- s e c o n d -

389 15 5
                                    

TWT's NOTE: Payne's portrayer at the top! He's from a J-Pop group, Hey Say 7 :))) Waaa, sugoi bishounen! xx

x - - - - - - - - - - x

Daddy Long Legs

short story by toneewritestragedies

Second Chapter

x - - - - - - - - - - x

"Payne, tignan mo 'yang si Troy. Nakaka-bad trip ano?"

Siniko ko si Payne habang kumakain kami sa school cafeteria. Nasa kabilang table kasi ang maangas na si Troy kasama ang mga maangas niyang kaibigan. Nakakairita sila. Arrgh!

"Sus, crush mo lang 'yan si Troy e. Ika nga nila Kathrine, the more you hate, the more you love! Yihee!" tinusok-tusok pa ni Payne 'yung tagiliran ko.

Hinampas ko siya sa braso para patigilin siya. "Bwisit ka talaga! Ang sakit niya nga sa mata e!"

"Ang sabihin mo, naiinlove ka lalo sa kanya! Naku, baka kapag naging boyfriend mo 'yang si Troy, kalimutan mo na ako huhuhu!!!" umakto pang umiiyak si Payne tapos ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Aish! Ang clingy mo! Lumayo ka nga sa akin at kumain ka na lang." inaalis ko 'yung braso ko sa hawak niya pero hindi niya ako binibitawan. Kaasar talaga 'tong taong 'to.

"Kayo na pala?" parehas kaming napabitaw ni Payne sa isa't isa nang makita sa tapat ng table namin si Troy. HUH? Problema nito?

"Ah? Hindi naman pare. Naglalambing lang ako dito kay Kathrine. Ang arte kasi e." tapos tumawa si Payne. Ay sorry guys, hindi ko pala nasabi sa inyo na magkaibigan ang dalawang 'to. Bromance nga sila e. Yuck!

Inirapan ko lang ng bongga si Troy dahil panira siya ng araw ko!

"Akala ko pa naman girlfriend mo na siya. 'Di ako makakapayag diyan! Alam mo 'yan!" tapos nagkatawanan sila ni Payne.

Bwisiiiiit! Bakit ba hanggang ngayon epal pa rin 'tong si Troy? Magsama silang dalawa ni Payne, parehas silang pasaway. Ito kasing si Troy since second year ay lagi kong inaasar na crush niya ako kunwari kaya napapahiya ako sa mga tao sa paligid.

"Bakit, Troy? 'Di ka pa ba sinasagot nitong si Kath? Grabe ka naman, friend!" pabiro pa akong tinulak ni Payne kaya medyo napasubsob ako sa mesa.

"Hay nako, ewan ko sa inyong dalawa. Parehas kayong epal, magsama kayo." tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas sa cafeteria.

"Kathrine! Saan ka pupunta? Intayin mo naman ako!" Dali-dali namang tumayo si Payne at sumunod sa akin.

Hindi ko siya pinapansin kahit nakasabay na siya sa akin maglakad.

"Kathrine! Sa linggo, 2pm. Namsan Tower! Pumunta ka, maghihintay ako!"

Natigilan ako sa paglalakad sa narinig ko mula kay Troy. A-Ano daw? Sa Namsan Tower?

*dug*

"Aray ko naman!" angil ni Payne. Paano kasi, sakong pagtigil ko ay bumangga siya sa akin. Pero hindi ko na siya pinansin sa reaksyon niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?!" sabi ko. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakialam. Basta hindi ko ma-gets ang sinasabi niya!

"Basta pumunta ka, kung hindi patay ka sa akin." tapos tumalikod na siya at lumabas sa isang exit way ng cafeteria sa gawi niya.

x - - - - - - - - - - x

"Payne, wala talaga sa sarili 'yang si Troy! Pag-trip-an daw ba ako? Bakit ba may ganyan kang klase ng kaibigan?" tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa bike pauwi sa amin. Medyo magkapitbahay kasi kami nito ni Payne e kaya pati pag-uwi, sabay kaming dalawa.

Daddy Long LegsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon