Chapter 5

60 6 0
                                    

Chapter 5 - WTBFIL (SS)

Leave for a while

 

Mia Nicole Reyes's POV

Para akong walang buhay na nakahiga. Nakatingin lang sa kesame. At parang gripong walang awat sa pag-tulo ang luha ko.

Napatayo lang ako ng makarinig ako ng sigawan sa baba. Anong nangyayari?

Kumunot ang noo ko ng makita kong hawak ni Kuya ang isang lalakeng sumisigaw at dinuduro si Daddy. At si Mommy naman ay nasa likod ni Daddy, sa tingin ko ay nasa mid 40's ang lalakeng to.

“Alam ko, nandito ang anak ko. Ilabas mo siya ngayon Greggy.”

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalakeng yun. “Have anyone care to explain to me what the hell is happening here?”

Agad sila sakeng napatinging lahat. “Back to your room Nicole.”


Naningkit ang mata ko. Doon ko napansin na nanginginig ang lalakeng estrangherong nakatingin saken.

“I-ikaw..” Tumulo ang luha sa mata niya at nabitawan siya ni Kuya ng bigla ay lumuhod sa harap ko ang lalakeng yun. “I-I am your father.”


Nanlalaki ang mata ko. “W-wha—”


“Kinuha ka nila saken anak, ng mamatay ang tunay mong ina. Ang kinilala mong ama ay iyong tito.”


Hilam ang mata kong tumingin kina Daddy na umiwas lang ang mata at muli kong binalik ang tingin ko sa lalake. Wala sa sariling napasinghap ako. “Who am I?” Natanung ko nalang sa hangin. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kaya agad akong kumapit sa staircase. God, ano to?


“Tell me the truth..” Umiiyak kong sabi.


“I am your real father. Helena is your real mother, bunsong kapatid siya ng kinilala mong ama Nicole. Pero tutol sila saken dahil wala akong kakayanan na tapatan ang kayamanan ng pamilya ng iyong ina. Pero I love her at ng mabuntis siya ay mas lalong nagalit saken ang pamilyang Reyes. At ng... At ng mamatay siya when she gave birth to you mas nagkaroon sila ng chansa na ilayo ako sayo. Walang wala ako noon Anak. Nagsumikap ako, para bawiin kita. Ngayon eto na, kaya ko na.”


Hindi ko namalayang napaupo na ko sa hagdan. At yumuyugyog ang balikat. Kaya pala.

Kaya pala parang hindi ako kabilang sa pamilyang ito, because I am really not part of this family.

“Sumama ka na saken anak.”

Nanginginig kong tiningnan ang tunay ko palang ama. “I-I need time. Give me a break.” I said crying.

—–


Kenneth's POV

‘I am really sorry. Naging selfish ako. Sarili ko lang ang inisip ko, binalak kitang gamitin. At nalaman yun ni Nicole. Inutusan ako ni Nicole na makipag hiwalay sayo hindi dahil sa inaway niya ko kundi nakita niyang niloloko lang kita. That time hindi man magsalita si Nicole alam kong ayaw ka niyang masaktan kaya mas ginusto niyang magalit ka sakanya. I am really desperate na wag mawala ang scholar ko. Nagkaroon na ko ng bagsak at alam kong mawawala na yun kaya ng malaman kong naging magkaklase kayo ng pinsan kong si Lewis, pinakiusapan ko siya. Pero nalaman ni Nicole yun ngayon. Kaya niya nagawang saktan si Lewis ay dahil duon. Sinaktan niya si Lewis dahil sinaktan ka namin. Balak kong gamitin ka pero ng marealize ko lahat, ng makita kong tumulo ang luha ni Nicole. Na-guilty ako. She has sacrifice for you. Kahit masaktan siya. Maprotektahan ka lang.’

She has sacrifice for you. Kahit masaktan siya. Maprotektahan ka lang.…

She has sacrifice for you. Kahit masaktan siya. Maprotektahan ka lang.…

She has sacrifice for you. Kahit masaktan siya. Maprotektahan ka lang.…


Paulit ulit nag-echo sa tenga ko ang sinabi ni Sarah. God, sinaktan ko si Nicole, the woman I loved.

Frustrated kong binalibag ang bote ng alak at pumunta sa bahay nila Nicole.

Naabutan ko si Jake ang kuya ni Nicole na kababa lang din ng sasakyan.

“Andyan ba si Nicole?”

Umilap ang mata niya saken. “Hindi mo pa ba alam?”

Naningkit ang mata ko. “Ang alin?”


“Nicole is not my real sister. Pinsan ko lang siya.” Bumuntong hininga siya.

Naguguluhan akong tumingin sakanya. “Pumunta dito ang totoong ama niya. Anak si Nicole ni tita Helena ang bunsong kapatid ni Daddy. God, kahit na hindi kame malapit sa isa't isa naawa ako ng makita ko siya naguguluhan sa lahat. She's really hurt.”


Parang piniga bigla ang puso ko. She's hurt at wala ako.

“N-nasan siya?”


Nagkibit balikat si Jake. “Humingi siya ng time para mag isa at walang nakakaalam kung nasaan siya.”

---------

Short Ud :)

Next Ud ko po ay End na. Wala pong Epilogue, basta po deretsong END :)

When the Bitch Fall in Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon