1 wave of Quarantine

5 2 1
                                    

Noong dumating ang quarantine sobrang naging malungkot ang lahat at hindi alam kung paano mag-adjust , mahirap gumalaw kasi bawal lumabas .

Pero kalaunan ay nasanay na ang lahat at naging online na ang mga klase .

Kalagitnaan ng quarantine noon at nabalitaan ko na sila na ni Mary at medyo nakakapanghinayang pero kailangan tanggapin .

Many weeks later :

*Notification*
"Sino kaya itong nagtext ? " Tanong ko sa aking sarili at nakita ko na may nagpop-up at nakita ko ang profile ni Nathan , binuksan ko ito at nagulat ako dahil nangangamusta ito

"Hi Tine ! Kamusta ka na ? Sobrang busy ka na siguro ngayon , balita ko nasa honors ka daw ahh . By the way Congrats nga pala ! " Saad niya

Sinagot ko ito ng walang pag-aatubili .

"Hello ! Ok lang naman , Tama ka medyo na busy na nga ako at salamat nga pala sa pagbati mo  . Ikaw ? Kamusta ka naman ? Kamusta na kayo nung girlfriend  mo ? Buti naalala mo pa Ako hehe " pagbibiro kong pagsagot

" Ok lang naman ako . Sinong girlfriend? Si Mary ? ( nai-issue na girlfriend ni Nathan ) ay wala na kami nun  " Saad nya

- Whutttt? Wala na sila ? P-paano nangyari yun ? Hahaha ( pagtatanong ko sa sarili ko ng may halong pagkagulat at kilig )

"Wala na kami nun at saka ayaw ko na dun , nakakainis un  " pagbibiro nyang saad

" Eh diba crush mo yun dati tyaka paanong nakakainis? Pagtatanong ko

" Dati yun at saka hindi ko na sya gusto " sagot nya
"Basta " dugtong pa nito

" Ahh ganun ba " Saad ko

At pagkatapos nun ay halos araw-araw na kami nag-uusap .

Several months later :

*Notification*

"Tine" pagtawag ni Nathan

"Oh bakit ? Napaano ka " sagot ko ng may pag-aalala

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship Under EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon