Mag sisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako umaasa hanggang ngayon. Lalo na hindi ko pa natatanong kung sila ba talaga o hindi. So nag papaka sadghurl ako for 1 month ng hindi ko alam kung dapat ba akong mag inarte.

Hanggang tingin nalang talaga ako sakanya. Alam niyo yung magka lapit bahay lang naman talaga kami tapos nasa iisang school lang din kami pero feeling ko napaka layo namin sa isa't-isa. Teka may klase pa pala ako puro ako kwento jusko nakalimutan kong may pasok pala ako ngayon. 🤦🏻‍♂️

********

Kakatapos lang ng klase ko ngayon. Wala naman akong balak gawin kaya uuwi nalang ako. Ganito ako lagi sa naka lipas na isang buwan. Bahay school lang. Di narin ako masyadong nasama sa mga kaibigan ko. Nag tatampo na nga sila kasi hindi talaga ako sumasam kahit anong pilit nila. Ewanko rin kung bakit ganito. Feeling ko kasi mas okay yung nag iisa lang muna ako. Yung sarili ko lang muna iniisip ko.

Nag lalakad na ako pauwi ng biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kasi sa nakalipas na isang buwan iniiwasan ko talagang magka salubong kami. Tapos eto na nga. Sa dami dami ng puwede niyang daanan yung dadaanan ko rin. Tapos nakakapag taka lang kasi lagi siyang naka sasakyan pero ngayon nag lalakad siya.

Tinitingnan ko siya ng pahapyaw kasi ayaw ko naman talaga siyang titigan. Pero bakit ganun? Parang ang lungkot lungkot niya? May problema ba siya? May nangyari ba sakanya? May masakit ba sakanya? Bakit siya nag iisa at nag lalakad? (Daming tanong a? Concern ka? Bakit hindi mo tanungin?) Halaaa! Buhay ka pa pala? Kala ko wala kana ih. Nung nag iisa ako ni hindi mo manlang ako kinamusta tapos ngayon umeepal ka nanaman tskk. (Sorry na, akala ko ba gusto mo ng nag iisa? Edi syempre hinyaan kita duh! Kausapin mo na kawawa naman siya baka mapano pa) pangungunsensya pa nitong pangit kong kausap.

Teka wait, paano ko ba siya kakausapin? Nahihiya ako. Tsaka ang tagal na naming hindi ng uusap. Anong sasabihin ko? Baka magulat siya saakin.

Habang nag iisip ako kung paano ko siya kakausapin, heto na ako't papalapit sakanya. Hindi ko alam kung paano pero nakita ko nalang yung sarili kong nasa tapat niya.

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now