Love story w/ slight pain

4 1 0
                                    

At yun nga , nagdaan na ang mga sweet moments sa aming buhay . May slight na kilig minsan at minsan naman ay halos mamatay na sa kilig heheheh , pagbigyan na minsan lang naman eh .

At dumating na ang araw na napagdesisyunan ko na umamin sa kanya .

*Uwian na nun at pagod na Ang lahat

"Nathan , may sikreto ako na sasabihin sa iyo ." Ika ko

"Ano na naman yan tin ? Baka kalokohan na naman yan ahh " sagot nya ng patawa

"Hindi kaya , sikreto ito na sa ngayon tayo pa lang ang makaka alam " Sabi ko

"Ahh ganun ba ? Sige tuloy mo tin " Sabi niya

"Pero itong secret na ito ay secret ko na tayo lang dapat ang maka-alam ha " Sabi ko

" Nathan " pagtawag ko ng may kaba

"Alam mo ba na may crush ako sa iyo " pag-amin ko ng may halong kaba (ang kapal ko pa kasi nyan )

Napansin ko na parang walang reaksyon sa mukha niya nung sinabi ko iyun . Kaya nalungkot ako ng kaunti .

"Ahh ok " sagot niya

" Ang awkward , sige uwi na ako " pagpapa-alam ko

*Kinabukasan

Mga bandang recess na ito nangyari , naririnig ko na parang sinasabi ng katabi nya na " sabihin mo na kasi kay Tin na wala kang nararamdaman para sa kanya , kaysa naman na malaman niya pa  mula sa amin yan edi mas lalo siyang masasaktan "

Tapos ang narinig ko na sagot ni Nathan ay
" Oo nga noh , mas mabuti pa na ako na ang magsabi sa kanya " .

Medyo nasaktan ako ng marinig ko iyun pero syempre hindi ako nagpahalata , kasi baka malaman nila na naririnig ko ang pinag-uusapan nila . Pero habang nag-uusap sila ay nakatingin sila sa akin .

At may biglang nakarating sa akin na sulat galing kay Nathan na nagsasaad na __

To be continued ...

Friendship Under EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon