Chapter 3

79 7 0
                                    

Chapter 3 - WTBFIL(SS)

Perfect

Mia Nicole Reyes's POV

Matapos kong tunggain ang laman ng bote ng alak sandali kong nilibot ang mata ko sa madilim na langit kung saan kumikislap ang mga nagkalat na bitwin. Kasalukuyan akong nasa balkonahe ng kwarto ko. Mag-isa. Umiinom.

Hanggang kelan ako magiging ganito? Saan ako papatungo? Hanggang kelan ako manlilimos ng pagmamahal? Napabuntong hininga nalang akong muli at nagsindi ng sigarilyo.

It's not easy to be me. Pagkabuga ko ng usok ay sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan para makatingala ako. Pinikit ko nalang ang aking mata ng maramdaman ko ang pag-iinit nito. Habang nakapikit ay para kong pinaglalaruan ang usok na nanggagaling sa bibig ko.

Ano bang ginawa ko at naging ganito ang buhay ko? Pag-mamahal lang. Yun lang. That's all I'm asking.

Napapitlag ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Ganun nalang ang pagkabog ng puso ko ng makita kong si Kenneth ang caller ko.

“K-kenneth...”

“I-i miss you.” Pakiramdam ko tumigil ang buong paligid ko ng marinig ko ang salita niyang yun. Nanginig ang labi ko at di ko alam kung magsasalita ba ko o ano. Narinig ko din ang maingay na background niya. He's in the bar. At alam kong sa tinig niyang ito ay lasing na siya.

“Damn, but you hurt me Nicole.” Napapikit ako sa sunod niyang sinabi. He's really into her. Dahil kung hindi, hindi siya masasaktan ng ganito.

Sige magalit ka lang saken, isipin mong sinaktan kita, pero wag na wag mo lang malalaman na niloloko ka lang ng iba. Hindi ko makakayang makita kang nasasaktan ng iba. Sarah is not deserving.

Binaba ko ang cellphone ko at agad akong bumaba para puntahan siya. Alam kong lasing na siya at baka mapahamak pa kung magdadarive siyang mag-isa.

Alam ko kung saan siya pupuntahan dahil madalas namin yung pinupuntahan. Then I saw him. Lugmok. I sighed.

Tumawag ako ng waiter para magpatulong na ilabas siya at isakay sa kotse. Tss! Bangag na bangag.


Mabuti nalang at hindi siya nagpalit ng passcode kaya nakapasok kame sa loob ng bachelor pad niya. Kaya pinasok ko agad siya sa master bedroom at hiniga. “Maloloka ako sayong lalake ka.”

Nilibot ko ang mata ko sa kwarto niya. Ilang beses na kong nakapunta dito at ngayon ko lang nakita itong makalat.

Inayos ko lang ang kalagayan ni Kenneth, at ng masiguro kong okay na siya ay umupo ako sa gilid ng ulunan niya at hinaplos ang buhok niya. “Don't worry Kenneth, ako mismo ang maghahanap ng babaeng karapat dapat sayo.” Mahina kong bulong. At di ko alam kung guni-guni ko lang ba ang pag-galaw ng adams apple niya bilang pag-lunok. Is he awake?

Maybe, I am tipsy too. Tumayo ako at inumpisahan ko ng linisin ang kalat sa buong unit.

Balak ko lang sanang magpahinga ng mahiga ako sa sofa pero di ko namalayan ang antok ko.


“You can go now.”

Inaantok pa kong dumilat ng marinig ko ang boses ni Kenneth. At tuluyang nawala ang antok ko ng makita kong naka topless sa harap ko si Kenneth. “Breakfast ba to?” Wala sa sariling sabi ko. Kunoot noo niya kong tiningnan.

“Ah.. I mean, anong gusto mong breakfast?”

“Tss, di pa ba maliwanag sayong pinaaalis na kita sa buhay ko?”

When the Bitch Fall in Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon