TWT's NOTE: Hi guys, photo ni Troy at the top! Sheeeeet! TeniPuri feels pati YK! ~_~ Why so baby face yet you're already 24? Gaaaaaa!!
x - - - - - - - - - - x
Daddy Long Legs
short story by toneewritestragedies
- third chapter -
x - - - - - - - - - - x
"Troy, g-gusto kita." alam kong parang ako lang ang nakainig sa sinabi ko pero sigurado akong enough 'yun para marinig niya.
"Ano bang sinasabi mo gusto mo ako ha, Kathrine? Desperado ka na ba kaya ikaw 'tong unang umaamin sa akin?"
Halos mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Troy. Did he just call me desperada? Bakit? Ano bang masama sa pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya? Hindi ko na kasi mapigilan pa 'to kaya umamin na ako sa feelings ko pero bakit ako pa tuloy ang mali?
"H-Hindi, gusto ko lang namang malaman mo. W-wala naman akong ibang ibig sabihin doon." napayuko ako. Hindi ko na kasi kayang makipagsukatan ng tingin sa kanya kasi pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya. Masyadong matatalim ang mga ito. Ughhh! Bakit nakakaramdam ako ng takot? Kainis!
"Sorry, Kathrine pero 'di ko maibabalik 'yang feelings mo sa akin." wala-sa-loob na sabi niya habang nakatingin sa malayo.
Feeling ko nagkagula-gulanit ang puso sa sinabi niya. Shet, ito na ba ang tinatawag nilang basted? Teka nga, bakit ba ako maba-basted eh in the first place hindi naman ako ang nanliligaw sa kanya?! Parang maiiyak na ako anytime soon kung magtatagal pa ako dito mas masasaktan pa ako sa mga sasabihin niya sa akin.
"Hindi naman--"
"Kathrine, tama na."
Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko at paglingon ko nakita ko si Payne: best friend ko at kaibigan din ni Troy.
"Payne..."
"Tama na, halika na." minsan ko lang makitang seryoso si Payne at ito ang isa sa pagkakataong iyon. Hinila niya ako sa braso para umalis na sa harapan ni Troy.
"Sandali lang, hindi pa ako tapos--"
"Tapos na ang usapan na 'to, Kathrine. Sumama ka na kay Payne, wala na akong ibang sasabihin sa'yo."
'Yan ang huling sinabi ni Troy bago siya umalis sa tapat namin ni Payne. Hanggang sa tingin ko na lang siya sinusundan at habang palayo na siya ng palayo sa akin, tuloy tuloy naman ang tulo ng mga luha ko.
At na-realize ko na sa puntong ito, kailangan ko nang tapusin ang kahangalan ko sa taong wala namang interes sa akin.
x - - - - - - - - - - x
Aish! Naalala ko na naman ang pagiging martir ko kay Troy noong closing ng freshman year namin. Paano bang hindi ko maaalala 'yun e parang bumaliktad na yata ang mundo? Siya naman itong nagsasabing gusto niya ako e three years ago parang diring-diri siya sa akin? Bwisit talaga siya! Pinahihirapan niya ang buhay ko.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala sa isip ko 'yung lecheng pangyayari dati. Kaasar naman kasi ito si Troy! Matapos niya akong basted-in (yuck, replace the term), I mean matapos niyang i-dispose ng basta na lang ang feelings ko sa kanya ngayon pagti-trip-an niya ako na gusto niya akong ka-date? Eh kung sinasapak ko na kaya siya para masaya 'di ba?
Binuksan ko ang locker ko para kunin ang PE shoes ko nang mayroon na naman akong nakitang note mula kay Daddy Long Legs. Oo, aware akong hindi ko siya kilala pero sa twing nag-iiwan siya ng note sa locker ko, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi naman dahil sa feeling na mahal niya ako pero kung paano siya makipag-communicate sa akin parang hindi kami malayo sa isa't isa at parang matagal na niya akong kilala.
BINABASA MO ANG
Daddy Long Legs
Short Story{ SHORT STORY } Nahuli ni Kathrine na may naglagay ng love letter sa kanyang locker ngunit hindi niya alam kung sino ang gumawa nito. Mayroon siyang clue: ang mahaba nitong mga biyas. Pero saan siya magsisimulang hanapin ang kanyang secret admirer k...