Daddy Long Legs
short story by toneewritestragedies
- fourth chapter -
x - - - - - - - - - - x
"Payne, bakit?"
I started the talk by asking him. But I heard nothing but silence. Kusang kumakawala ang luha mula sa mga mata ko. Iniiisip ko na sana panaginip lang 'to pero hindi e. Ang hirap-hirap!
"Payne, bakit mo ginawa 'yun? Of all people, bakit ikaw pa? Mag-best friend tayo since grade school tapos ganun mo na lang ipinagsa-walang bahala ang pagkakaibigan natin?" dire-diretso ang pag-iyak ko. Gusto kong pigilan pero hindi ko magawa.
"Sorry, Kathrine. I have my reasons that's why I did that.."
Tinulak ko siya sa abot ng lakas ko dahil na rin sa galit, inis, pagtataka -- lahat ng emosyong hindi maganda e nasa akin na yata ngayon. "Rason? Ano'ng rason? Isa lang ang nakikita kong reason e, 'yun 'yung saktan mo ako!"
Lumapit siya sa akin para hawakan ako sa kamay pero nilayo ko agad ang sarili ko sa kanya. "Ang sama mo! 'Wag mo akong hawakan--"
"Ano bang ikinagagalit mo sa akin ha? Galit ka dahil naudlot 'yun love story niyo ni Troy? 'Yun ba 'yun? Nasasaktan ka dahil humadlang ako sa inyong dalawa? Nanghihinayang ka dahil nagalit ka sa kanya ng walang dahilan!? Sabihin mo nga sa akin, Kathrine!"
Ngayon ko lang nakitang magalit si Payne ng ganito. Namumula ang mukha niya sa tindi ng emotions niya at miski ako natatakot sa pwede niyang gawin. Na-taken aback ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang dahilan ko kung bakit ako galit sa kanya?
Hindi ko sumagot, nag-stay lang ako sa pag-iyak habang nakatingin lang siya sa akin.
"Humingi ako ng pabor kay Troy na 'wag mag-respond sa nararamdaman mo sa kanya." mahinahon ang pagkakasabi niya habang nakatingin sa sementadong kalsada.
"Huh?" wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Kathrine, bata pa lang tayo, gustong-gusto na kita. Gusto kong palaging nasa tabi mo, mag-aalaga sa'yo, gagabay sa'yo, magpapasaya sa'yo at aaminin kong napaka-selfish ko sa ginagawa ko pero..." napayuko siya. "Ayokong mapunta ka sa iba..."
'Di ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya. Sobrang nakakaulat to the point na halos lumuwa ang mata sa sobrang shock sa sinabi niya sa akin. Pero pinili ko na lang tumahimik at bigyan siya ng chance na i-explain ang sarili niya.
"Nang malaman ko kay Troy na parehas kami ng nararamdaman para sa'yo, nagtampo ako sa kanya kahit hindi naman dapat dahil wala naman siyang kasalanan kung nagkaparehas kami ng nararamdaman eh. Tapos nalaman ko pa sa'yo na gustong-gusto mo din siya. Kaya naisip kong wala na talaga akong pag-asa. Masyado lang kasi talaga akong torpe kaya 'di ko nagawang sabihin sa'yo 'yung feelings ko. Pero kinapalan ko na ang mukha ko, sabi ko sa kanya magparaya na siya para sa akin tutal ako naman ang lagi mong kasama at mas kaya kitang alagaan kesa kanya. Nung una ayaw niya dahil desidido din si Troy na i-pursue ka pero hindi ako tumigil at nagmakaawa ako sa kanya na ako na lang dahil 'di ko kayang...." biglang nag-sob si Payne. "...dahil 'di ko kayang mawala sa akin."
Oh, shoot! Hindi ko alam kung ano na ngayon ang mararamdaman ko para kay Payne. I really valued him and love him as my most special and trusted friend but I feel sad for him.
"Payne, hindi ko alam na kaya mo palang gawin ang bagay na 'yun sa amin na mga kaibigan mo." direcho kong sabi sa kanya.
"Alam kong sobra kong selfish dahil ginawa ko 'to sa inyong dalawa. I'm sorry, Kathrine. 'Di ko alam na sa ganito pala hahantong ang lahat: nasaktan kita at niloko kita."
BINABASA MO ANG
Daddy Long Legs
Short Story{ SHORT STORY } Nahuli ni Kathrine na may naglagay ng love letter sa kanyang locker ngunit hindi niya alam kung sino ang gumawa nito. Mayroon siyang clue: ang mahaba nitong mga biyas. Pero saan siya magsisimulang hanapin ang kanyang secret admirer k...